Chapter 3

107 4 0
                                    

Malalaki ang bawat hakbang ng kanyang mga paa na tila tinatakasan ako. I followed him, eager to remove the jug from his hold. Hindi ko tuloy maiwasang tawagin siya kahit na hindi alam ang kanyang pangalan.

"Sandali lang. Ano, akin na 'yang jug, sir! Nakakahiya naman sa inyo," I called but he's not hearing anything.

Tuwid ang kanyang katawan habang binubuhat iyon. Ang mga ugat niya sa kamay ay mas lalong nadepina sa kabigatan ng kanyang dinadala. Even if the darkness is about to rule the place again, I can see his brown skin matching to the jersey shorts he's wearing. Puti ang pang-itaas, plain lang na shirt.

Kaya ko namang buhatin ang jug hanggang sa bahay. Hindi ako sanay na tinutulungan ng iba kahit na alam ko sa sariling nagmamagandang loob lang sila. Pero itong bagong lipat, bakit ang lakas ng loob? Kanina niya lang ako nakita.

He never gave me his attention. Patuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa labas ng bahay. Doon niya lang inilapag ang jug ng maingat, kasabay ng paglabas ni mama na bitbit iyong maliit na palanggana.

Nahinto ako sa pagpipigil sa kanya. Si mama ay nagulat sa presensya ng lalaking nasa harap, hindi malaman kung bakit nandito ito ngayon.

Our new neighbor gave me a look, slightly panting and small form of sweats are now appearing on his forehead. Dahil sa lapit ng distansya naming dalawa, mas lalo akong namangha sa kanyang kulay asul na mata.

Amazement can see through my eyes as he stared at me with deep confusion. Nawalan ako panandalian ng boses, hindi malaman kung ayos bang gawing tulala ang sarili habang kaharap siya.

"Diana, ito ba ang bagong kapitbahay na sinasabi mo?" Doon lang ako natauhan sa boses ni mama. My eyes left him as I gave my mother a quick nod while I carried the jug inside our house. Nilagay ko iyon sa lababo namin saka nagmadaling lumabas.

"Oo, Ma. Uh, tinulungan niya akong buhatin ang jug kahit kaya ko naman," tugon ko saka napapahiyang tumingin doon sa lalaki.

"Gano'n ba? Teka, ano bang pangalan mo? Pasensya ka na kung hindi ka na namin nabigyan ng pansin kahapon. Kung hindi dahil kay Diana, hindi namin malalamang may bagong lipat pala kami rito," she said as she placed what she's holding to the flat surface.

Napunta ako sa likod ni mama, palihim na pinagmasdan siya sa ganoong paraan. He never smiled or at least gave an interest on a single thing. Nanatili lang itong seryoso at mukhang kasalanan para sa kanya ang ngumiti kahit ilang beses man lang.

"Sabi kasi sa akin ni ma'am De Jesus iyon. Hindi ko rin naman alam na lumipat pala siya," depensa ko sa sarili.

He instead cleared his throat and wiped his hands to his jersey shorts before giving access to my mother to shake hands with him. Nanatili akong tuwid ang pagkakatayo sa likuran ni mama.

"Jaeden Luis, ma'am. It is nice to be part of this place." Like the first time I heard his voice, he said it in a low tone, in a serious manner that's giving me chills. Kinamayan siya ni mama.

The way he answered it has an accent. Napakunot ang noo ko, iniisip na hindi ako nagkakamaling mayaman nga siya. His formality also screams what kind of life he have.

"Naku, mas natutuwa kaming may bagong lipat dito. Siya nga pala," hinawakan ako ni mama upang makapunta sa harap niya, nagugulat, "si Diana Esther, anak ko. Ako na ang nagpapasalamat sa tulong na ginawa mo sa kanya."

I was taken aback by my mother's actions. Napalunok ako ng malalim nang makitang seryoso pa rin itong nakatingin sa akin habang ang kamay ay naghihintay sa ere. Iyong isa naman niyang kamay ay nakapasok sa bulsa niya.

Fourth of October (Juntarsiego Series #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя