Chapter 07: Don't hesitate to kill me

330 22 0
                                    

Chapter 07: Don't hesitate to kill me

Nagising nalamang ako na nasa kama ako ng kwarto ko, tirik na tirik ang araw maaliwalas ang paligid, napagtanto ko na kwarto ko to sa Arch Academy akala ko panaginip lang, akala ko isang bangungot. Ano bang nangyare sa akin? Inaalala ko lahat ng nangyare sa akin mula kahapon, bigla akong natigilan sabay haplos sa aking kaliwang braso ko, may gasa ako sa braso na para akong nakipaglaban. Hina'ng-hina rin ang buo kong katawan

"Gising kana pala." agad akong napalingon bigla kasing bumukas ang pinto ng kwarto ko bumungad si Keara na may dalang food at naka uniform na rin sya. "Good morning."

"Morning rin, anong nangyare sa akin?" agad kong tanong ng makalapit sya sa akin. Umupo sya sa gilid ng kama ko binaba ang dalang food sa study table malapit sa kama ko.

"Wala kang natandaan ano?" agad akong tumango sabay dampot ng pagkain na dinala nya. "Kahapon nawalan ka ng malay sa loob ng Training room." agad nyang sagot.

"Bakit naman?"

"Dahil kinontrol ka ng Spirit Guardian mo." simpleng sambit nya napakunot noo ako iimik na sana ako kaso naunahan na nya ako. "Mabuti nga't nalabanan mo."

"Paano?"

"Mamaya mo na itanong kumain kana muna." agad akong tumango at kumain ramdam kong nakatitig sya kaya naiilang ako sa pagtitig nya habang kumakain ako.

Napaangat ang ulo saktong nagkakatitigan kami. "Bakit?"

"Bakit?" sabay naming tanong halos natigilan kami sabay ring natawa sa isat isa, napapailing pa ako.

"Nakatitig ka kase naiilang ako, hindi ako sanay sa ganyan." deretsyong sambit ko agad syang natigilan at umiwas ng tingin.

"A-Ano... s-sorry." nahihiyang tugon nya napatabingi pa ako sa sinabe nya.

"For what?" agad na tanong ko.

"A-About yesterday... A-Ano hindi kita natulungan" napatango-tango ako sa sinabe nya sabay ngiti.

"Wala yun ano ka ba. Tsaka mabuti na rin yon baka masaktan pa kita hindi ko kakayanin na masaktan kita." agad na sagot ko sabay subo ng pagkaing dala nya. Ang sarap ng food.

"W-What do you mean?" kandautal-utal nyang sagot napatingin ako sa kanya, namumula ang pisngi nya. Eh? Ano bang sinabe ko at namumula sya? Mainit ba ngayon? Hindi naman. May sakit kaya sya? Lagnat?

"Huh?" naguguluhang sagot ko umiling lang sya sabay senyas na ituloy ko na ang kinakain ko tumango-tango lang ako sabay subo rin. Bakit ba ang sarap ng food nila iba sa mundo na kinalakihan ko, sa Earth.

Natapos ang umagahan ko at sabay kaming lumabas ni Kiera ng dorm ko, unang araw ko sa school nila kaya may dala akong ibang gamit gaya ng mga spell, enchant, tricks at iba pang pwedeng gawin sa pakikipaglaban. Sa bawat hallway na nadaraanan ko napapalingon sila sa aming dalwa, merong bumabati kay Kiera at pasimpleng titingin sa akin mula ulo hanggang paa, nakakaconcious ang ganong tingin para tuloy akong kinikilatis.

"Sa tingin mo sya na kaya yung Seventh Chief's?"

"Girl! Ang gwapo nya!"

"Hmm! Ang cute!"

Napamaang pa ako sa sinasabe nila, napahimas naman ako sa batok ko at nag-iwas ng tingin. Feeling awkward to, napuri naman na ako sa mundo namin pero hindi pa ako sanay dito. Napatingin sa akin si Keara, kaya lalo tuloy akong naiilang.

"Cute ka raw?" tsaka sya tumawa ng sarcastic, napatagilid pa ang aking ulo dahil anong nangyare sa kanya?

"Hindi ba?" panunuya ko, namula sya umiwas ng tingin, nauna syang naglakad sa akin, kaya agad ko syang hinabol at kinulit. "Ano tama ba ako?!" tsaka ako malakas na tumawa, dali-dali syang nag-lakad palayo, kaya natawa ako ng malakas. "She's cute! Gosh!" napailing lang ako at sumunod sa kanya.

Arch Academy: School of Spirit GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon