Chapter 5

355K 10.3K 1.7K
                                    

#WIAE Chapter 5

Contrary to what I feared, walang anumang masamang nangyari sa akin. Mabilis na kumalat ang balita na kami na ni Avo—it spread like a wildfire. Kaya naman sa first week ko pa lang dito sa AdM, pakiramdam ko isa na akong celebrity. Lahat ng estudyate pakiramdam ko kilala ako. Kapag naglalakad ako, sinusundan ako ng mga paningin nila. Kahit mga school officials, pakiramdam ko ilag sa akin.

Being linked to Avo was like having power bestowed upon you.

"Ayoko na pumasok," I said. Kakauwi ko lang mula sa klase. Kakatapos pa lang ng first week of class pero drained na drained na ako. Akala ko medyo madali na ang sistema rito pero nagkamali pala ako. Seryoso pa rin sila sa academics. Bakit nga ba kasi nakalimutan ko na ang mga nag-aaral dito ay tagapagmana ng mga business ng mga magulang nila? Of course they needed the best education at their disposal.

Cathy was on her bed. Mas nauna kasi siyang nakauwi sa akin.

"I know," she groaned. "Grabe! Pagod na ako ngayon pa lang. Paano na next week? Start na nung military training shiz ng school na 'to! Baka gumapang na ako pauwi!"

Bigla naman akong kinabahan. Marami na akong naririnig tungkol sa training na iyon. Sabi naman ni Avo, madali lang daw. But of course, bakit nga ba ako naniwala? Si Avo 'yun. Malamang sanay na sanay na 'yun sa mga ganon.

"Mahirap ba talaga?" I asked.

Cathy nodded. "Yeah, medyo mahirap lalo na kapag hindi ka sanay sa mga physical activities. Pero masasanay ka rin, swear. Medyo masaya lang 'yung gun exercises," she said and then beamed.

"Marunong kang bumaril?"

Kumunot ang noo niya sa tanong ko. "Duh!" sabi niya sabay tawa. "Ang weird naman na anak ako ng mga gumagawa ng baril tapos hindi ako marunong, 'di ba?"

Bigla kong nakagat ang labi ko. Shit. Nagpapanggap nga pala ako na Deuxième. Dapat marunong akong bumaril. So I smiled at her. "Of course." Matapos iyon, nagsabi siya na huwag ko na siyang hintayin dahil wala na siyang balak kumain dahil gusto na lang niyang matulog. Hindi ko na siya pinigilan pa dahil mukhang pagod talaga si Cathy at gusto niya na magpahinga. But I, on the other hand, ay gustong kumain. My stomach was grumbling.

Tumayo ako at sinigurado ko na dala ko ang ID ko. Essential talaga 'to. Hindi ko alam kung paano ako makakasurvive kung wala akong ID. Halos dito nakasalalay ang buong pagtira ko sa loob ng AdM.

Saktong kakalabas ko pa lang ng dorm ko nung makita ko si Avo. Napasapo ako sa dibdib dahil sa gulat.

"Avo!" I said in surprise. "Bakit ka nandito?"

Sa loob ng isang linggo na magkasama kami, medyo nawala na ang ilang ko sa kanya. Medyo lang. Paminsan kasi ay nagugulat pa rin ako sa kanya. Masyado siyang possessive, masyadong touchy. Para bang bula ako na mawawala kapag binitiwan niya.

"Dinner," he said. Hinawakan niya na naman ang kamay ko. Nung una, hindi ako sanay. Pero ewan ko, after a few days, nasanay na rin ako na hawak niya ang kamay ko. Parang hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi niya hawak ang kamay ko. Or was it just me? "What do you want to eat?"

Tahimik kaming naglalakad. Friday night ngayon kaya maraming tao na nagkalat. Nakalimutan ko na pumunta kanina sa office ng headmistress para magtanong kung paano ko makakausap ang mga magulang ko. Masyado kasi akong napagod sa school works.

Gusto ko silang makausap. Hindi para magalit. I was past being mad. I just wanted to know what's happening to them. Of course mga magulang ko sila.

"Avo," I asked while we were in the middle of a stroll in a cold Friday night. "Paano ko makakausap ang mga magulang ko?"

Umiling siya. "They'll contact you when it's immediate."

When It All Ends (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon