Chapter 03: Extraordinary Dream

462 24 0
                                    

Chapter 03: Extraordinary Dream

Habang nag-aayos ang buong school para sa darating na King & Queen Ball, lagi itong ginaganap simula noon pa. Ito ay pag-diriwang ng buong school, isa syang grand ball pero lahat ng aatend ay naka Masquerade mask, naka long gown at tuxedo napili nila akong tutugtog ng piano sa araw na yon, nag-audition rin ako ng isang araw para sa ball na to, kaya ako ang napili nilang tutugtog sa gabing yon. Surprise ko yon kay Sasha dahil sa gabing yon hihingin ko na ang kamay nya sa harap ng buong studyante sa harap ng pinsan ko, sa harap ng mga teachers, ipagsisigawan ko sa buong school na ako ang boyfriend nya na ako ang girlfriend nya.

"Jed? Tawag ka ni Miss Mendoza sa Music room sa third floor." agad akong napalingon at napatango, nag-thank you pa ako bago umalis ng gym lakad takbo ang ginawa ko makapunta lang sa Music room sa third floor, hingal na hingal ako habang napahawak sa isa kong tuhod at hinihimas ang dib-dib ko agad akong kumatok ng makabalik ang pag-hinga ko.

"Jed, come here." sabe sa akin ni Miss Mendoza na nasa tapat ng isang piano agad akong lumapit at ngumiti sa kanya.

"Bakit po Miss?" agad na tanong ko ng makalapit ako, ang music room ay puno ng mga instruments ng school may roon rin itong stage dahil ito rin ang music club ng school, may mga guitar, acoustic guitar, piano, drums, at marami pang ibang instruments.

"May napili ka na bang music na kakantahin at tutogtugin mo bukas ng gabi?" agad akong umiling kay Miss.

"Wala pa po Miss, nagiisip pa po ako."

"Hm. Ano bang pwedeng kanta." napahimas pa sya sa baba nya, maganda si Miss Mendoza, malaki ang hinaharap, makinis ang balat, lagi syang mabango kaya pagnakakasalubong mo sya ay maamoy mo rin ang pabango nya, manipis ang mapupula nyang labi, matangos ang ilong, perpekto ang panga, sexy rin sya, medyo manipis ang kilay at makapal na pilik mata. "I have an I dea." sabay pitik pa ng daliri.

"Ano po yon Miss?"

At sinimulan na namin ang gagawin ko bukas ng gabi, unang kanta ay ang 13 ng Lany, pangalawa para sa mga couple na mag-sasayaw sa gitna ay To the bone by Pamungkas. Excited na ako para bukas at nasabi ko na rin kay Miss na mayisasayaw ako bukas ng gabi kaya pumayag syang iba naman ang kakanta at tutugtog bukas kapalit ko, nag-paalam na ako kay Miss at sabay kaming lumabas ng Music room, si Miss ay kumaliwa dahil pupunta pa sa studyante nya para paalalahanan, ako naman syempre kay Sasha ako pupunta sa second floor lang sina Sasha kaya agad akong makakarating doon. Napatigil ako sa akmang pagpasok sa room nila walang tao, sayang naman. Aalis na sana ako ng maynarinig akong hikbi ng babae akala ko nung una may multo pero biglang syang nagsalita pamilyar ang boses nya sa akin.

"I don't know. I'm starting to fall in love with him, Cathy. What do I do Cathy? I'm having a hard time."

"Girl you know what? Choose the good person, It's Elijah or Jedryl. Kung ako sayo I choose Jed, you know he caring to you, he love you, and also hindi sya katulad ng pinsan nya." mataray na sabe nung Cathy, medyo malayo ako sa pwesto nila pero naririnig ko parin ang boses nila.

"Yeah you're right i choose Jed rather." agad akong napangiti kahit kaming dalwa ni Elijah ang topic nawala ang ngiti ko sa sunod nyang sinabe. "But i like Elijah too."

'No way! Does she like Elijah? When? How?'

"You know what girl ang landi mo, grabe pinag-sabay mo silang dalwa?"

"Correction Cathy, na una kong nagustuhan si Elijah bago si Jed."

Tumawa si Cathy na parang inis na inis sa sinasabe ni Sasha. "Kung ako sayo pumili ka na kung sino, baka sa susunod na araw wala ka ng pagpilian." ng makarinig ako na parang naglalakad sila ay agad akong tumakbo palabas ng building takbo ako ng takbo hanggang sa makita ko ang sarili ko sa isang garden ng school, payapa, malamig ang hangin at tahimik ng lugar. Napahawak nalang ako sa dib-dib ko ng bigla itong kumirot, sunod-sunod ang pag-piga ng puso ko para akong kakapusin sa paghinga nanlalabo na rin ang mata ko.

Arch Academy: School of Spirit GuardianWhere stories live. Discover now