Chapter 33 - Saving The Idiot

284K 7.6K 1.3K
                                    

"Ginagago mo ba ako, Cromello?" patuloy pa rin akong sinusundan ni Spade sa paglalakad. Pilit niya akong hinahabol simula nang sinabi ko ang mga salitang iyon. I didn't mean it. But I just can't let them hurt one of my men and to disobey my brother. Other than being a brother, Xander is also holding the same rank as I am inside the mafia so I can't just set his advices aside. 

"Leave me alone, Vantress. The talk is over." walang tigil ang mga pabulong niyang mga mura. Nasaan na ba si Dash? Nasaan na ang mga reapers ko? 'Wag nilang sabihin na napatiklop sila ng basta basta ni Spade nang dahil lang sa pagbabanta niya? 

Nasapo niya ang isang siko ko at napaharap ako sa kanya. "Ano ba!? What do you need? You heard it. Are you happy now?" iritadong sabi ko sa kanya at sinusubukan kong kalasin ang pagkakahawak niya sa akin. Kaya lang talagang ayaw niya ako bitiwan. He has this serious looking face at nakakunot ang noo niya. Magkasalubong ang dalawang kilay at tila nanggagalaiti ang mga mata niya. Sure, sino nga ba naman ang matutuwa sa mga sinabi ko? 

"Stop kidding around. You're hiding something. Why can't you just spit it out? Fuck!" doon lang niya binitawan ang siko ko ng marahas. Muntik pa tuloy akong ma-out of balance. Mas pinili ko pa rin ang tumahimik. After all, dito naman ako magaling eh. Ang manahimik kahit ang dami kong gustong sabihin. Baka kasi kapag nagsalita pa ako ay makapagsalita pa ako ng masama at something na labag pa sa loob ko. God knows how much I care for those ten kiddos. Meddling on my past is already enough, I wouldn't allow them to get entangled with some family business of mine.

"Hindi ka pa rin sasagot? Nakakagago ka! Sana talaga hindi ka na lang napunta sa eskwelahan na ito! I should have killed you even from the start! If it isn't for Sky, you should have been a cold corpse right now." maanghang na pananalita pa niya samantalang nakatingin lang ako sa ibang direksyon at nakikinig lang sa bawat salitang binibitiwan niya. 

Edi lumabas din! I know when it comes to this man, he's always after for my life. So, all this time, he only let me live because I'm Skyzzer Sanchez's cousin? Lame.

"Then you are really a fool for not doing so!" tumingin na ako sa kanya at nakipagsukatan ng titig. Walang gustong sumuko. Walang gustong magpatalo sa mga nakakasindak na titig na binibigay namin sa isa't isa. But I was surprised for what he did next. Hinawakan niya ako sa leeg gamit ang kanang kamay niya at akmang sasakalin na talaga niya ako. He is really a monster.

"Don't worry, you opened the way for me to do that sooner or later. One more wrong move, Cromello. I swear kayang kaya kong pilipitin ang leeg mo ng walang kahirap hirap." at pagkatapos nuon ay nakita ko na lang ang sarili ko na nakasalampak sa semento. Umabot kasi kami hanggang dito sa mga hallways. Fortunately, the students left already for a rest due to that incident that happened today or else, kakalat na naman 'to sa buong school. 

Kinapa ko ang leeg ko at mabigat na huminga. Napaisip na naman tuloy ako. Pero kahit anong balik ko sa mga ikinilos at isinalita ko kanina, wala akong nakikitang masama sa mga ginawa ko. Siguro maliban na lang sa pagsisinungaling sa mga heads. Mga kaibigan ko sila at alam kong mali ang magsinungaling at maglihim kaya lang kailangan. Never naman akong gumawa ng ganitong mga desisyon ng walang dahilan eh. Sina Kane, they are both my reapers and friends too. Sakop sila ng pamamahala naming magkapatid sa loob ng mafia at ng business empire ng pamilya namin kaya walang pag-aalinlangan ako sigurado na alam nila lahat lahat ng tungkol sa mga nangyayari ngayon.

Those heads, yeah, they may know about the 'ESCAPE' thingy, Lorraine's case, and me being related to a dangerous group. But not about the real story. I mean, hay, paano ko ba maeexplain? Masyadong komplikado kasi. Basta it's all about what we happened to know about the golden object that I found from Xander's drawer. 

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon