CHAPTER 5: HIS "KAIRO"

971 27 5
                                    

"You're worried?"

She froze the moment she felt Kairo's breath on her neck when he leaned closer to her inside the elevator. Lumakas bigla ang tibok ng puso niya at pakiramdam niya kay hirap habulin ng bawat tibok nito.

Kairo smiled at her and looked directly to her eyes.

"I-I'm n-not!" sagot ni Dasha saka ng bumukas ang elevator ay mabilis siyang lumabas at tinahak ang daan palabas ng hospital at hindi na pinansin si Kairo na nakasunod sa kanya.

Tinawag pa siya nito ngunit hindi na siya lumingon pa. Agad naman siyang tumawag ng taxi saka dumiretso ng sakay.

Tinanaw pa niya si Kairo saglit na tumatawa pa habang nakatingin sa papalayong sasakyan.

"Saan tayo Miss?" tanong ng driver. Sinabi naman niya ang address ng café saka bumuntong hininga at pumikit habag nakasandal ang ulo sa sandalan ng upuan.

'You're worried?"

Bumuntong hininga siya at pilit inalis sa ala-ala na iyon ang sinabi ni Kairo saka kinuha ang phone niya.

And why did she run away from him? Napakadefensive naman niya para tumakbo at iwan ang lalaki e hindi naman iyon totoo. Nagkibit balikat nalang siya.

"BUTI hindi ka napahiya!" natatawang sabi ni Nix saka siya binigyan ng isang baso ng juice.

Nagkibit balikat lang siya saka uminom ng juice, ayaw na niyang buksan ang topic na iyon.

"Siyanga pala, may tumawag kanina may hinatid daw na parcel sa bahay sinabi ko lang na iwan sa labas ng pintuan para sayo daw iyon."

Tumingin siya kay Nix na nagtatanong pero kibit balikat lang ang sagot nito. Wala din naman siyang maalala na may binili siya o pinadala.

Nang makauwi kinagabihan ay kinuha niya diretso ang box saka ng makapasok ay kaagad niya itong binuksan.

"What's that?" tanong ni Nix saka tumingin sa laman ng box. "Ano to?" tanong nito saka kinuha ang isa pang box sa loob at ito na mismo ang nagbukas.

May isang layer pa ng box na balot na balot saka nila iyon binuksan. Tumambad naman sa kanila ang mga boxes na lalagyan ng mga necklace. Nakalimutan niya, nang ibigay niya sa kompanya ang designs niya sinabi niya pala rito na padalhan siya ng samples.

"D. Kyrie's designs? Sinabihan ko pang iwan lang sa labas, e sobrang mahal ng mga ito." bulalas ni Nix saka kinuha ang isang box at binuksan iyon saka masayang kinuha ang kwentas na laman niyon.

Manghang-mangha pa ito sa nakita saka nilagay nito sa leeg ang kwentas.

"Did the President send this?"

TUMANGO nalang si Dasha saka tiningnan ang iba pang mga laman. Limang necklace lang iyon mula sa mahigit 20 designs na ginawa niya.

Sobrang ingay naman ni Nix habang nagsusuri sa bawat necklace. "Kapag sinuot mo ito, siguradong kaiinggitan ka ng lahat. This is so pretty." ani nito. "Nagpapadala ba sila ng ganito lagi kapag nagrerelease ng bagong designs?" dagdag na tanong nito.

"Minsan!" tipid na sagot niya saka iniwan ang kaibigan at nagtungo sa kwarto niya. Agad siyang naligo saka nagbihis bago bumaba at tiningnan ang kaibigan na may hawak na maliit na papel at tiningnan iyon.

Nakatulala lang ito at wala man lang sinabi kaya lumapit siya dito."What's wrong with you?" tanong niya saka nito binigay sa kanya ang papel habang nakatulala.

Kinuha naman niya iyon saka binasa. Tumingin siya kay Nix na naghihintay sa sasabihin niya, it was written in the letter about the necklace and her name. D. Kyrie.

BILLIONAIRE'S SERIES #2: ONE NIGHT MISTAKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now