Chapter 16: I'm not Jealous

186 13 0
                                    

Chapter 16: I'm not Jealous

Habang nasa himpapawid ako at lutang ang isip ko, hindi ko namalayan na lumapag nalang pala ako sa tuktok ng bundok kung saan tanaw ang buong maliit na bayan. Malamig na hangin ang dumampi sa balat ko habang nakaupo ako sa mababatong bundok. Hindi ko maiwasan na tanungin ang aking sarili habang nakatitig sa kawalan.

Bakit ang bilis nya akong nagustuhan? Diba ayaw nya pa sa akin? Bakit ngayon ay humantong sa ganito? Damn! Nahihiya ako sa sarili ko, ganon ba ako kabait at para magustuhan ng iba? May binigay ba akong motibo para humantong sa ganito? Bullshit! Marahas akong bumuntong hininga at napayuko akong napahilamos sa aking mukha.

"Tangina." malutong kong mura habang umiiling. Gusto kong magmura, makipagaway, makipagsuntukan para mawala ang frustration na dala ko. Bwiset...

"Tulong! Tulungan nyo ako!" napaigtag ako dahil sa sigaw na yon, nageecho yon sa buong kabundukan! Tangina ano yon?! "Tulungan nyo ako! Please!" mabilis akong lumipad at sinundan ang humihingi ng tulong, sa dikalayuan ay narinig ko ang pagkaluskos ng mga puno mabilis kong binuka ang palad ko pababa at mahigpit kong hinawakan ang espadang lumabas roon. Natututo na akong makipaglaban at hinahanap na yon ng katawan ko. Hanggang sa lumapag nalang ako sa gitna ng kagubatan, nilibot ko ang tingin sa buong kapaligiran, nagtataasang puno at mga tuyong dahon lang ang meron.

"Tangina yan nasaan na naman ako?"

"Tulong!" mabilis akong tumakbo hanggang sa makarating ako sa taong humihingi ng tulong, isang kaedaran kong lalake ang una kong nakita. Hawak ang isang patpat at tinatakot ang isang Wolves na hallow. May ganitong uri pala ng Hallow? Dalwang malaking wolves habang nanlilisik ang mata at naglalaway na panga, matatalas rin ang kanyang pangil. "Tulong... Tulungan mo ako!" nagmamakaawa nyang tugon. Mabilis na humarap sa akin ang nga hallow napangisi ako.

"Back off. Sakto kailangan ko ring mag-insayo." pinaikot ko ang espada sa aking mga kamay at humanda ng pumorma, nagsitalunan ang dalwang hallow kaya mabilis akong nakailag sa atake nila, nagflip ako sa ere at mabiis na sumugod ng makalapag ako. Yumuko ako ng biglang tumalon ang isa sa dalwang wolves mabilis kong binato ang espada at tumama yon sa kanyang puso mabilis na naglaho ang wolves at mabilis ring bumalik ang espada sa kamay ko.

"Wohoo! May bago akong teknik na natutunan!" amaze kong tugon, mabilis kong sinipa ang isang hallow at walang sabeng sinaksak sa kanyang puso. Mabilis akong lumapit sa lalake at kinamusta ito. "Ano ayos ka lang ba? Taga saan kaba at dis-oras ng gabi ay nasa kagubatan ka pa."

"S-Salamat sa tulong mo... Wala na akong matitirhan at ako nalang ang natitirang buhay sa mga katribo ko."

"Sinong pumatay..."

"H-Hindi ko kilala, isang lalakeng nakaitim na kapa at balot na balot na maiitim na usok, sa tuwing kumukumpas ang kamay nya ang usok na lumalabas sa kanyang kamay ang nagsisilbing pangpatay nya sa kalaban, kagaya nalang ginawa nya sa mga katribo ko." nakayuko nyang tugon, narinig ko ang pagsinghot nya at paggalaw ng balikat nya, sign na umiiyak sya. Tinapik ko ang balikat nya pangpakalma.

Tumikhim ako at mabilis syang napaangat ng tingin at nagpunas ng luha. "Wala kang matutuluyan ngayong gabi?" marahan syang tumango, lagot ako nyan! Pagdinala ko sya sa bahay nina Ocean ako naman ang malalagot don. Fuck shit! "Sumama ka sa akin..." mapapatay ako non!

"H-Huh? Saan?" kunot noo nyang sabe, kibit balikat lang ako at tumalikod na, binalik ko na rin ang espada ko at naglakad na nakapamulsa. Narinig ko ang yabag nya sign na sumusunod sya sa akin. Pinagiisipan ko pa kung babalik ako pero siguro pagbalik ko roon, magpapaalam na rin ako. May taong lalake na ang magbabantay sa kanila masisiguro ko ng ayos ang lagay nila bago ako umalis. Napabuntong hininga nalang ako.

Arch Academy: School of Spirit GuardianWhere stories live. Discover now