Chapter 25: That's my first kiss

146 12 0
                                    

Author's Note:

Happy New Year! Bless all you're family and I wish this 2022 will be better.

***

Chapter 25: That's my first kiss

"At sinong may sabeng makakatakas kayo sa lugar na ito?" isang babaeng mahaba ang kulay puting buhok nito, kita ang gitnang hiwa ng kanyang dibdib at siksik na siksik ang suot nyang damit, napalunok ako at nadidistract sa hubog ng katawan nya. "Hindi na kayo makakatakas sa lugar na ito." nakangisi nyang tugon.

"S-Sino ka?"

"Oh young boy, hindi mo na kailangan pang alamin." mabilis syang umatake sa akin kaya nabitawan ko si Ina at sinubukang sanggain ang espada ng kalaban ko, bawat atake nya ay nahihirapan akong sanggain dahil hindi lang malakas sya sa akin ay malaki rin sya para sa isang katulad ko.

Marahas akong tumilapon dahil sinipa nya ako sa sikmura ko, nabitawan ko ang espada ko at nagpagulong-gulong. Hindi na ako makabawi dahil pagod na pagod ako mula sa pagtakas namin kanina.

"A-Anak?!" sigaw ni ina, napatingin ako sa dereksyon nya nanlaki ang mata ko sapagkat hawak na sya ng babae habang ang espada nya ay nakatutok sa leeg ni ina.

"I-Ina..." unti-unti na akong nahihirapan at napapagod. Hingal na hingal akong tumayo gamit ang isa kong kamay para makaahon muli. Mabagal akong naglakad habang paika-ika, marahan kong pinulot ang espadang nasa sahig nakatitig ako sa babaeng wala na ang lahat na emosyon sa puso ko. Tanging maligtas ko lang si ina magiging maayos na ang lahat.

"Magbabayad ka!" mabilis akong tumakbo at mabilis kong inagaw si ina at pabatong binitawan ng makita kong maayos syang nabitawan ay mabilis akong umatake sa harap ko sa sobrang lakas ng atake ko ay nabitawan nya ang isa nyang espada at ang gamit nalang nya ay ay nasa kaliwa, nanlaki ang mata nya at napaawang ang labi.

Mabilis ko syang sinipa sa sikmura at sabay sa mukha gamit ang kaliwa kong tuhod. Naglabasan ang kakaibang liwanag sa buo kong katawan, napatitig ako rito habang nanlalaki ang mata nagtaasan ang buhok ko dahil sa hangin na dumadaloy sa buo kong katawa, nanlaki ang mata ng kalaban ko habang umiiling.

"H-Hindi ito pwedeng mangyare iba kang nilalang"

"Handa ka na bang mamatay?" nakatitig sya sa mata ko at kita ko ang takot sa mata nya, paatras nya habang humahakbang ako palapit sa kanya umiiling sya at nabitiwan nya ang espadang natitirang hawak nya.

"N-No... N-No..." paulit-ulit syang umiiling pero pano ba yan tapos na ang munting palarong ito. Katapusan na nya, mag-paalam na sya mundo ito. Mabilis akong tumakbo ng hindi nya namamalayang nasa harap na nya ako saktong nasa dib-dib na nya ang dulo ng espada ko nakatitig sya sa aking mga mata ng may pag-kamangha.

"K-Kinagagalak kong makalaban ang nag-iisang tunay na mandirigma sa bayan na ito" ngumiti sya sa harap ko at tuluyan ng kinuha ng liwanang, unti-unting nag-lalaho ang katawan nya hanggang sa wala ng matira pa.

Nabitawan ko ang hawak kong espada at napaupo dahil sa pagod, hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si ina at niyakap ako sa tagiliran at hinilig nya ang ulo ko sa balikat nya.

"Proud akong ikaw ang anak ko, Aldrin. Makakauwe na rin tayo sa ating amang hari." napasinghot si ina habang hinahagod ang buhok ko hindi ko na ring mapigilan ang mapaiyak at mapahikbi dahil sa kapaguran na dinanas naming ni ina.

"Miss ko na si ama, ina. Kamusta na kaya sya?" tugon ko habang pinupunasan ang luha ko sa pisngi. Marahan akong inalis sa pag-kakayakap kay ina. Tinitigan nya ako habang sapo-sapo ang pisngi ko, nginitian nya ako at hinalikan sa noo.

Arch Academy: School of Spirit GuardianWhere stories live. Discover now