Chapter 05: Arzer World

358 26 0
                                    

Chapter 05: Arzer World

I changed my gaze and took a deep breath, I can't imagine how happy I was to see her and to eat breakfast with her.

"Kamusta kana Sasha? Ngayon ka lang ulit kita nakita expect kagabi."

"Ayos lang tita, kayo po kamusta na?"

"Eto nakakaramdam na ng pagtanda." agad syang tumawa sa biro nya, tumawa rin ako ng mahina at agad ring nawala ng magtagpo ang mata namin ni Sasha, tinuon ko lang ang mata ko sa pagkain. "Sasha, pakiusap ko sayo mamili kana." halos sabay kaming nabilaukan ni Elijah sa sinabe ni Tita seryoso ang bawat pagbigkas, napainom ako ng wala sa oras katulad ni Elijah. "Yung pinapapili ko sayo, meron na ba?" agad na dagdag ni Tita, kinabahan ako ng bigla syang tumingin sa aming dalwa ni Elijah, ng seryoso.

"Pinagiisipan ko pa po, Tita. Pero ayoko sa black gusto ko yung blue." agad naman tumawa si Tita sa sinabe ni Sasha.

'What the... anong nangyayare?'

"Pinapapili ko si Sasha na kung anong gustong dress, yung kulay black o yung blue. Yung black kase seryoso at mapagmahal...veste mahal. Yung blue makinang at mamahalin pero nakakasilaw, madaling mabasag... este masira kase marupok at madali ring masaktan... este mapunit." agad na paliwanag ni tita, agad akong napailing sa paliwanag nya, para akong natamaan sa sinabe ni tita para ako yung blue na makinang pero nakakasilaw, ako yung marupok kase sa mga pabanat nya nahulog ako, ako yung madaling masaktan kase una ko pa lang, wala pang experience. Bumuntong hininga nalang ako at tinuloy ang pagnguya.

"Bakit iba ba ang nasa isip nyo mga ijo?" agad akong napaangat ng tingin kay tita sabay kaming lumingon sa isa't-isa ni Elijah at sabay ring umiling, mahinang tumawa si tita at umiiling pa. "Hayaan nyo, na may isang mapipiling dress si Sasha, dapat maging masaya kayo."

Palihim akong bumuntong hininga, she choose Elijah i swear. Sapat na para maging masaya ako sa kanilang dalwa, meron rin na darating para sa akin hindi man ngayon, hindi man bukas pero darating rin sya sa tamang panahon. Nagpaalam na akong aalis magcocomute nalang ako papuntang school para makaiwas sa kanilang dalwa sa may bus stop ako tumigil at kinuha ang cellphone ko ng makita ko itong nagvibrate.

'Where are you? Sabay na tayong tatlo.' text ni Elijah na hindi ko na ni-reply pa agad kong binulsa ang cellphone ko at pinatay. Napalingon ako sa bumusina sa harap ko, inangat ko yon hindi na ako nagulat sasakyan ni Elijah ang bumungad sa akin.

"Sakay na. Huwag ka ng maarte pa, Jed." bumalik sya sa pagiging mainiitin at seryoso, bumalik na ang pinsan ko bumuntong hininga lang ako sa likod sana ako uupo kaso pagbukas ko mukha ni Sasha ang bumungad agad kong sinarado at pinto sa likod at sumakay sa passenger seat. Tahimik kami buong byahe wala rin naman akong balak na makipagusap sa kanila bahala na. "Kamusta Jed?" agad akong napalingon kay Elijah ng magtanong sya, tumaas pa ang isang kilay nya tumingin ako sa rear mirror ng sasakyan ni Elijah nagtama ang mata namin ni Sasha pero sa pagkakataon na yon sya na ang naunang umiwas, napabuntong hininga ako, hindi ko inalis ang tingin sa kanya habang nasa rear mirror ang tingin ko.

"Ayos naman, buhay pa kahit basag-basag na." sarkastic kong sabe agad na lumingon si Sasha kita ko ang pagawang ng labi nya at paglaki ng mata natigilan sya sabay iwas ulit, agad akong umiwas ng makita ko ang malungkot nyang mata. "Ikaw Elijah, kamusta ka?"

Napangiti sya sa unang pagkakataon, mukhang masaya ang araw nya. Ngiting tagumpay, ngiting panalo, ngiting ngayon ko lang nasilayan sa mukha ng pinsan ko. "Masaya ako Jed, masayang masaya." kita ko ang pagkislap ng mata nya habang pasimpleng titingin sa rear mirror kung saan si Sasha, napabuntong hinga ako.

"I'm glad tuloy mo lang couz." kahit masakait ngumiti ako para sa pinsan at pinakamamahal kong babae. Para sa inyo ang sakripisyo ko, ayokong masira ang pinsan ko, ayokong masaktan sya kahit ako nalang tatanggapin ko, lahat-lahat. Hanggang sa dumating kami sa school na una akong bumaba at agad na naglakad sa kahabaan ng hallway, marami ang nagbubulungan dahil sa ball na nangyare.

Arch Academy: School of Spirit GuardianWhere stories live. Discover now