Chapter 16: Message

491K 11.6K 2.9K
                                    


SKY'S POV



"Thank you for letting us in." pagpapasalamat ni Dereen nang wala sa amin ang kanyang tingin kundi sa babaeng nahihimbing sa sopa.



I don't really know what happened exactly earlier but I am definitely sure that there is something that we must confirm right now, right here.



I can remember it crystal clear yesterday when our cyber unit squad, Thelina, Courtney, and Marc did Spade's out of the blue command. The command to search everything that may be found relative with these four.



Bahagyang nagtataka ako nang dahil sa hindi sa akin muna ipinaalam ni king ang nais niyang ito. Samantalang, kayang-kaya niya naman akong lapitan at tanungin sa mga bagay-bagay na gusto niyang malaman tungkol kina Alex kung nanaisin lang niya. Pero hindi. Hindi niya ginawa.



Bagkus ay nagulat na lang ako sa paglabas ng utos niyang ito. I'm trying to evade any negative thoughts about him not trusting me but I just can't help it.



We've been friends for years and God knows the number of moments we have shared. Hindi ko nga lang alam kung bakit parang may nag-iba sa pakikitungo niya sa akin. Ganoon na rin si Edward na siyang kanang kamay niya.



Is it because I'm Alex's cousin? Probably.



Even so, I can see his point. It's quite understandable. But why hid it and the information that have been gathered?



For a man like who grew up with the most dangerous kind of people in the world, have been tought to also act and to think like I'm one of them. And that's when I, a man who doesn't even have the tiniest blood of being a Dela Vega Mafia clan, involves myself to the reason why those people are branded dangerous.



At sa tingin ko, hindi iyon ang naging unang beses na inimbestigahan ni Spade ang pinsan ko. Dahil ramdam ko na nakakatunog siya sa mga posibleng koneksyon pa naming dalawa.



Kung may hinala nga siya na nanggaling nga sa isang angkan ng mga mafioso si Alex, sunod na sa ideya na kaisa rin ako ang maaaring nag-udyok sa kanya upang magtago sa akin.



You're really wise and logical, King.



"Don't worry. Aalis din kami kaagad sa oras na magkaroon ng malay si Alex. Pinapatanggal lang namin ang bisa ng pampakalma at pampatulog sa kanya." turan ni Fiacre na halata ang pagkabilasa sa ngiti pa lamang niya.



Mukhang hindi lang siya ang nakararamdam ng tensyon sa loob ng pamamahay na ito gayong napapalibutan namin silang apat.

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon