Chapter 10: He's awake, the Seventh Chiefs

280 22 0
                                    

Chapter 10: He's awake, the Seventh Chiefs

"Oh? Gutom na gutom?" hindi makapaniwalang sabe ni Jayne ng makaupo ako sa dulo ng cafeteria. Napaangat ang ulo ko saktong nasa harap ko si Damien, agad kaming nagkatitigan pero sya ang unang umiwas at napakamot sa batok bumuntong hininga lang ako bago lumipat ang tingin kay Jayne.

"Walang kain eh." simpleng sabe ko agad syang tumango at umupo sa harap ko.

"Kain pa, madami ang kinuha ko. Mabuti nalang." lagay lang sya ng lagay ng pag-kain sa pinggan ko, wala naman akong nagawa eh kaya nag-paubaya nalang ako, tutal gutom rin ako mula kagabi. "Yan, perfect!" tsaka pa sya pumalakpak kibit balikat nalang ako at sinimulan ulit kumain.

"Kamusta ang Mission?" agad kaming napaangat ang ulo at sabay na tumingin kay Damien.

'Sino kausap nya...' Oh ako pala. Saktong nagtama muli ang mata namin, kibitbalikat lang ako.

"Mamaya ko sasabihin." tipid kong tugon, tumango-tango lang sya at kumain na ulit. Buong Pwesto namin ay tahimik walang maski sino ang naiimik. Walang kahit na sinong bwiset ang bumasag, weird pero ayos na yon saken.

"Chief Keara, kamusta ang Mission?" agad namang lumipat ang tingin namin kay Keara ng mag-salita si Jayne ngumiti lang sya.

"Ayos naman, mukhang nahanap ko na ang itinakda." simpleng sabe nya na kinatigil naming mga Chief's, laglag ang panga namin.

"Eh? Hindi nga?!" malakas na sabe namin, nakakagulat naman yung ganon, seryoso? Sino sya?! Mahinang natawa si Keara.

"Yes, nahanap ko na sya at mukhang wala syang alam saatin."

"Bakit?" tugon ni Jayne, nagkibitbalikat lang sya.

"Mamaya na para may suspence!" tsaka sya humagalpak ng tawa, napailing nalang kami at napasampal sa noo. Agad kaming tumayo matapos ang breakfast sa cafeteria, isang helera kaming naglakad palabas ng cafeteria marami ang nag-bibigay daan sa amin bilang respeto. Agad kaming dumeretsyo sa office ni Mr. Hawk para magbigay,ng impormasyo matapos ng mga Mission namin, ganon lagi ang tagpo sa umaga pag-katapos ng Mission namin. Bumungad sa office Mr. Hawk ang mga librong nasa ere, bumubuklat mag-isa, mga magic spell na nagkalat sa kaliwang bahagi ng office nya.

"Ang aga nyo ah."

"Well..." nakangising sambit ni Jayne, nagkibit balikat lang si Mr. Hawk at sumensyas na.

"Galing ako sa kakaibang mundo kahapon, hindi sa mundo ng mga mortal at hindi rin sa Arzer." paunang sabe ko, napaangat ang ulo ni Mr. Hawk mula sa pagbabasa at tumaas ang isang kilay nya. "Isang mundo na kung tawagin ay Halland sa madaling sabe Hallow Land." lahat sila ay napasinghap, nagkibit balikat lang ako. "Nakalaban ko rin ang isang Dark Spirit Guardian kung saan sinabe nya ang mundo nila, may roon rin silang City, Academy, at mga Bayan sa mundo nila. Ang nakakakilabot na sinabe nya.... Yun ang bukana at pinto ng Forbidden." lahat sila ay nanlaki ang mata, gusto kong matawa lalo na sa ekspresyon ni Mr. Hawk pero dahil nasa seryoso at importanteng pag-uusap ito ay tukom lang ang bibig ko, tumikhim pa ako.

"Kung ganon...."

"Walang puno, halaman o kahit na hayop ang mayroon sila. Nakakapagtaka kung paano sila nabubuhay sa ganoong mundo. Tubig? Maari'ng meroon sila yun ang sigurado ako. Puro kidlat ang mga kulog ang nagsisilbing ilaw nila, ni hindi nga umulan kahit kumukulog na."

"Pupuntahan natin...."

"Hindi." putol ko sa sasabihin ni Mr. Hawk. "Isa pa mukhang maynakakita saken pag-tapak ko sa mundo ng mga mortal."hindi makapaniwalang sabe ko, napaka imposible talaga. "Isang lalake, pero mukhang may tama, laseng sa alak."

Arch Academy: School of Spirit GuardianWhere stories live. Discover now