Chapter Nineteen

50.3K 1.1K 40
                                        

"Teach him how to love again."

Kung napakadali lamang sana iyon, sana noon pa ay nagawa na iyon ni Francine. Sana noon pa ay minahal na siya ni James noong una pa lamang silang nagkita, noong mga panahong magkasama sila sa iisang opisina. Noong mga panahong muli niyang binuksan ang puso para umibig muli. Pero madali lamang sabihin ang mga iyon-alam ni Francine kung gaano kahirap ang makalimutan ang nakaraang pag-ibig, ang sakit ng kahapon, at ang nawasak na ilusyong binuo tungkol sa pag-ibig.

Hindi ba't napagdaan din 'yan ni Francine? Ang unang pag-ibig at ang unang kabiguan na nangyari sa iisang araw lamang? Hindi ba't dahil sa nangyari sa kanila ni James noon ay isinara na niya ang puso at binantayan ito upang hindi na masaktan muli? Hindi ba't dahil sa isang mapait na kahapon kaya niya nagawang saktan at linlangin si James?

Kung iyon ang nakraan ni James kaya ito ganito ngayon, alam na alam ni Francine kung gaano kahirap ang pinagdadaanan nito. Sadyang malaki talaga ang epekto ng mga nangyari sa nakaraan sa kasalukuyang pamumuhay ng isang tao. Kung ang pait ng nakaraang kabiguan ang nagtulak kay James upang palibutan ang sarili ng mga babae para lamang punan ang pagmamahal na ipinagkait sa kanya ni Grace, ano pa ba ang magagawa ni Francine? Pinili ni James na maging ganoon, tulad na lamang ng pagpili ni Francine na bantayin ang puso na hindi basta-bastang mahulog muli kani-kanino lang.

Isang malungkot na ngiti ang ibinigay niya sa matanda. "Pasensya na po, pero hindi po ako ang babaeng makakagawa no'n. Matutulungan ko po siyang maituwid ang buhay niya pero ang turuan siyang mahalin muli, hindi ko po iyon magagawa. Tulad po ni James, may mga bagay rin po sa nakaraan ko ang nagtulak sa akin para hindi na umibig pang muli. Pero heto ako, nagpapakatanga na naman sa taong mahal ko."

"So you do love him."

Nagulat si Francine sa nasabi niya. Iyon ang kauna-unahang beses na naisatinig niyang mahal nga niya si James. Marahas naman siyang napailing. "Pabugso-bugso po ang damdamin ko-mali po itong nararamdaman ko. Papaano ako magkakagusto sa isang lalaking sa unang pagkikita lamang? Tapos isinuko ko pa ang sarili ko sa kanya..." Huminga nang malalim si Francine. "Alam n'yo po ba kung gaano kalaki ang galit ko sa sarili ko kasi nagpakatanga ako pagdating sa pag-ibig? Kung gaano kalaki ang pagsisisi ko na basta-basta na lang ako na-in love sa isang estranghero dahil nagpapaniwala ako sa True Love at The One? Na malalaman ko na siya na ang nakatadhana para sa akin dahil may sparks akong makikita o makakaramdam ako ng kuryente sa katawan? Kaya heto-ito ang napala ko. Pagkalipas ng ilang taon ay naikasal nga ako sa kanya, sa isang taong sarado na ang puso at tanging pait at galit lang ang nararamdaman."

"Sometimes, love makes us do crazy things."

"Kahit pa ang ma-love at first sight?"

"Well, yes of course! Na-love at first sight din naman ako sa asawa ko. Although, medyo konserbatibo kami sa panahon namin, but still I did some crazy things before," nakangiti pa nitong sabi.

Hindi naman mapigilan ni Francine ang sarili na mapangiti rin. "Talaga po?"

"Yes. Dati, ayaw niya sa akin. Ang ginawa ko kinaibigan ko ang kaibigan niya para magselos. Nang hindi gumana, sumuko ako at sinabi sa sarili na hindi siguro siya ang para sa akin. Nagulat na lamang ako na isang araw ay niligawan niya ako! At ang lola pa ni Abigail ang naging tulay namin."

"Pero magkaiba naman po kasi ang ginawa natin..."

"Yes, but the point is, we all make mistakes in life. And with those mistakes comes the lessons we learn. Sabi mo, minamahal mo na siya noon pa. Bakit hindi mo ituloy iyon ngayon?"

"Dahil may kasalanan akong nagawa sa kanya."

"And what better way to correct your mistakes than to help James find himself, find his heart? Find his love?"

The PAST MISTAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon