CHAPTER 4: THE ARTIST

939 31 1
                                    


"President!"

Agad na lumingon si Dasha sa tinawag ni Gavin na President saka napamaang ng makitang si Kairo ito.  Bakit kapag may nababangga siya laging si Kairo iyon. Akala niya si Zion iyon, naalala niya tinawag na President ni Gavin si Zion noon sa mall.


"Hijo, is she your today's date?"

"Ha?" agad na wika niya saka tumingin sa ginoo na nagturo sa kanya. Tumingin naman si Dasha kay Kairo.

Tumawa siya ng mahina saka humingi ng paumanhin at umalis roon. Nagtungo siya sa isang sulok saka bumuntong hininga.

Napagkamalan pa siyang date nito. Eh mas maganda naman yung kadate niya kanina sa café. Di nga lang niya alam bakit sinabuyan  nito si Kairo ng tubig.

"I think the President is here?"

"Talaga? I'll help you, balita ko yung ina niya ang nag hahanap ng kadate niya. And he's having a blind date everyday at the same spot."

"Really? Balita ko he excel in everything."

Tumingin siya sa dalawang nagchichismisan. Kaya pala iba-iba ang dala nito na babae sa café. It's a blind date. Nix was wrong in thinking Kairo is a womanizer.

"What are you doing here?"

'I thought sinuwerte na ako, minalas pa rin pala!'

Ngumiti siya sa kaharap saka tumingin sa paligid.  Hindi naman maraming tao ang naroon but it's better to avoid. Iiwas na sana siya ng pigilan siya nito sa kamay.

Napatingin pa siya sa kamay nitong nakahawak sa kanya, saka ang suot nito na bracelet at singsing nito.

'The ten million! Of course since it's private she'd wear it to show off. She might kill herself if she finds out I made it.'

"It looks like you are here to make a fortune!"

Peke siyang tumawa sa sinabi nito saka inalis ang kamay na nakahawak sa kanya.

"I'm sorry, but I'm nothing compare to you, and are you referring to yourself? To make fortune? Balita ko, hindi sa iyo ang sampung milyon?" mahinang sambit niya. "Looks like you've been fooling my Dad until now!"

Lumingon-lingon  naman sa paligid si Jaime saka pilit pinakalma ang sarili.

"If you have nothing to say, please excuse me!"  Wika niya saka tumalikod.

"Bakit may nakapasok dito na coffee shop worker?"

Tumigil siya sa paglalakad at lumingon dito. Dasha doesn't look elegant on what she's wearing. A normal dress lang naman that looks average unlike Jaime, showing of herself, na di naman niya pinaghirapan.

Nagtinginan ang ibang nakarinig sa gawi nila kaya siya ngumiti. Hindi pa rin talaga nagbabago ang isang Jaime Shaw.

"This is a private gallery exhibit. How come isang coffee shop worker ay nakapasok?"

Ulit na sambit nito. Mukhang satisfied naman si Jaime at nakangiti pa ito sa kanya.

Nagbulong-bulongan naman ang ibang naroon at talagang bumabase sila sa hitsura.

BILLIONAIRE'S SERIES #2: ONE NIGHT MISTAKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now