Chapter 26: Highest Lieutenant

162 10 0
                                    

Happy first week of 2022!

***

Chapter 26: Highest Lieutenant

"Let's welcome the squad of Arch Academy, the Chief's of Arzer!" malakas na palakpakan at hiyawan ang sumalubong sa amin pagpasok namin ng stadium pinuno ng mga magaaral ang buong stadium lahat ay nakatayo na pabilog at hinihiyawan kami, suot naming ang makikinang at mabigat na kulay pilak na kalasag may kulay green na ribon ang nakalagay sa aming dib-dib at syempre hindi mawawala ang kulay green na cloak na noon ay suot nanamin ng makilala kaming chiefs ng Arch Academy. Nagkatitigan kaming lahat at hindi alam kung ano ang gagawin.

"Please welcome the Highest Lieutenant, Jedryl Monaco." napatingin ako kay Mr. Hawk habang nakaturo sa sarili ko tumango sya habang nakangiti napaawang ang labi ko at muling bumaling sa mga kasamahan ko tumango rin sila kaya wala akong nagawa kung hindi ang maglakad paakyat sa stage. "Highest Lieutenant, Luna Carson." sunod na tinawag si Luna tumigil ako sa paglalakad at muling humarap sa dereksyon nya. Gaya nya ay pareho kami ng reaksyon, ngumiti ako sa kanya ng magtama ang mata naming dalwa.

"Come here." ng makalapit sya sa akin ay nilahad ko ang kamay ko taas kilay nya akong tinitigan, nginuso ko ang nakalahad kong palad pabuntong hininga nyang tinanggap at sabay ngiti. Marami ang nagtilian dahil sa ginawa ko, sabay kaming naglakad paakyat sa stage at kumaway pa ako habang nakangiti. "See ang gwapo ng boyfriend mo, Luna." payabang kong tugon inerapan nya lang ako kaya muli akong ngumiti.

"Highest Lieutenant, Jayne Balrus and Keara Vomit." nakisama kaming dalwa ni Luna sa pagpalakpak, nauuna si Keara habang nakanguso si Jayne na nasa likod nyang naglalakad papunta sa stage.

"Highest Lieutenant, Damien Anderson and Alexa Bizeveron." nakaangkla naman si Alexa sa braso ni Damien, habang ang mukha ni Damien ay hindi ko alam kung nahihiya ba o kinikilig.

"Ganyan ka dapat sa akin, Keara. Eh ang kaso tinoyo ka kaya wala kang puso." singhal ni Jayne sa gilid ko hindi ko maiwasan na matawa sa sinabe ni Jayne.

"Ha?! Sinasabe mo?!" taas noong tugon ni Keara, nanlambot ang mukha ni Jayne at tinaas ang dalwang kamay sa ere.

"W-Wala po babe..."

"I'm not you're girlfriend." taas kilay na tugon ni Keara habang nakacross arm, masama ang tingin kay Jayne na akala moy papatay ng kung sino.

"Not now but soon, trust me babe. You will beg for my goddess face." nakangisi nyang singhal nanlaki ang mata ni Keara habang namumula ang pisngi hindi ko maiwasan na mag-thumbs up kay Jayne kinindatan nya ako at sabay kaming nag-high five sa isa't-isa habang tumatawa.

"Highest Lieutenant, the Leader of Squad 13. Elijah Montenegro and Highest Lieutenant, Sasha Vargas." muling nagtiliaan ang mga kalalakihan at kababaihan ng tinawag ang pangalan ng dalwa. Nakangiting kumaway si Sasha na para bang nasa isang coronation night, nakapamulsa lang si Elijah at nahihiya sa inaasta ni Sasha, umirap si Sasha habang nag-uusap ang dalwa.

"Lastly Highest Lieutenant, Alicia Ambers and Highest Lieutenant, Prince Aldrin Caddel." muling umugong ang buong stadium ng tinawag ang huling pangalan, namumula si Aldrin habang nakaakla ang braso ni Alicia bagay sila ng dalwa.

"Sila ang ating tagapagligtas ng buong mundo, sila ang nakipaglaban sa mga hallow at buong buhay nilang tinubos ang kanilang sarili para sa tungkulin na ito." muli naming sinalubong ang mga matang nakatingin sa amin, matang may paghanga at respeto. "Hindi nila tayo iniwan at pinabayaan sa oras ng pangangailangan. Wala tayong tagapagligtas kung walang chiefs sa Arzer."

"Mula sa legendary family na Monaco, Carson, Vomit, Montenegro, Balrus, Caddel, Anderson, Bizeveron, Ambers at Vargas. Ang inyong apilyido ang namumuno sa buong bayan ng Arzer. Mula sa mga magulang nyong nag-taya ng kanilang buhay para lang iligtas ang Arzer, ay ipapasa na sa inyo ang karangalan na mapabilang sa mga magigiting na mandirigma ng Arzer." muling hinarap kami ng Mr. Hawk kasama si Ms. Eve natigilan kaming lahat na nasa stage ng yumuko sila sa harap namin.

Arch Academy: School of Spirit GuardianOù les histoires vivent. Découvrez maintenant