Chapter 12: Cry if you want

220 20 0
                                    

Chapter 12: Cry if you want

Unti-unting tumayo ang Headmistress ng Arch Academy na si Headmistress Celeste Whitlock, tumayo ako ng tuwid taas noong humarap sa kanila. Nakapalibot sa kanya ang mga Elder ng Arch Academy.

"Seveth Chief from the legendary Family, Monaco. Son of The Highest Superior Esmeralda Montenegro-Monaco and her husband Highest Chief Julio Monaco" natigilan ako, yon pala ang pangalan ng nanay at tatay ko. Bakit hindi nila sinabe, pinagkaitan nila ako karapatan na alamin ang mga pangalan nila, napakaunfair. Nangilid na agad ang luha ko dahil sa pagkalungkot.

"The New Generation of the Legendary Family, the Spirit Guardian prophecy, Jedryl Monaco, by the name of Headmistress of Arch Academy I Celeste Whitlock, you're now the Spirit Guardian, may the God bless you." lumapit ang dalwang Eldres dala ang cloak kong green, ang isa ay ang pin na sumisimbolo na akoy isang Spirit Guardian. Sinuot nila ang cloak at nilagay rin ang pin, nagpalakpakan ang mga nakakita sa ceremony, tinapik ako ng matandang Elder at nginitian ako, ngumiti ako ng pabalik kahit pilit. Sa taas ako dumeretsyo, sa rooftop ng Arch Academy, sumandal ako sa railing habang lumilipad ang cloak at buhok ko dala ng hanging tumatama sa rooftop.

Nagpunas ako ng mata ng may naramdaman akong tumulo galing roon, tuloy-tuloy ang agos ng luha ko kahit punasan ko pa. Napaka unfair nila! Gusto kong makilala ang mga magulang kahit patay na sila, kahit man lang makita ang puntod nila, mga picture na meron sila, gustong gusto kong makita, mga kagamitan na meron sila noon gusto kong mayakap yon dahil kahit kelan hindi ko na mayayakap ang mga magulang ako.

Napatakip ako sa bibig ko ng bigla akong humagulhol sa lungkot, napayuko ako sa railing ng rooftop habang umiiyak, kuyom na kuyom ang kamao at mariin ang pagkakapikit. Sa sobrang lungkot ko hindi ko na namalayan na may tumapik na pala ng balikat ko, napaangat ang tingin ko sa kanya natigilan ako at agad na nagpunas ng luha.

"I-Ikaw pala yan, Luna." mahina ang boses kong sabe timikhim rin ako para lang mabawasan ang pagkabasag, ngumiti rin ako ng tipid.

"I see your smiling but you're sad." seryoso at deretsyong sabe nya, natigilan ako at napaawang ang labi, peke akong tumawa ng makabawi sa pagkagulat.

"A-Ako... H-Hindi kaya." tsaka ako tumawa ng peke habang umiiling. Naglahad sya ng kamay sa aking harap, napakunot-noo ako at pabalik-balik ang tingin sa kamay nyang nakalahad. "A-Anong gagawin... ko dyan?"

"Who knows." kibit balikat nyang tugon, pabuntong hininga akong tinanggap ang nakalahad nyang tugon, natigilan ako at nawalan ng balanse ng biglang nya akong higitin at napasubsub ako sa balikat nya, napalunok ako ng sunod-sunod, naramdaman ko nalang ang mainit at nakakapaso nyang palad na humahagod sa aking likod.

"Cry if you want. I'm here Darling..." hindi pa tapos syang magsalita dahil natabunan ng mamunti kong hikbi, nanginginig ang kamaya kong pumulupot sa kanyang katawan, mariin ang pagpikit at pagkagat sa aking labi para hindi nya marinig ang hikbi ko.

"A-Ang sakit lang, Luna... hindi ko man lang sila nakilala... Bakit?" mahina kong tanong habang umiiyak sa kanyang balikat. "Ba-Bakit? A-Anong mali sa akin?"

"Shh... walang mali sayo, siguro para sa kaligtasan mo kaya nila nagawang ilihim ang tunay na pangalan ng mga magulang mo." umiiling ako habang nagsasalita sya, mahigpit akong yumakap at hindi ko sya pinapakawalan.

"Please... stay with me... Please... stay with me until the end..." ikaw lang ang gusto kong makasama. Ikaw na lang ang meron ako. Naramdaman kong marahan syang tumango, kaya hindi ko mapigilan ang pagbuhos muli ng luha ko habang nakangiti.

"I will stay with you. You and I will be together... forever."

"P-Promise?"

"I promise, darling. You and I. Together and Forever." matamis akong ngumiti, at kumalas sa pagkakayakap nya. 'Darling?' sounds sweet. "Why are you smiling?" singhal agad nyang tugon.

Arch Academy: School of Spirit GuardianDonde viven las historias. Descúbrelo ahora