CHAPTER 19: MEMORY

744 22 0
                                    

Nakangiting nakipagkamayan si Kairo sa ibang dumalo sa nasabing private auction. Aalis na sana siya nang lapitan siya ni Gavin. They had been waiting for this night, this was their only chance to claim the Xie Jie Art Gallery again. He had been very busy handling their business as it encounters mishaps and problems.

Kailangan nilang makuha ang isang artifact sa Private Auction na iyon para ipakita sa shareholder ng Xie Jie Art Gallery. Gusto ng mga ito na makita kung ano ang kayang gawin ng pamilya niya para hindi maisara ang gallery lalo pa at hindi na ito gaanong kumikita.

He wanted to save the gallery, he cannot let other people handle what his grandfather strived for. Binuo ng grandparents niya ang Xie Jie Art Gallery bilang isang alaala ng mga ito bago lumisan. Because they are fund of artworks during their time.

"We have to leave, Mr. Aguirre will only be available at nine." bulong ni Gavin sa kanya.

Tumango naman siya rito saka ngumiti sa ibang lumapit sa kanila.

"Congratulations!" bati ng isang negosyante sa kanya saka nakipagkamay rito.  Nakuha nila ang artifact sa halagang bente milyong piso. Ito ang sinaunang artifact at sabi ng ina niya mula pa ito sa ninuno nila at nawala ito sa Xie Jie Art Gallery nang bata pa lang si Kairo kaya hinanap nila ito. Ito ang puwede nilang ilagay sa  Gallery bilang personal item. Maaring makumbinsi nila ang ibang shareholder sa pamamagitan nito. Nang malaman nilang kasali ito sa Private Auction nagdesisyon silang magtungo roon.

"Thank you!"

"Let's go!" bulong ni Gavin sa kanya saka siya tumango at nagpaalam sa mga naroon.

"We're leaving first!" paalam niya kay Zion, tumango naman ito sa kanya. Magkakaroon pa kasi sila ng meeting sa isang sikat na Artist para sa collaboration para patuloy na bubuksan ang Art Gallery. 

Dumiretso sila sa sasakyan nila dahil may pupuntahan pa silang meeting. Pinakaimportante ito para sa kanya. They shouldn't miss that opportunity.

Napatigil si Gavin sa pagbukas ng sasakyan ng makita nito ang President ng JNC WILSONS.

Sumilip din si Kairo rito saka ngumisi ng makita si Darren na nakaupo habang pinagkrus ang dalawang braso.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Makikisakay lang, someone took my car away!" prenteng sagot nito saka siya umiling. "May tao kasi siyang ayaw makita kaya sumama ang pakiramdam niya. Alam mo na? Womens will always exaggerate things they shouldn't overreact." pang-aasar nito saka bumuntong hininga.

Sumakay siya  sa sasakyan saka sinenyasan si Gavin na aalis na sila. Pinaandar naman nito ang sasakyan saka umalis sa lugar na iyon.

"I am very impressed with your dedication tonight, you spent millions just for an old-fashioned artifact. I guess that gives a big credits to your Gallery's crisis."

"It's none of your business, focus on dealing with your love rival not my business."

"Yeah, I'm about to end that person's life. Huwag mong kalimutan na ako ang tumulong sayo sa gabing ito. Give me some credits too."

Umiling si Kairo saka kinuha ang phone niya. He had been checking the time since that was their only chance to meet the person who will help them convince the shareholders of Xie Jie. Mr. Aguirre is a well-known painter. Kapag napapayag nila ito sa kondisyon nila na magkaroon ng pangalan sa Xie Jie Art Gallery masosolusyunan na ang problema nila sa Gallery.

If things will be solved tonight, he can have a lot of time to talk to Dasha about all those unexpected turns of their life.

Napansin nila ang pagkukumpulan nang mga tao sa di kalayuan. Kaya dahan-dahan na pinapatakbo ni Gavin ang sasakyan.

BILLIONAIRE'S SERIES #2: ONE NIGHT MISTAKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now