CHAPTER 2: THE AUCTION

1.1K 45 0
                                    

"May dalang gayuma ba yang kaibigan mo?" rinig ni Dasha na tanong ni David kay France.

Nasa iisang mesa na sila dahil tapos na ang seremonya at nagdiriwang na ang mga naroon. Sumabay na din sa kanila si France matapos bumati sa mga naroon.

Siyempre kumunot rin ang noo ni France kung bakit natanong ito ni David. Mukha kasing magtatanong ito kanina pero dahil magsisimula na ang seremonya ay tumahimik ang mga ito.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong ni France saka tumingin sa kanya na walang alam.

Nagkibit balikat lang siya dahil hindi niya rin alam.

"The cold guy Kairo smiled at her saying Hi, it was creepy dude. We know that Kairo seldomly smile to us but when he saw Dasha he smiled at her all of a sudden." nahihiwagaan na usal ni David. Mukha pa itong bata na tuwang tuwa sa pagkwento.

"Really?" Mukhang di rin makapaniwalang usal ni France at tumingin sa gawi niya. "Dasha you know him?" tanong nito sa kanya na ang tinutukoy ay si Kairo na dumating kanina.

"No, but we met once outside the bar before!" sagot niya. Yun lang naman talaga ang pagtatagpo nila kaya di niya rin alam kung bakit ngumiti ito kanina maybe he felt happy or something happened that made him smile.

And what's wrong with a person smiling?

"Did he fall at first sight?" tanong ni David na mukhang nag-iisip pa dahil sa malayo ito nakatingin habang ngumunguso.

Napaubo naman siya saka uminom ng tubig.

Sinapak naman ni France sa ulo ni David ng mahina. "Kahit ano na naman naiisip mo. Dapat ka na rin mag-asawa ikaw nalang sating tatlo ni Zion ang single lagpas kana sa kalendaryo. Baka lang nagbago na yang si Kairo, kahit ano pa iniisip mo."

Sumimangot naman si David at tinuon nalang ang atensyon sa pagkain ng dessert.

Tumingin naman si Dasha kay Kairo na may kausap sa ibang mesa. Bakit parang kakaiba ang dating nito sa kanya? Nang unang beses niya itong makita halos mamatay siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya siguro takot o pangamba lang iyon pero kanina, hindi man lang siya nagulat sa presensya nito hanggang matapos ang seremonya. She felt different, lumingo-lingo siya para alisin sa utak ang isiping iyon at tumingin kay Nix na abala sa cellphone nito. Mukhang may pinagkakaabalahan ito sa cellphone.

"France wala ka bang balak ipakilala samin yung asawa mo?" tanong ni Grae saka tinuro ang asawa ni France na nakaupo sa ibang mesa.

"Abala siya!" tipid na sagot nito.

"Anong klaseng asawa ka ba? Dapat sinamahan mo siya doon!" dagdag ni Shen.

"They're right, this was supposed to be a couples night. You should have accompany her even if this is not what you both wanted!" mahinang wika niya rito.

Tumango naman si France saka nagkibit balikat at tumayo. Lumapit sa asawa nito at umupo roon.

"I don't think I can live like that!" naiiling na wika ni Gavin.

"Lahat yata kayo na magbarkada puro arrange marriage. Pero mas malala yung isa diyan apat na taong di nagpakita!" wika ni Shen na nagpaparinig malamang, di niya alam kung sino ang pinaparinggan nito kaya tumahimik nalang siya at nakikinig.

"It was unmeant. And I realized my mistake so why are you still complaining about it?" reklamo ni Zion.

It was past ten in the evening when they decided to leave. Kaunti na rin kasi ang mga naiwan at mga malalapit nalang sa pamilya ng groom at bride. Umuwi na rin ang ibang kaibigan ni France maliban doon sa may mga kausap pa.

BILLIONAIRE'S SERIES #2: ONE NIGHT MISTAKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now