Chapter 13: Please don't take my sunshine away

238 17 0
                                    

Chapter 13: Please don't take my sunshine away

"Darling you okay?" napaangat ang tingin ko kay Luna, ngumiti lang ako at sabay thumbs-up.

'Kaya ko pa. Kailangan kayanin ko.'

"Bring it on!" nagkibit balikat lang si Luna at mabilis na sumugod sa akin, bawat atake nya ay iniilagan ko, minsan pa akong umatake nakukuha ko na tyempo kung paano makipaglaban pero lagi akong natatalo.

Damn it! Ang hirap ng ganito. Hingal ako habang sinasangga ang bawat atake nya magaling talaga ang babaeng ito, mahirap syang kalabanin. Mula kaninang madaling araw, hindi pa sumasapit ang araw ay nagsimula na kaming magtraining, kailangan ko itong training dahil hindi ako pwedeng sumabak sa isang gyera na hindi ako handa kaya habang maaga pa paghahandaan ko na ang nalalapit na digmaan.

"Kaya pa?" tango langang sagot ko at paulit-ulit syang umatake habang pinapaikutan ako, ako tong umiikot at sinasangga ang bawat atake nya, mabilis bawat pangyayare dahil mabilis syang umatake at nabitawan ko ang aking espada, tumalsik ito sa taas habang umiikot nanlaki ang mata ko.

Mabilis akong tumalon at saktong naabot ko na ang espada ay nasa harap ko na rin si Luna na nakangisi, napalunok ako ng sunod-sunod dahil mabilis syang umatake, muntik na akong matamaan mabuti nalang at naiwasan ko, paluhod akong lumanding sa lupa hindi pa bga lumalanding sa lupa si Luna ay mabilis ulit syang sumugod napatayo ako ng wala sa oras at mabilis na umatras habang sya at umaabante habang nakatutok ang dulo ng espada sa akin, mahigpit ang hawak ko sa aking espada kaya ano mang oras na umatake sya ay masasangga.

Kumalansing ang pareho naming espada ng magtama ang isat-isa, mabilis kaming nakalayo at mabilis ulit sumugod, bumwelo ako bago umatake. Pareho kaming tumalsik dahil sa lakas ng impact, lumakas ang hangin sa buong stadium at may mga alikabok at usok ang nabuo habang naglalaban ang pareho naming espada.

Hingal na hingal at tagktak ng pawis ang buo naming mukha, naguumpisa ng sumibol ang bagong umaga. Nagpapakita narin ang araw mula sa kanyang pagkakatulog. Nagliliwanag na rin ang buong Academy hudyat na gising na sila. Wala akong sinayang na oras habang naglalaban kami, yumuko ako ng umatake sya sa taas ko, napapunta ako sa kanyang likod at mabilis na umatake mabilis ulit nyang nasangga ang atake ko, sinipa nya ako sa aking sikmura kaya nabitawan ko ang aking espada at napaatras ng sunod-sunod.

Napaubo ako at sumighap ng hangin, mabilis syang sumugod habang umaatake wala akong magawa kung hindi ang umilag habang umaatake sya gamit ang espada nya, mabilis kong nahuli ang espada nya at pinaikot para mabitawan nya, nanlaki ang mata nya dahil nagawa ko yon mabilis akong tumalon at sinipa sya sa kanyang sikmura napaatras rin sya napangisi sa akin habang tumatango, pomorma pa sya sa pakikipaglaban gamit ang nga kamao naming dalwa.

"Lets finish this. Kung sino ang mananalo, may consequences." napakunot noo ako pero agad syang umatake kaya nawala sa isip ko na tanungin sya.

Mabilis nya akong sinuntok bawat suntok nya ay iniilagan ko, umilot sya at binigyan ako ng spinning punch, buti nalang at tumama lang yon sa aking siko pero ramdam ko ang pagkirot ng braso ko mukhang bitligan ako.

Napadaing ako ng binigyan nya ako ng flying kick na hindi ko namalayan na nagawa nya pala, nagpagulong-gulong ako sa lupa habang himas-himas ang mukha ko kung saan tumama yung paa nya. Dahan-dahan akong tumayo habang mabagal na ang paghinga ko, sya nakaready na ulit para sa finale nya. Damn it! Kakaiba talaga ang babae na to, kakaiba sya dahil ako ang mahal nya. Mahal ko rin ang babae na to.

"I love you Luna!" sigaw ko at nanlaki ang mata nyang binalingan ako, napangiti ako ng wagas, nakita ko ang pamumula ng pisngi nya kaya nakakuha agad ako ng pagkakataon para atakihin sya ng hindi nya namalayan. Isang taktika na alam kong mahirap nyang masangga.

Arch Academy: School of Spirit GuardianWhere stories live. Discover now