Chapter 35

65 4 1
                                    

"Hindi ako magpapakalasing dito. May klase pa ako bukas," saad ko nang siya na ang bumigay ng inumin sa akin. I just feel like I needed a few breaks even for at least an hour being here.

Without asking for a signal from me, she started drinking her drink. Tinaboy niya ang mga kaibigan. She suggested them that they should go and find some girls here. Naging sunod-sunoran naman sila.

"Bumiyahe ka ng halos ilang oras para lang hindi magpakalasing? Girl? Nagsayang ka lang ng pamasahe kung gano'n." Napangiwi ito sa desisyon ko. I shook my head.

"I needed to be early for tomorrow. Pampawala lang naman ng pagod kahit papaano. Isa pa, tagal na akong hindi nakakapunta rito."

Totoo iyon. After I graduated from my college school here, I never tried taking a step in this place again. Dahil sa probinsya na kaagad ako bumalik upang magturo. That is why I miss those nights that we've been here.

"Sus, ano nga ang dahilan ba't ka nandito? Si Jaeden ba?" Dumikit ito sa tabi ko. She's finally waiting for me to spill the words.

She knows about what happened to my parents. Sinabihan ko siya noon kasi parang ang hirap kimkimin ng ganoong bagay mag-isa.

She is my friend and I trust her so much. She is not that kind of girl that will break your trust. Ang sarap nga niyang maging kaibigan, eh.

Tumango ako ng dahan-dahan sa kanyang tinanong. Dahan-dahan ring nanlaki ang kanyang mga mata sa tinuran ko. Niyugyog niya kaagad ang balikat ko, dahilan kung bakit para akong dinuduyan na.

"My God, Diana! Sigurado ka?!" Napatakip pa ito sa bunganga habang nangingiti ng malapad.

Inabot ko iyong bote, handa nang inumin ngunit kaagad niyang binaba iyon sa pamamagitan ng pag-agaw sa akin. Impit itong napapasigaw sa gitna ng pagbato ko ng masamang tingin sa kanya.

She looks excited!

"Bakit?"

"Gosh! Nagkita kayong dalawa! Anong pakiramdam ulit?" I can sense her interest upon knowing my reason. Nagkibit ako ng balikat saka ininom iyong binaba niyang bote ng alak.

This time, she didn't interrupt me. Napangiwi na lang ako sa paninibago ng lasa. It's been years indeed. Naninindig ang balahibo ko sa lamig.

"Ang totoo, syempre natakot ako. Pero wala, eh. Naghanap ako ng mga sagot sa katanungan pero wala akong napala," mapait kong pagbulgar. The scene from what happened went back inside me.

Ganoon pa rin ito. Chantal is being nosy with my revelations. Solong-solo nito ako ngayon kaya wala itong palalampasin kahit na ano sa akin.

"Hmm. Iniiwasan ka 'no?" I paused for a moment. Iyong mata ko ay nanatili ang titig sa kawalan.

I gulped for another drink. Humigpit ang hawak ko sa bote. Sad to say but yes, it feels like he's avoiding me. We are both avoiding each other. Hindi ko alam kung anong rason niya kung bakit niya ako iniiwasan.

So unusual because of how I actually saw his maturity before. Kayang-kaya na niya akong iwasan hangga't kailan niya gusto na ngayon.

Everything changes for years. Hindi na ako magugulat pa kung hanggang sa dulo ay ganoon na ang pakikitungo niya sa akin. Tatanggapin ko basta't malaman ko lang ang dahilan kung bakit niya nagawang akuin ang kasalanang hindi niya ginawa.

"Tagal na. I just learned to approach him for the truth."

"Eh bakit hindi ka pinansin? Nagtanong ka lang naman, 'di ba? Hindi ka naman siguro nag-alok sa kanya ng pakikipagbalikan?" Bumalik ang tingin ko sa kanya. I furrowed my brows and my lips pouted a bit.

Fourth of October (Juntarsiego Series #1)Where stories live. Discover now