"Bes, I'm happy for you!" masiglang saad ni Abigail kay Francine. Hindi pa nakuntento ang isa at niyakap pa si Francine nang mahigpit.
"Ano ba 'yang pinagsasabi mo riyan, Abigail?" nagtatakang tanong ni Francine sa kaibigan.
Matapos ng kanilang dinner, nagpasya ang dalawang lalaki na uminom muna ng beer habang sina Francine at Abigail naman ay piniling magpahangin muna sa may veranda.
Bago sumama si Abigail kay Francine sa veranda ay nilambing muna ni Lawrence ang asawa nito. "Just one bottle, love--promise," pangako ni Lawrence sa asawang si Abigal nang nakita nitong nakataas ang isang kilay ng babae.
Kuminang ang mga mata ni Abigail habang kausap ang kaibigan. "Eh, kasi nahanap mo na siya."
Bakas sa mukha ni Francine ang pagkalito. "Ha? Sino?"
"'Yung-sino nga ba 'yun? Si Mr. Right ba 'yun?"
"Gaga--ano ang akala mo sa akin, si Kim Chiu lang? Baka si The One ang tinutukoy mo."
Pumalatak pa si Abigail. "Hayun nga! Si The One mo! Nahanap mo na siya sa wakas sa katauhan ni James. Sana si Cass naman ang susunod." Tila naglakbay pa ang imahinasyon ni Abigail. Marahil ay nangangarap ito para sa kaibigan nilang si Cass. Hopeless romantic kasi si Abigail, at naniniwala ito na everybody desereves a happily ever after.
Napangiti siya sa isipang iyon. "Magpakatino muna si Cass-sino na naman ba ang boyfriend ng isang 'yon ngayon?"
Nagkibit-balikat naman si Abigail. "Malay ko do'n. Ang huli kong alam ay 'yong crush niyang doktor no'ng college pa tayo. Minsan kasi kapag busy si Lawrence sa trabaho, si Cass ang sumasama sa akin sa mga pre-natal check ups ko. Tapos-ayun, nakita niya uli si Dr. Alejandro."
"At nilandi na naman ng loka-lokang iyon? Naku, 'yang Cassandra na 'yan--hobby na talaga niyang pahiyain ang sarili."
"Actually, bad shot nga siya kay Dr. Alejandro. Mukhang 'di niya type si Cass."
"Talaga?" Lumaki pa ang mga mata ni Francine sa nalaman. "May lalaki pa palang nakakapag-resist sa kaibigan nating si Cass na may built-in na pana ni Kupido? Akalain mo iyon? May lalaki pa palang immune sa kamandag ni Cassandra Aquino."
Sasagot pa sana si Abigail nang tumunog ang cellphone nito. Idinukot niya mula sa bulsa ang cellphone at nakitang may mensahe mula kay Cass. Binasa naman iyon ng malakas ni Abigail: "Kayong dalawa, kung ako ang pinag-uusapan n'yo, tantanan n'yo na ako at kanina pa ako bahing nang bahing dito."
Natawa naman ang dalawa dahil sa mensahe ni Cass. May lahing psychic ba ang kaibigan nilang iyon at naramdamang siya nga ang pinag-uusapan nila?
"Maiba ako, Bes," simula ni Abigail, "ang sweet ni James, ano?"
Napahalukipkip pa si Francine at mariing tinitigan ang kaibigan sa mga mata nito. "At papaano mong nasabi iyan? Ha? Umamin ka Abigail, nilalandi ka rin ba ng magaling kong mister?"
"Loka-loka!" sagot nito na natatawa pa sa akusasyon ni Francine. "Pati ba naman ako pagseselosan mo? Matagal ko na rin kasi kilala si James. Palabiro at charming lang talaga 'yon. Pero I can say naman na kapag nahanap na niya ang Miss Right niya--este--The One niya, titino rin siya. At masaya ako dahil ikaw iyon!"
Hindi napigilan ni Francine na ngumiti nang mapait dahil sa sinabi ni Abigail. Umiwas na lamang siya ng tingin. Kung alam lang ng kaibigan niya ang katotohanan...
"...binilhan ka pa nga niya ng flowers kanina, eh."
Marahas na napatingin siya sa kaibigan. "Flowers?"
"Oo, flowers. Kanina kasi kausap ni Law si James at ang sabi dadaan daw muna siya sa flowershop. Maganda ba ang binili niya? Mga roses ba?"
Wala naman siyang natanggap na bulaklak galing kay James. Hindi kaya...? Imposible. Ang sabi ni James ay wala itong magiging ibang babae habang kasal silang dalawa.. Baka naman ibibigay nito sa kanya ang bulaklak kapag sila na lang dalawa? Baka naman susurpresahin siya ng asawa mamaya?
BINABASA MO ANG
The PAST MISTAKE
RomanceSa unang gabi ng pagkikita nila ni James Madrigal ay agad nahulog ang puso ni Francine Montojo para sa binata. Ngunit isang pangyayari ang nag-udyok kay Francine upang kamuhian ang lalaking dati niyang minahal. At sa pangalawang pagkakataon ay mulin...