CHAPTER 15: ATTACHMENT

905 36 1
                                    

Agad na napatigil si Dasha sa paglalakad ng makapasok sa condo niya ng matanaw si Kairo na nagbabasa ng aklat katabi si Kyrie na nagbabasa din. Seryuso ang dalawa sa pagbabasa at hindi man lang lumingon sa kanya. They could be described as a father and son bonding, bumuntong hininga siya saka kinuha ang coat ni Kairo na nakasabit sa coat hanger saka lumapit rito. 

"You can leave now!" cold na wika niya pero tumingin lang ito sa kanya. Pati anak niya nakatingin din sa kanya kaya kumunot ang noo  niya. Para bang kasalanan niya kung makatitig ang dalawa.

"I'm hungry!" wika ni Kairo saka tumayo at di siya pinansin. 

"Me either! " wika ng anak saka sumabay kay Kairo. 

Di siya makapaniwalang tumingin sa nakatalikod na dalawa na tinungo ang kusina. Sumunod siya sa mga ito, seryusong naghahanda ang dalawa ng mga pagkain na mukhang binili nila sa labas.

"Wait! No one moves!" malakas na wika niya saka tumingin sa dalawa. 

"Mommy you don't have to be mad." malumanay na wika ng anak niya. Tiningnan niya ito saka bumalik ng tingin kay Kairo.

How come her son who doesn't like to mingle to other people get along well with Kairo? Bakit kung makinig at makitungo ito kay Kairo parang mas matagal ang samahan ng dalawa kaysa sa samahan nila na nagawa siyang baliwalain ng anak niya.

"What are you doing here?" baling niya kay Kairo.

Tumikhim naman si Kairo saka tumingin kay Kyrie na para bang may pinapahiwatig ito sa mga titig nito.

Napamaang siya ng tumango si Kyrie at lumabas ng kusina. Kinuha ang aklat na binabasa nila kanina sa sofa at pumasok sa kwarto nito.

 Tumingin naman siya kay Kairo ng mawala sa paningin niya ang anak.

"What are you doing here?" ulit na tanong niya.

"Preparing food!"

"In my house!" inis na sambit niya saka diretsong tumingin kay Kairo.

"Wala namang nakalagay sa labas na bawal pumasok ang isang gwapong tulad ko."

Pinigilan   ni Dasha ang sarili na magalit at sumbatan ito. Huminga siya ng malalim habang nakapikit saka tumingin ulit rito.

"You can leave now." wika niya saka tinuro ang daan palabas sa condo.

Hindi gumalaw si Kairo sa kinatatayuan nito at nakatingin lang sa kanya. Umiwas siya ng tingin rito dahil hindi niya maatim na makipagtitigan rito.

Humakbang ito palapit sa kanya, tiningnan niya ito saka din siya dahan-dahan na umatras. "A-Anong ginagawa mo?" nauutal na tanong niya.

"You've been avoiding me for how many days, and I miss---"

"Stop right there!" pagpipigil niya dito. Tumigil naman ito sa paglalakad saka tumingin sa kanya."I already told you before that I don't need a relationship like -----"

Pinutol nito ang sasabihin niya saka tumalikod at pumasok sa kusina. "I think I have to eat first before I leave I'm kinda hungry." ,mahinang wika nito. Di niya alam kung paaalisin pa ba niya o hahayaan niya lang, basta tumalikod nalang siya dahil hindi niya kayang makita ang mukha nito at nagtungo sa kwarto ni Kyrie.

"Kyrie?"tawag niya sa anak ng makapasok siya sa kwarto nito. May nilagay ito sa cabinet niya saka sinara. Kumunot naman ang noo niya saka nilapitan ang anak. Umupo siya sa tabi nito, "What was that?" tanong niya sa anak saka tiningnan ito. 

"Mommy, we took a photo earlier with him in the arcade. Here, I want to put it in my album!"

Tiningnan niya isa-isa ang mga larawan na kinuha ulit nito mula sa drawer na pinaglagyan, she can't help but to smile seeing his son laughing on the picture. He was playing with Kairo and they were both laughing and playing like nothing is going on. 

BILLIONAIRE'S SERIES #2: ONE NIGHT MISTAKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now