Chapter 06: The Chiefs of Academy

354 27 0
                                    

Chapter 06: The Chiefs of Academy

"Putang ina, hindi ka na ulit makakalapit saken! Asshole!" sigaw ko habang winawagayway ang kamay ko dahil malapit na akong mahulog sa lupa, hindi ako ibon stupid, napapikit nalang ako sa sobrang diin ng pagkapikit ko hindi ko namalayan na may nakasalo na pala sa akin, ang kaninang mabilis na paglaglag ay unti-unting bumagal dahil sa nagsalo. Thank you kung sino ka man.

"You're safe now, pwede ka ng tumigil sa pagpikit." dahan dahan kong minulat ang mata ko dahil nasa lupa na kami, agad akong lumingon sa kanya. Tama ako si Keara nga ngumiti lang sya sa akin kaya ngumiti rin ako sa kanya ngayon ko lang nakita na nakabride style pala ang pagsalo nya sa akin agad akong bumaba ng dahan dahan at ginala ang tingin sa buong kapaligiran. "Welcome to Arch Academy Jed, school of spirit guardian." masayang sambit ni Keara.

"Anong spirit guardian?"

"Katulad namin isa kang spirit gurdian meron kang katangian na katulad ng sa mga chief's."

"Chief?"

"Yes you're Seventh Chief's Jedryl Monaco." agad akong nanlaki ang mata sabay awang ng labi, di nga? Anong ako? Anong malay ko riyan?

"Teka paano? Kelan?"

"Paano? Simple may dugo kang Arzernians at ang dugo mo ay katulad nila, may halong spirit guardian. Kelan? Simula ng ipinanganak ka ganap ka ng guardian kaso sa pagsasanay ka palang mapapatapat. Ngayon na nandirito kana sisimulan mo na ang pagsasanay para maging ganap ka ng Seventh Chief, Jedryl." sambit ng lalakeng nakaformal, may salamin at medyo magulong buhok, hindi ko sya kilala. "Hindi mo ba natatandaan ang gabing pinuntahan kita, Jed?" natigilan ako sabay turo sa kanya agad syang tumawa ng mahina dahil siguro sa reaksyon ko. "Calm down Jedryl. I'm teacher Hawk, ako ang magtuturo sayo sa basic skills sa pagiging Spirit Guardian."

"Teka lang huh, naguguluhan ako. Sumasakit ang ulo ko sa sinasabe nyo!" medyo pasigaw na sabe ko kaya tumalilod muna ako sa kanila at sabay buga ng malalim na.hininga, buti nalang mabango ang hininga ko ngayon baka mamatay ang puno na to. "Anong pagsasanay? Anong spirit guardian?" sabay baling sa kanila, bali nandirito si Luna, Keara, Mr. Hawk at dalwang lalake na hindi ko kilala base sa suot nila mukha silang chief na sinasabe ng mga to may mga cloak rin sila na green at mya pin na SG.

"Spirit Guardian or Guardians. Yan ang tawag namin sa katulad nina Chief Luna, Chief Keara, Chief Jayne, Chief Damien at ang huli ang pinsan mo na si Chief Elijah." teka si Elijah? Paano? Naman! Puta naman ang sakit na ng ulo, ang gulo nilang kausap! Damn it! Napahilot na ako sa sintido ko dahil sumasakit na. Gagong araw este gabi naman. "Hindi ba sinabe sayo ni Imelda ang katotohanan?" so kilala nya si Tita iiling na sana ako kaso may naalala ako, yung panahon na naconfine si Tita sa hospital.

"Meron syang binangit kaso puro bitin at naguguluhan ako. Isa raw akong Arzernian na tinawag ng tadhana ko."

"Tumpak Jed tinawag kana ng tadhana mo at iyon ay kailangan mong tuparin."

"Paano? Hindi ako lumaki sa mundo nyo, galing akong labas, ignorante pa ako pagdating sa bakbakan. Baka nga napatay na ako ng sinasabe nyong Hallow." pairap kong sagot sa kanila.

"Look Jed kagaya mo, hindi rin ako galing rito sa Arzer mula ako sa mundo na kinalakihan mo, tinawag rin ako ng tadhana ko. Actually hindi ako taga Philippines taga Italy ako kaya nasanay na akong magtagalog." agad akong napalingon sa isang lalake na nagsalita sino nga sya? "I'm Jayne Balrus. Fourth Chief." nakangiting sabe nya sabay lahad ng kamay nya agad ko rin naman yong tinanggap.

"Jedryl Monaco, Jed for short."

"Kilala na kita ikaw ang nasa propesiya." nakangiting sambit nya.

Prophecy?

Arch Academy: School of Spirit GuardianWhere stories live. Discover now