Chapter 50 - Crashing To A Party

318K 8.4K 4.2K
                                    


"Boss, hindi ba talaga kami pwede sumama?" kaunti na lang at mauubusan na ako ng pasensya sa mga reapers kong ito eh! Kanina pa sila paulit ulit ng tanong sa akin kung pwede pa silang sumama sa mission namin.


Dahil nga hindi sila nakasama nung last na meeting due to various reasons, ngayon lang nila nalaman ang mga plano. Ang nakakainis pa ay hindi sila makuha sa tingin o sa isang sagot. Sinusubukan na naman ako ng mga ito.


"When I said no, it's a no. That is my order. One more question and I'll rip your tongue out." walang emosyon kong sambit sa kanila habang diretso pa rin ang tingin ko.


Tumigil naman na sila sa pangungulit. Mabuti naman. Kung hindi, hindi lang dila nila ang malilintikan sa akin. May binigay naman na akong trabaho sa kanila, kaya hindi sila mabobored dito. Hinihintay ko na lang ang mga kasama ko at aalis na kami. Kababa ko pa lang naman kaso ngawit na ngawit na ako sa pagtaklob ng asul na tela na ito sa katawan ko. May araw ka rin sa akin, Fiacre.


I dismissed all of my guards nang nasilayan ko na pababa na ang magaling kong kapartner this time. Spade William Vantress, where the hell part of what I am wearing do you think is a dress? Shit.


Kasabay niyang bumaba ang mga ilang maiiwan dito sa mansyon. "Hey Alex, bakit ba balot na balot ka diyan? May tabing pa ang mukha mo." Sky asked. Damn you my dear cousin, if you only know what kind of a shitless fabric they made me wear.


"Mind your own business, freak." pagtataray ko sa kanya. Alam ko naman na planado nilang lahat ng ito. Kanina ko lang kasi nacheck ang binigay na box ni Spade as well as what kind of a party ang pupuntahan namin.


Lumapit naman sa akin ang kumag na ito habang inaayos ang suit niya. He has a bored look when he looked at me. "Take that off kung ayaw mong pagkadiskitahan ka ng mga prostitutes doon." then he went out. You're the one to say that, huh?


Siyempre hindi ko sinunod ang gusto niya. Sinamaan ko lang ng tingin ang mga kasama namin at lumabas na rin ako. When I mentioned Dash and the others' roles for tonight, I mean it's guarding from the outside. Medyo nagdalawang isip pa nga ako na ilagay sila roon kaso para saan pa ang mga training nila kung hindi ko sila isasabak sa totoong laban? Mula sa labas umaatake ang kalaban kaya ito lang ang pinakamadaling paraan para mahuli sila.


Magkakahiwalay kami ng sasakyan. Sa kasamaang palad, I must ride with this son of a devil. Hindi ko pa rin maatim na sinuot ko pa rin ang damit na 'yun. Argh!


Naunang umandar ang mga kotse nina Edward at ng iba pa. Kami naman, naghintay muna ng 10 minutes bago paganahin ng driver ni Spade ang makina. Tahimik na naman as usual. Magkatabi kami pero may ilang dangkal pa rin ang pagitan.


I glanced at him in a few seconds. Oh well, he doesn't look so bad. He styled his hair like the handsome millionaires in movies and wearing a very elegant formal suit with a black tie. Napatigang na lang ako pagtitig sa labas. Sana walang thunderstorm na dumating. Mas natatakot na ako ngayon at dahil iyon sa kapatid ni Spade. These brothers won't stop giving me hardships, will they?


You see, I got to talk to him the other day accidentally. Sean is watching a meteor shower that night from the garden at ako naman hindi makatulog kaya pupunta dapat ako sa kusina kaso nahagip na siya kaagad ng paningin ko.

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon