Chapter 12

57 4 2
                                    

Gising ako buong byahe. Hindi ko sinubukang matulog dahil namamangha sa nakikita ko sa labas. The weather's perfect added by the city lights that gave me the excitement to live here. Buong byahe ay tahimik din si Jaeden na tila hinahabol ang oras sa bilis ng kanyang takbo.

"Ang ganda pala ng bahay niyo?" I asked when we already took a step outside their house.

Mapuno. Their house is surrounded by trees which gave me the vibe of a province life again.

Katulad sa nakikita kanina sa daanan, puno rin ng ilaw ang kanilang bahay. It is so big. May tatlong palapag iyon at ang kulay ay pinaghalong black saka gray. There's a bit of white that gives the difference from everything I can see.

Sa bawat gilid ng kanilang malaking pintuan ay may mga bulaklak na na-trim. Their door is huge that the moment you'll step in, you'll feel small like you do not belong in here. Jaeden used his fingerprint to finally walk inside.

Hindi mapigilan ng labi kong mapaawang sa ganda ng kanilang bahay. It's a modern style and powered by technology. Well, some of its features.

May nadidinig akong ingay pagpasok ko pa lang. A splash of water can be heard from where I am standing so I thought of them owning a man made waterfalls. Napagtanto kong mali ang hinala ko nang makita ang limang lalaking pinanggagalingan ng ingay sa isang malapad na pool kasama ang isang babaeng nakaupo lamang sa gilid.

Nakasunod lamang ako sa likuran niya kung kaya't nilingon niya ako. My eyes are boring to those guys there. Nag-aasaran ang mga ito na halos walang binatbat ang lakas ng boses kay Jaeden.

"Mga kapatid mo?" I quickly asked as I keep on staring at them. Hindi nila napansin ang presensya namin dito.

All of them are totally alike. Mahirap sabihing hindi sila magkakapatid dahil kitang-kita ang ebidensya sa kanilang mga mukha. Pinagkaiba lang yata nila ay ang pagiging maingay. Jaeden's too quiet to be like them.

Nilingon niya ulit ang mga ito saka napasapo sa noo. He shakes his head as if they are a big problem to him now. Hanggang ngayon ay hindi ko naaalis ang tingin sa kanila na hindi makapaniwala.

"Yes. I am sorry that you saw them on this situation," he answered and started walking fast to their direction without giving me a glance.

Naroon pa rin ako sa kinatatayuan. There's a huge glass in front of me. Sa sobrang linaw no'n ay malaya kong nakikita ang pagsermon sa kanila ni Jaeden.

He's saying something that I cannot hear but I am aware of what it is. He is doing it in a calm way which made his brothers look at my direction.

Nawindang ako sa tinging iginawad nila ng sabay-sabay sa akin. They all smirked in synchronize, making me feel weak at the moment.

Ultimong paggalaw ng kanilang mga ulo ay sabay-sabay, pati ang mga tinginang hindi ko inasahang matatanggap ngayon. Looks like they are all murdering me inside their mind but in a good way. Nakakakaba tuloy.

Natulos ako sa kinatatayuan dahil sa mga uri ng matang kanilang ibinigay. There's something in it that I cannot explain. Umalis ang mga ito sa pool saka isa-isang kinuha ang mga tuyong damit na nakahilera sa isang mahabang upuan.

Jaeden went back to me as he started pulling down the blinds and gestured the other side of their house. Hindi ko na nakita pa iyong mga kapatid niya.

"Sorry about that. I told them that we have a visitor for tonight. Their minds keep saying they should swim though I didn't allow them," saad nito nang hindi ako binibigyang lingon. His tone is irritated.

"Bawal ba iyon tuwing may bisita kayo? They look so happy there," I said. Totoo naman kasing masaya sila kanina. Kung hindi niya pinuntahan ang mga iyon, hindi rin mapupunta ang tingin nila sa akin.

Fourth of October (Juntarsiego Series #1)Where stories live. Discover now