Chapter 18: The Highest Superior

163 13 0
                                    

Author's Note:

Kung nakita nyo ang mga pictures sa mga nauna kong update, ganon ang napili kong imagine para sa mga armor ng dating Spirit Guardians. Ganyan ang naimaigine ko sana kayo rin... Thanks!

***

Chapter 18: The Highest Superior

"Mission Complete again. Good job Chief's!" masayang sabe ni Mr. Hawk, pumalakpak pa sya habang nakangiti sa bawat isa sa amin. Bumuntong hininga lang ako at umiling. "Evergreen prepare us food at the..."

"Can i go to my room." lahat sila napabaling sa aking dereksyon. "Seriously?" tumaas ang isang kilay ko at napailing pa. "I'm tired i need to sleep." bago pa sila makapagreak at makapagsabe ng kung ano ay nauna na akong tumalikod at naglakad pabalik sa kwarto ko. Mabilis kong tinanggal belt ko at tinanggal ang suot kong uniform at pabagsak na humiga sa kama ko. Nakatitig lang ako sa kisame at hindi nasunod ang sinabe ko.

Hindi ako makapagpahinga. Bullshit!

Pabuntong hininga akong tumayo at naglakad sa bathroom para maglinis ng katawan, may natamo akong sugat at galos dahil sa mission namin kanina nakaramdam ako ng hapdi at kirot ng tumama ang tubig mula sa shower sa bathroom. Napapikit ako habang tumatama ang tubig na mula sa shower patungo sa mukha ko pababa sa buo kong katawan. Malamig ang tubig na lumalandas sa katawa ko na syang nagpapagana sa akin na magbabad sa ilalim ng tubig.

Napahilamos ako at tumingala habang nakapikit, biglang nagpakita si Luna sa isip ko. Nakangiti sya habang nakaharap sa akin, unti-unti naging hikbi ang buong bathroom dahil sa akin. Nakapikit akong umiiyak habang paulit-ulit na hinihiling na sana ay isang panaginip nalang to. Isang panaginip na gusto ko ng gumising para naman mayakap at mahalikan ko na sya. Ngunit kahit anong gawin ko, totoo ang nangyayare sa amin ngayon hindi sya isang panaginip na ayaw kong mangyare.

Malamig na ang hangin at madilim na ang buong Academy ng lumabas ako ng dorm ko patungo kung saan. Naaliw akong bumaba sa bayan at magtitingin ng kung anong magagandang bagay baka nga may bar sila rito o kaya vodka o kahit na MSG para naman maging kampante na ang emosyon ko.

Pababa sa mapupunong kapaligiran ang Academy kaya naman naririnig ko mula sa ilalim ng buwan at puno ang paglagasgas ng dahon. Masarap sa pandinig na syang nagpapakalma sa gabi. Isang musika na kahit ilang beses kong patugtugin... uulitulitin ko parin.

Napapikit ako at isang simple at maaliwalas na ngiti ang sumibol sa labi ko. Ngayon gabi lang ako ngumiti ng hindi pilit at dahil yon sa magandang view sa gilid at harapan ko. Maliwanag ang buwan kahit itoy kalahati, maaliwalas ang kalangitan at nagkikislapan ang mga bituin sa buong gabi.

Nakakasilaw ang liwanag sa bayan ng makarating ako sa bayan ng Arzer, marami ang mga taong namimili sa dis-oras ng gabi, may mga batang nagtatakbuhan at naglalaro sa bawat kalye ng bayan. May lantern na nakatali sa mga kabahayan na syang nagbibigay ng liwanag sa buong bayan.

Napakaganda parin talaga... namamangha parin ako at para bang hindi ito totoo. May mga ilang nagtatawanan at nagkakasiyahan sa bawat stole ng kanilang tinitinda. Naglakad lang ako habang nasa bulsa ang aking kamay, nakalimutan kong magdala ng jacket o kaya scarf dahil ang lamig ng panahon ngayon.

Lumilinga lang ako sa buong pamilihan habang may kislap ang mata dahil sa mangha.Alamg kong hindi ko malilibot ang buong bayan sa isang gabi lang at nasisiguro kong babalik ako rito at mauulit ang pagkamangha ko.

"Gusto mo ba nito, ginoo?" napatingin naman ako sa matandang mayinabot ng isang prutas na hindi ko alam kung ano yon, ngumiti ako at umiling.

"Pasensya na ho nanay, hindi ho ako bibili." paumanhin ko tumaas ang isang kilay nya at pinagmasdan ako pababa at pataas. Naiilang ako dahil hindi naman siguro ako pulubi o taong grasa sa suot ko ano.

Arch Academy: School of Spirit Guardianحيث تعيش القصص. اكتشف الآن