CHAPTER 10: DOUBT

762 27 1
                                    

"So you're saying na kaya hindi ka umuwi kagabi dahil nagkasakit si Kairo at ikaw ang nag-aalaga? Hindi ba uso sa inyo ang doctor? Nurse? Hello? Hospital?"

Agad na wika ni Nix ng makarating siya sa café ng tanghali pagkagaling niya sa condo nito. Naikuwento niya kasi rito kung bakit hindi siya nakauwi.

"Masyado nang malalim ang gabi saka lagnat lang naman!"

"Hindi naman siguro siya mamamatay kung iiwan mo doon noh? Dati tatanggi-tanggi ka pa na gusto mo siya tapos ngayon yung sweetness niyo malala. Kulang nalang talaga altar e para maikasal na kayo. Kakaiba talaga kayo maglandian."

Bumuntong hininga siya saka tumingin kay Nix. "I'm still confused and not sure about it. Besides maybe after days of observing about what we felt and realize this is not what we wanted, we'll end it!"

Tumabi ng upo sa kanya si Nix saka tiningnan siya.

"Alam mo, kilala naman kita, you don't do things you're not sure. So alam kung sigurado ka dito at yang inaalala mo ngayon dapat hanapan mo na yan ng solusyon. Not because di kayo sure, it's because you are doubting over something."

*——

"Excuse me, nandito ba si Miss Dasha?"

"Yes? Why?" tanong niya agad.

"May delivery po!"

Kinuha niya kaagad ang delivery kahit hindi naman niya alam kung saan galing. Kawawa naman kasi yung tao, he looks like a high school student.

Tinanggap niya ito saka naman agad na umalis ang lalaki.

"What's that?" tanong ni Nix saka kinuha ito.

Nagkibit balikat lang siya, saka inagaw ni Nix ang box at binuksan iyon. "Mukhang magandang pagkabalot ah!" ani nito saka dahan-dahan na binuksan iyon.

Agad naman itong napatalon at tinapon ang box kaya nilapitan niya ito. Agad niyang tiningnan ang nakataob na box at nagulat nang makita ang patay na daga. Agad naman niya itong niligpit saka tinapon sa basurahan sa labas ng café.

Halos ubusin ni Nix ang isang basong tubig saka pinapakalma ang sarili. Saka humarap sa kanya.

"Sinong nagpadala nun?" tanong nito.
Nagkibit balikat naman siya saka tiningnan ang maliit na card na nahulog.

Pinulot niya ito saka binasa ang nakasulat.

'Miss me? You better prepare! There's more ahead of you!'

"Ano yan?" tanong ni Nix saka kinuha ang card. "Jaime na naman? Kahit kalian talaga napakachildish ng pag-uugali nun.

Umiling lang si Dasha saka nagpatuloy sa ginagawa.

Tumunog naman ang cellphone niya kaya sinagot niya ito.

It was Kairo calling her kaya lumabas siya sa café.

"Hmm?" sagot niya.

"Wanna go out on a date?" agad na wika nitp  sa kabilang linya. Ngumiti naman siya saka iniisip kung ano ang gagawin niya sa araw na iyon. Good thing she's free. As always.

"Okay!"

"I'll pick you! Where were you?"

"At the café!"

"See you after lunch!"

"Okay!"

Binaba niya ang tawag saka ngumiti. Inabangan naman siya ni Nix sa loob at tinaasan siya ng kilay.

"Iba talaga kapag inlove ka e ano? Pangiti-ngiti lang kahit nakakatanggap ka na ng death threats."

"Hindi naman  ako ang nagulat e, ikaw naman, ba't kasi inagaw mo yan tuloy!" sagot niya saka natawa.

BILLIONAIRE'S SERIES #2: ONE NIGHT MISTAKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now