Chapter 6

64 5 1
                                    

Dumating iyong weekend kaya saka lang ako napunta kina ma'am De Jesus. Pagdating ko pa lang sa bahay nila ay kaagad na nila akong pinakain dahil naabutan ko silang dalawa ni lola Tasia sa hapag.

Wala rin doon sa kanila iyong sasakyan ni Jaeden kaya sigurado akong may pinuntahan. Lagi naman yatang naging busy iyon masyado? Ano bang ginagawa no'n?

"Malapit na prom. Hindi ka na naman a-attend?" tanong ni ma'am habang tinutulungan ko siyang magsulat ng pangalan ng mga estudyante sa kanyang bagong class record.

Dalawang taon akong tumigil kaya hindi ko alam kung may tyansa ba ako roon. Dagdag gastos. Sayang din iyong pera. Isang gabi lang naman kaya okay lang sa akin kung hindi ulit ako maka-attend.

Noong grade 11 ako, may paganito rin at hindi ako nakapunta. Iisipin ko pa lang na ang gaganda ng mga suot ng kaklase ko tapos iyong akin, masyadong iba sa kanila. Payag naman ang magulang ko kaso ako lang iyong ayaw.

Itinuloy ko ang pagsusulat habang umiiling. It's only one night. I don't need to attend that anymore.

"Hindi na ma'am. Ayos lang sa akin kung gagraduate akong hindi nakakaranas ng prom. Pang teenager na lang iyon, ma'am." Natawa ako sa tinuran dahil sa isa ako sa mga estudyanteng bente ang edad sa klase.

Hindi rin naman kami karamihan. Nabilang lang talaga ako sa hindi na teenager.

"Magandang experience iyon. Sayang kung hindi ka magiging parte."

"Naku ma'am, hindi na kailangan. Nagiging praktikal lang po ako ngayon kaya mas pinapairal ko iyong kailangan ko kaysa gusto. Ayoko naman pong gabihin nga sa pag-uwi lalo na't walang maghahatid sa akin," I replied.

Ang alam ko, inuumaga iyong prom kaya sinong maghahatid sa akin o sasama papuntang bahay? Wala. Ayoko ring tatawid ng tulay habang nakasuot ng kung anong gown o 'di kaya ay high heels.

"Pwede kang sumubok. Dito ka matulog sa amin kung ganoon. Wala namang problema," suhestyon niya sa akin na ikinailing ko ulit. Huminto ako saglit sa pagsusulat.

"Huwag na ma'am. Hindi po ako a-attend. Hindi rin naman po kailangang maging solusyon iyong pagtulog ko dito sa inyo."

"Ewan ko sa'yo, Diana. Nahihiya ka pa gayong lagi kang nandito sa amin. Pamilya na ang turing namin sa'yo ni nanay kaya dapat ay huwag ka nang mailang," she told me as she tapped my shoulder. Naging pilit na ang ngiti ko nang marinig iyon sa kanya. It somehow made me realize something.

Family. The only family I know eversince are my mother and father. I've never seen personally my other relatives like my grandmother and grandfather on both sides, or even cousins or aunts. Sina mama lang ang kilala ko at kailanman, hindi sila nagkukwento sa akin kung hindi ako nagtatanong. Like it is a forbidden thing to mention about it.

One time, I confronted them about their parents. Kapwa silang natahimik dahil sa hindi inaasahan iyon. All I knew is that I grew up here with them without knowing who are my other relatives.

"Wala sila rito. Hindi sila parte ng lugar na kinatatayuan natin kaya hindi mo sila kilala." My mother would always say that in a firm tone. Like she's contented for me of not knowing my grandparents. Na wala akong ibang pamilya kundi sila lang.

"Pwede ko ba silang makilala?" Nagtinginan silang dalawa ni Papa na animo'y sa ganoong paraan nila nagagawang magkaintindihan sa harap ko.

I held my spoon tightly as I watched their reactions. Iyong kulay tsokolateng mga mata ni mama ay tila tumatalim na parang hindi gugustuhing ituloy na ang usapan. My father has this soft eyes as if calming her. Hinawakan nito ang kamay ni mama saka pinisil ng marahan iyon.

Fourth of October (Juntarsiego Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora