Chapter 7

312K 8.4K 769
                                    


#WIAE Chapter 7

Maybe you were just nervous yesterday. Good job, Estrella," sabi sa akin ng Professor ko. Nagpasalamat lang ako at saka umalis na. Mabuti naman at pumasa na ako finally. Hindi kasi ako tinigilan ni Avo nung isang gabi hanggang hindi ako nasasanay. Sabi niya, oo at palagi niya akong poprotektahan pero kailangan ko pa rin daw masanay. For his sanity's sake, he said that I should learn how to shoot.

Sabi niya kasi ay baka mabaliw siya sa pag-aalala sa akin. Thinking about how helpless I would be in times of danger.

I got my things from the locker area. Nung isasara ko na 'yung pinto nung locker ko, may narinig ako na kalabog.

"Hello?" malakas ko na sigaw. Ako na lang kasi ang naiwan dahil ako ang pinakahuling nag diagnostics. Halos pagabi na rin at wala ng masyadong tao sa campus. Pinilit ko na lakasan ko ang loob ko kahit na sa totoo lang ay kinakabahan ako. This school always gave me the creep. Lalo na kapag ganito na malapit ng magdilim at mag-isa lang ako.

Isinara ko na ang locker ko at kinuha ang gamit ko. Mabilis ako na naglakad, patakbo papunta sa pintuan.

"Shit!" sigaw ko nung may malakas na naman na kalabog. Parang tatalon na palabas ng dibdib ko ang puso ko sa sobrang kaba. Halos liparin ko na ang pintuan dahil natatakot na talaga ako.

Nung pagdating ko sa may pintuan, medyo gumaan na ang pakiramdam ko dahil nagkaroon na ako ng pag-asa. Pero hindi pa rin pala.

"You've got to be kidding me," I groaned. Naka-lock iyong pinto at hindi ko mabuksan. "Ugh!" sigaw ko nung sinipa ko iyong pinto. Parang sinaktan ko lang iyong sarili ko dahil matibay talaga iyong pinto.

I looked around me and realized that I would be stuck here until tomorrow.

"It's alright," I reminded myself. It would be like the old times. Iyong mga panahon na kailangan akong itago nila 'My sa isang madilim na kwarto para hindi ako makita nung mga kaaway nila. 'Yung mga panahon na pakiramdam ko kaibigan ko ang dilim. Siya kasi ang palagi kong kasama.

Memories from the past flooded my mind. Kahit anong hirap na pagtakas ang gawin ko, babalik at babalik pa rin yata ako rito. Wala na yatang kawala talaga.

I sat on the ground and pepped talk myself. Kailangan kong maging malakas. I shouldn't let fear swallow me alive.

But as the minutes passed, I noticed that the temperature seemed to be lowering. I shivered in the cold, my teeth chattering in the icy environment. Naisuot ko na lahat ng pwede kong maisuot pero nilalamig pa rin ako. Was I sick? Bakit parang ang lamig-lamig?

Slowly, my breathing became shallow. Ang hirap huminga. Ang lamig-lamig.

"Avo..." I said before I lost consciousness and everything turned black.

***

MY HEAD WAS swirling and I couldn't breathe properly. I felt so sick. I have never felt this sick. I tried to move my hand but it hurt. I opened my eyes and saw that there was IV stuck in my hands.

"Are you crazy? No! Hindi pwede!"

My vision was still blurry but I could see Avo's friends. Hinanap ng paningin ko si Avo pero wala siya. I couldn't even recognize the place I was in.

"Avo will kill us," Night said. "Ikaw, Lorenzo, what do you think?"

There was a pause. I wanted to get their attention but my voice was too weak. Ang sakit-sakit talaga ng ulo ko. I felt like my head was being pounded by hundreds of hammer. Parang binibiyak ang ulo ko.

When It All Ends (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon