CHAPTER 8: TROUBLE

770 24 0
                                    

"I'm sorry!"

TINAPON ni Dasha ang sketch pad niya saka pumikit. Paulit-ulit na bumabalik sa alaala niya ang sinabi ni Kairo.

'Did he really mean it? He likes me?'

Hindi siya sigurado sa nararamdaman niya at nananaig pa rin ang takot at pangamba niya. Kairo is a good guy, he is every womans dream. A sought after bachelor of the country because of his intelligence in business.

At tanging naisagot niya lang rito ay 'I'm sorry!'

Tiningnan niya ang sketch pad niya, kanina pa siyang umaga nag drafting ng designs sa sketch pad niya pero wala talagang mabubuo sa utak niya. She's too occupied lately that's why she can't focus on what she's doing.

Tumayo naman siya saka pumasok sa maliit na room na ginawa niyang Studio at kinuha ang mga materyales sa pagpipinta. She had to let out those burdens and barriers to free herself.

Bakit sobra siyang nababagabag sa sinabi ni Kairo gayong wala naman siyang nararamdaman dito.

'Wala nga ba?'

Bumuntong hininga siya saka sinimulan ang pag pipinta. Whatever comes to her mind ay ginuguhit niya kaya nang mapagod ay nagpahinga naman siya saka binalik na naman ang atensyon sa pag drafting at hand drawing ng designs ng jewelries.

Days had passed and still she felt occupied kaya sa mga nagdaang araw itinuon niya ang sarili sa pagpipinta. She made an effort unto that painting kaya tinawagan niya si Darren na may bago siyang artwork. Sinabi naman nito na ito na mismo ang kukuha sa condo ni Nix.

"Is this what you've been doing lately?" tanong nito saka naman siya tumango rito.

"What's with this? It seems like your style and way of expressing art is changing. That Night in Pavillion?" basa nito sa title ng gawa niya.

Naalala niya lang yung gabing kasama niya si Kairo at kumain sila sa kakabukas na restaurant. She liked the place and the image of Kairo sitting on the chair facing the city lights gave her inspiration kaya siya nagpinta nang ganong pangyayari. She painted it in oils kaya maganda talaga ang kinalalabasan. She's a fond of oil painting kaya halos lahat ng naipinta niya in oils ay mabinta. Ang iba naman acrylic at sand painting ang gamit niya.

"I'll take this!" ani nito saka nilagay sa lalagyan. May isa pang painting na kinuha nito.

Darren stayed in her mini studio for hours watching her painting saka ito nagdesisyon na umalis. Nagsasalita nga ito pero ng mapansin na di naman nakikinig at malalim ang iniisip ng kausap kaya nagdesisyon na siyang umalis. Hinatid niya pa ito hanggang sa labas ng condo.

"Take care!" kaway niya rito saka naman ito kumaway pabalik sa kanya saka sumakay sa sasakyan. Bumusina pa ito sa kanya bago tuluyang umalis. May natanaw naman siyang pamilyar na kotse sa may di kalayuan. Nakatanggap naman siya ng mensahe mula kay Nix kaya agad niya itong binasa.

"Someone posted the mansion of Mr. Wilsons. Saying, D. Kyrie was living there. You better not go there."

Kumunot ang noo niya saka pumasok sa loob.

'How did they know?'

Wala siyang ka ide-ideya sa nangyayari kaya bumalik nalang siya sa loob ng condo.

Walang nakakaalam sa hitsura ni D. Kyrie even her age. Kaya paanong nalaman ng mga ito na doon nakatira si D. Kyrie. Mabuti na rin at sa condo ni Nix siya nanatili.

Tumunog naman ang phone niya habang nagpipinta kaya sinagot niya iyon. It was Darren.

"Why? What's wrong?"

BILLIONAIRE'S SERIES #2: ONE NIGHT MISTAKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now