Chapter 16

65 5 0
                                    

Jaeden was so sure of what he said to me. I know what he meant by that. Pinamukha ko lang ang sarili sa harap niya kahit alam ko naman talaga ang totoo.

He chose to stay in Manila until the end of month. Hindi na rin ako sumubok pang sumama kina Chantal sa beerhouse na iyon. Ayokong makita niya ako ulit doon na naman, umiinom ng tubig o kaya ay milktea.

Chantal asked me about the reason why I left the beerhouse without them. Akala ko nga ay alam na niyang kasama ko nga si Jaeden at siya ang rason kung bakit umalis ako ng tuluyan. Turns out that she's not thinking what I am thinking, that my brief explanation was not enough before I left.

"Hindi mo ba boyfriend iyon?" Hindi ko na alam kung pang-ilang tanong na niya sa akin ng gano'n. I couldn't answer her since I don't like involving Jaeden's name on our every topic.

Kasalukuyan akong sumasagot ng pinapasagutan sa amin. Mas pinili niyang makitsismis sa akin imbes na sagutin ang kanya. She's not answering yet. Gugustuhin nitong makakuha ng sagot sa akin na wala namang kwenta.

Umangat ang ulo ko mula sa pagsusulat. Her friends are copying what's written on her paper. Lumipat sila ng upuan sa tabi ko dahil sa kagustuhan nila. Okay lang kasi hindi naman maingay. Ngayon lang siya nagkainteres na kumausap sa akin sa gitna ng pagsasagot.

"Hindi," maikli kong sagot. She suspected me, not believing of what I have answered her.

"Sayang naman. Mukhang bet ka, eh." Sinabi mo pa. Of course, that's just inside my head.

Nagpatuloy ako sa pagsusulat pagkatapos. Lumuwag lang ang kalooban ko nang hindi na ito nangulit pa sa akin. Aside from that single scene from the beerhouse, they are also one of the witnesses of how Jaeden waited for me everyday outside the campus for a short ride.

Lagi kaming sabay kung lumabas ng eskwelahan kung kaya't nakikita nila palagi ang presensya ng taong sumusundo sa akin. I can't deny that fact with them. Buti na lang ay hindi umabot sa puntong kinakausap nila ito. Mas mahihiya ako kapag ganoon.

I finished everything before I passed it. Nauna na ako sa kanila. Nagpaalam lang saglit saka na lumabas ng tuluyan sa room. Tinext ako ni Jaeden kanina na naroon na raw siya sa labas.

Gusto kong maglakad na lang dahil sa lapit naman ng tinutuluyan ko, pero laging suhestyon nito ang babagalan ang takbo ng sasakyan upang makasunod sa akin. Syempre, hindi ako pumayag! Hindi naman siya aso para sumunod sa akin ng ganoon.

Hawak ang shoulder bag, lumapit ako sa laging pinagpupwestuhan ng kanyang sasakyan. Nasa loob ito at tuwing dumarating ako ay nakabukas na ang pintuan. I went inside calmly, only to see him sleeping peacefully. Ni hindi man lang naistorbo ng pagpasok ko.

"Sir..." Marahan kog niyugyog ang kanyang balikat. Nakasandal ang ulo niya sa upuan habang nakasuot ito ng shades at nakakrus ang mga braso. He's not even snoring but upon noticing his deep breaths, he's in a deep sleep.

Napahinga ako ng malalim saka niyugyog pa ito ulit. Ilang beses kong inulit iyon hanggang sa gumising a siya. He removed his shades slowly and his deep blue eyes narrowed when he saw me who's now looking at him with great peacefulness. He started clearing his throat while getting a bunch of white daisies again at the backseat.

Nasa dorm ko pa iyong binigay niya sa akin. I attached it to my notebooks and kept others to a jar. Ngayon ay panibagong batch na naman.

"Galing sa probinsya?" tanong ko nang ibinigay na iyon sa akin.

"No. I bought that somewhere here. I'll give you white daisies from the province if we'll finally go back there. They still look the same, anyway," kalmado niyang sagot. He's not mad at me for waking him up.

Fourth of October (Juntarsiego Series #1)On viuen les histories. Descobreix ara