Chapter Two

66.6K 1.2K 47
                                        

Hindi alam ni Francine kung ano ang sumagi sa kanyang isipan at bigla siyang sumama sa condominium na tinutuluyan ni James. Nang tinanong siya ni James kung gusto niyang sumama rito, tila nakahihipnotismo ang mga titig ng binata at wala siyang naging alinlangan na sumagot ng oo. Saka lamang niya napagtanto ang pagkakamali nang nakasakay na siya sa magarang kotse ni James.

Isang pagkakamali nga ba ang pagsama niya sa binatang ito?

"Tell you what, how about we go to my place and I'll whip some fantastic dinner for two? Sounds good to you?" sabi pa nito sabay ngiti sa kanya.

Dinner for two. At one A.M. in the morning. Sounds... weird. Iyon marahil ang iisipin ni Francine kung ibang lalaki ang may sabi no'n. Pero nang si James ang nagbigkas ng suhestyon na iyon, tila wala sa tamang ulirat si Francine at sumagot ng "good... sounds, good."

"Are you alright?" biglang tanong sa kanya ng binata.

Naputol ang malalim niyang pag-iisip at tumingin kay James na nagmamaneho. "Okay lang ako."

"You look nervous."

"Ako? Hindi, 'no!" natatawang sagot niya. Ngunit ang totoo ay kinakabahan siya. Mukhang hindi naman masamang tao si James. At bago pa siya niyaya nitong sumama sa kanya ay nagpakilala naman itong isa sa may-ari ng Bar na pinuntahan nilang magkakaibigan kanina. Nagbigay pa nga ito ng isang calling card. Kung masamang tao ito, at may balak na masama sa kanya, magpapakilala ba ito ng ganoon?

"I will not do anything that you don't want me to do," dagdag pa ng binata.

Bakit pakiramdam ni Francine ay tila may ibang kahulugan ang mga sinabi ni James? "Alam ko. Mukha ka namang mabait na tao, eh."

Humalakhak si James. "Mabait? No one called me that before."

"Ha? Ano'ng ibig mong sabihin?" Dapat na ba siyang kabahan?

"Sabi nila guwapo raw ako," nakangising sagot nito.

Hindi napigilan ni Francine ang pag-ikot ng mga mata niya. "At mayabang."

Muling tumawa si James. "And that, too." Ibinaling nito ang mga mata kay Francine. "No, I'm just joking. I was trying to distract you from getting nervous."

"At alin ang joke doon? 'Yung part na guwapo ka o 'yung part na mayabang ka?"

"'Yung part na guwapo ako," nakangiting tugon nito.

Natawa na lamang si Francine sa pagiging charmer ni James, ngunit ang totoo ay kinakabahan siya at hindi rin niya maiwasang isipin na mali ang kanyang desisyong sumama kay James. Ang sigaw pa naman niya kay Enrique kanina ay hindi siya kaladkaring babae. Pero kay James, isang ngiti lang ay sumama na siya agad?

Miyembro ba itong si James ng budol-budol gang at gumagamit ng hipnotismo para mapa-oo siya? 'Di kaya ay isa itong serial rapist at gawain nitong mang-akit ng mga babae gamit ang mga matatamis na ngiti nito upang mapasunod ang mga babae sa nais nitong gawin sa kanila?

Pero kung ganyan ka-guwapo ang gagahasa sa akin, baka bumigay ako, biro niya sa sarili at humahagikgik pa. Tumingin siya kay James na nasa tabi niyang nagmamaneho ng sasakyan nito. Ipipiring kaya niya ang mga mata ko at itatali rin ang mga kamay? Hindi niya napigilan ang sarili na matawa habang iniisip ang isang eksena sa librong nabasa niya kamakailan. Kasalanan ito ni Cass dahil pinabasa nito sa kanya ang mga libro nitong 'malalaswa' at 'mahahalay.'

"Maraming nabubuntis dahil diyan sa mga librong tulad niyan! Heto, Anatomy and Physiology book ang basahin mo dahil finals na natin next week." Naalala niyang saway ni Abby kay Cass.

"What's funny?" biglang tanong sa kanya ni James. Sa pagkakatanong nito, hindi naman ito mukhang na-offend sa pagtawa ni Francine.

Humahagikgik pa rin si Francine. "Wala. May naalala lang akong isang eksena sa isang librong nabasa ko."

The PAST MISTAKEWhere stories live. Discover now