Chapter 28: Wait for me to come home

163 11 0
                                    

Chapter 28: Wait for me to come home

"Welcome sa Batanes Island!" nakangiti kong bungad kay Luna pag-baba namin ng van patungong Batanes, maraming turista rin ang kasabay naming namamasyal dala ko ang cellphone ko at puro picture ni Luna at ako ang naroon, sinimulan ko ng mag-post sa IG ko ng mga picture namin ni Luna na magkasama sa New Year habang may hawak na wine glass, may part roon na hawak ko sya sa kamay habang nasa unahan ko syang nakatingala at pinapanood ang fireworks.

"Ito pala ang Batanes Island? Ang ganda darling." nakangiti nyang nilibot ang buong lugar ng isla, mula sa mahanging paligid, tunog ng dagat at ang sariwa at perpektong lugar. Balak ko syang dalhin sa Basco o kaya sa Tayid Lighthouse tapos ang susunod naming pupuntahan ay Alapad hill kung saan tanaw ang buong isla ng Batanes.

"Maganda ano?" tanong ko sa kanya nakangiti syang tumango at sinimulan na namin na maglakad patungong hotel room namin ni Luna. Balak ko sanang two rooms ang kukunin ko ang kaso wala ng stock na room lahat ay nakareserve na para sa ibang turista kaya eto kami ni Luna mag-kasama sa iisang kwarto. "A-Ayos lang naman sayo na mag-kasama tayo sa iisang kwarto diba?" nauutal kong tugon, mui syang bumaling sa akin napakamot ako sa batok at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Ayaw mo ba akong kasama?" taas kilay nyang tugon natigilan ako at napaawang ang labi maraming beses akong umiling.

"G-Gusto... baka kase gusto mo ng privacy..."

"Nah, i bet this. Gusto ko yung nakikita at kasama ka sa iisang kwarto. Kuhain mo na yung mga gamit natin ng makapagayos na tayo ay makakain na tayo sa baba." marahan akong tumango at dumeretyo sa mga bagahe namin marami iyon dahil isang buwan ang reservation ko sa hotel at sa isla ng batanes.

"Good morning Sir, Ma'am. This is you're order. Enjoy you're stay." nakangiting bati ng waiter at binaba ang mga inorder naming food ni Luna ng makita yon ni Luna ay mabilis syang sumandok ng pagkain at sinimulan ng kumain natawa ako ng mahina at sumunod sa kanya. Ng matapos kaming kumain ay muli kaming umakyat sa hotel room namin para magpahinga bago kami mamasyal na dalwa ni Luna.

"Mag-pahinga muna tayo, Luna. Mamaya natin puntahan ang sinabe ko sayo." marahan kong bulong sa tabi nya marahan rin syang tumango at pumikit na ang mata. Muli kong pinikit ang mata ko at muling nagpahinga dahil sa pagod namin sa byahe ay mabilis naming nakatulugan ang isa't-isa.

Mabilis kong hinabol si Luna habang tumatawa, malakas ang simoy ng hangin na tumatama sa balat ko tanaw na namin ang sunset sa batanes. Nagtatalo ang kukay kahel at asul na kalangitan. Nakasuot si Luna ng floral dress at kulot ang kulay sky blue nyang buhok may isang piraso ng rosas ang nakalagay sa gilid ng tenga nya. Lalo tuloy syang gumanda sa suot nya, maraming nakahakot ng react at comment si Luna sa Instagram ko, pati narin yung dati kong school marami ang nagtatanong kung sino daw ang kasama kong babae.

"Darling..." huminto sya habang nakaturo sa malayo, muli akong huminto sa tabi nya at pinagmasdan ang tinuro nya. Isang wishing star ang dumaan sa sa kalangitan, nakangiti nya iyong pinagmasdan. Pumikit ako at humiling sa wishing star na iyon.

"Napagod ako sa paghabol mo." natatawa myang ssabe sa akin, muling humangin sa paligid at muling nilipad ang hibla ng mga buhok nya napangiti ako at hinawi ang mga iyon.

"Gusto kong halikan ka..." namamaos kong tugon, namula ang pisngi nya habang kagat ang ibabang labi. Napalunok ako ng unti-unti syang pumikit at hinanda ang sarili muli akong lumunok at sabay halik ng marahan sa labi nya.

Napasaya ng araw na ito sa buhay ko, nakaupo kami sa damuhan habang nakapatong ang ulo nya sa balikat lo at nakasiklop naman ang pareho naming kamay. Ang isa ko namang kamay ay nakaakbay kay Luna habang pinagmamasdan namin ang mapayapang gabi.

Arch Academy: School of Spirit GuardianWhere stories live. Discover now