Chapter 23

65 3 0
                                    

The idea of Jaeden cheating on me didn't made an impact. Iyon kaagad ang nasa isip ko. Nanatili lang akong kalmado habang naisip iyong mga panahong halos magkasama kami.

I continued painting as if there's nothing happened. Patuloy niya akong kinalabit na hindi ko naman pinapansin dahil determinado akong makuha ang tamang timpla ng kulay na hinahalo ngayon.

Sa loob-loob ko, walang kahit anong galit na namutawi. Mga katanungan lang na bumagabag sa akin na hindi ko maintindihan.

"Ate, galit ka?" Hindi ako sumagot. Bumuntong hininga ito saka umusog ng kaunti palayo sa akin. "Sabagay. Kung may girlfriend lang ako, magagalit din ako kapag may kasamang iba 'yon. I don't want to cheat just because I found someone more beautiful than her."

Taken aback by his words, my eyes landed to him, expressionless and still not processing everything he have said. Umakto itong pinatahimik ang sarili gamit ang pagtikom sa sariling labi.

"Ano?" tanong ko, humihigpit ang hawak sa paintbrush. I won't feel surprised if it'll be broken. With the strength that my hand's giving to it, there's a huge possibility that I can break a not so thick wood.

Napatingin siya sa paghigpit ng hawak ko. He gulped hardly and realized that although I am expressionless, he can feel the anger that is about to burst inside me.

Is this the possibility of becoming Jaeden's boyfriend? We can be both expressionless now. Nahawa na ako sa kanya.

"Ibig kong sabihin, syempre, mas maganda ka naman doon, ate. Medyo may katandaan lang ng kaunti iyon, eh. May itsura nga lang." He shrugs his shoulder. Kumuyom ang isa kong kamay sa hindi malamang dahilan.

For the past year, I've never felt this kind of feeling. I am almost thinking anything to the point that I consider them all correct, all right and not an accusation. Naniniwala ako kay Ives. Hindi dahil sa gusto niya ako, sisiraan na niya si Jaeden sa harap ko. He's just concern for me.

Sumunod na mga araw ay hindi ako nagpaapekto sa ganoong dahilan lang. Jaeden's communicating to me through texts and calls always. I did not ask for anything from him like an explanation to what Ives have seen.

Nakuntento ako sa ilang mga araw na hindi na siya sumusundo sa akin sa labas ng eskwelahan. Ilang araw na rin akong inaaya nina Chantal sa beerhouse na naman. I would always go of course to join them. Halos malalim na ang mga gabi akong umuuwi.

And Jaeden has no idea all about this. Pati ang pag-aya nina Chantal ay hindi ko pinaalam sa kanya.

That time, I learned to hide things from him. Mababaw na bagay lang iyong sa akin. Wala akong balak parati na tanungin siya kasi baka ayaw niya.

Privacy. That's what he says and I don't need to research for its meaning to be able to understand it.

"Kumusta? Masarap, 'di ba?" Mariin akong napapikit nang ipatikim nila sa akin iyong lagi nilang iniinom. I can taste its bad after taste on my tongue now. Gusto kong masuka sa pangalawang subok.

I hate broken promises and I've broken this promise of mine now. Mabubuhay ako nang hindi umiinom ng mga ganitong inumin, nangakong hindi ako susubok pero masyadong nadala ngayon.

Chantal gave me another shot. She's been motivating me earlier. May tiwala naman ako sa kanila. Malapit lang naman ang dorm.

"Last na 'to, ah? Ang pangit kaya ng lasa!" reklamo ko pero nailaghok na iyong binigay niya sa akin.

"Ayan! Alam mo minsan, hindi sapat ang maging matalino lang. Try other things! Ano? Tatanda ka na lang bang hindi sumusubok ng ibang bagay?" She pulled another glass towards me but I pushed it away from me, giving it to her for her chance.

Fourth of October (Juntarsiego Series #1)Where stories live. Discover now