CHAPTER 6: HER "DASHA"

863 23 1
                                    

Dasha stayed at the café as usual, wala naman siyang gagawin kaya pinili niyang manatili doon at magtrabaho. She felt tired, iwan ba niya basta napapagod siya.

"She's here!" ani Nix saka ng makita nito ang expression niya. lumapit pa ito sa kanya. "... Jaime!" bulong nito. Saka siya tumingin sa entrance ng café. Nandito nga ito kasama ang dalawa pang babae na malamang kaibigan nito. Unang tingin pa lang they look elegant and the same attitude as ever. Mapapansin mo naman sa kinikilos palang.

Hindi na siya nag-abala pa at nakatuon lang ang atensyon sa ginagawa. She knows how to make kinds of coffee and drinks kaya sa counter siya nanatili. She'll prepare the drinks and the staff will serve.

Lumapit naman bigla sa kanya ang staff na nakakunot ang noo.

"What's wrong?" Tanong niya.

"Ikaw daw ho yung gusto nilang magserve ng inorder nila" Turo nito sa pwesto nila Jaime kaya ngumisi siya at kinuha ang nilista nitong mga inorder.

Nilagay naman niya sa tray ang mga iyon pagkatapos saka lumabas ng counter at dinala ang mga inorder nito.

"Here's your order!" wika niya saka nilapag sa mesa ang mga iyon.

"Looks like, I'll often come here. Akalain mo, dating sikat at tagapagmana ng Scott nandito na? Nagtatrabaho na sa isang cheap na café." pagpaparinig ni Jaime kaya siya pekeng ngumiti at di pinansin ito.

"What do you mean?" scripted na tanong ng isa.

"I mean, dahil nga kasi sa kalandian kahit sino nalang ang kinakama. There's always a karma. Akalain mo, she lost all her assets in one night just for sleeping a random guy."

"Talaga? I mean ang babaw naman niya. Seryuso ba?"

"Oo, tinakwil din siya ng ama niya dahil di kinaya ang kahalayan niya."

"She's a disappointment in the family!"

She almost lost her patience ng dumating si Nix na may hawak na cold lemon juice na may mga ice pa at sinaboy doon. Nagsigawan naman silang tatlo ng mabasa sila sa sinaboy nito na juice.

"Ang asim ng amoy, kasing asim ng pag-uugali niyo!" sigaw ni Nix na nakapameywang pa.

"What's wrong with you?" galit na sigaw nung isa.

"What's wrong with me? Hindi kasi welcome sa café ko ang mga mukha niyo kaya sinabuyan ko ng lemon juice, ngayon gusto ko na kayong ewelcome sa café ko. Jennie, ihanda ang drum!" Sigaw pa niya sa staff.

Sasampalin na sana ni Jaime si Nix ng lumapit pa rito si Nix at tinaasan ng kilay.

"Do it!" panghahamon ni Nix saka nilapitan pa si Jaime.

"Akala mo di ko alam? Buti nga siya, umalis ng walang kinuha, e ikaw? Magkano na nakuha mo sa yaman ng ama niya? Di ka naman kaano-ano ni Chairman pero kung makagastos ka ng pera akala mo tunay kang anak e anak ka nga sa labas. Baka nakalimutan mo nabuntis ang ina mo na wala kang ama? Bago ka mang-apak ng pagkatao ng iba isipin mo muna kung anong klaseng buhay at ugali meron ka. Yang pag-uugali mo kasing dumi at diri ng buhay mo at ng ina mo. At kayo?" turo niya sa kasamahan nito na mangiyak-ngiyak na. "... Kinakaibigan niyo to? Eh di niyo alam baon to sa utang. Alam niyo ba yung 10 million na jewelry na nakuha niya sa Auction? Sa tingin niyo pera niya yun? Pera yun ng ama ng inaapi niyo ngayon! Naiintindihan niyo? At alam mo rin ba Jaime kung sino ang gumawa nun? Kamay ng inaa-"

Hinila ni Dasha si Nix mula doon saka dinala sa loob ng mini lobby nila.

"Nasabi ko ba?" mahinang tanong nito habang tinakpan ang bunganga.

Umiling si Dasha saka huminga ng malalim at tumingin sa labas. Nang makaalis ang tatlo habang nagdadabog saka niya hinarap si Nix .

"Thank you!"

BILLIONAIRE'S SERIES #2: ONE NIGHT MISTAKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon