CHAPTER 3

873 33 0
                                    

Aoife's POV

Papunta na ko ngayon sa bahay ni sir Sauvey. Sobrang kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon. Sa totoo lang, hindi pa talaga ko ready eh. Pero kasi ang sabi niya, kung tatanggapin ko yung alok niya, puntahan ko daw siya ngayong hapon sa bahay niya. Napapaisip nga ko kung sino yung babae doon sa loob ng kotse niya eh. Hindi naman halatang girlfriend niya. Baka secretary niya siguro? Sabi kasi nila, lagi daw kasama ni sir Sauvey yung secretary niya. Kaya siguro siya 'yun. Yung nagngangalang Yasmin. Nakakaloka nga eh ang laki ng dibdib, legit. Napaatras na nga lang ako eh. Napatingin tuloy ako ng sa akin. Arghh nakakahiya naman 'to >_< Hubog pa lang ng katawan, talo na ko sa babaeng 'yon. Teka bakit ko naman iniisip yung ganitong bagay? Magpasalamat na nga lang ako na meron pa kong ganito eh.

Ang liit ko kasing babae. Hindi naman masyado. Mga nasa 5'3 lang. Tapos si sir Sauvey, nasa 5'8 or 5'9 na yata sa sobrang tangkad. Tapos yung katawan ang laki! >0< Yung parang sa sobrang laki ng dibdib niya, puputok na yung polong suot-suot niya. Talo niya pa nga ko eh. Tapos ang lalaki ng biceps! Para na nga siyang wrestler eh. Kaya sigurado akong lupaypay ako nito kung may mangyayari man sa 'min sa unang gabi ng pagsisilbi ko sa kanya. Pakiramdam ko tuloy, namumula ako ngayon. Arghh nakakahiya >_< Dini-describe ko lang si sir Sauvey ah? Ahm si sir Sauvey, gwapo, moreno, at malinis sa katawan. Syempre may ari ng kumpanya eh. Tsaka ang lakas ng dating niya.

Balita ko, marami daw naghahabol sa kanya pero siya daw itong walang time sa love. May ganun pa palang tao, psh. Dapat nga may girlfriend na siya eh. Twenty seven years old na kaya siya. Tsaka mukha rin naman masaya kung may partner ka 'di ba? Malay mo pa nga, siya pa yung mapangasawa mo. Dati pa namin kilala si sir Sauvey. Hindi ko lang matandaan kung kelan ko siya na-meet. Ewan ko ba. Dati palang kasi or hindi pa ko pinapanganak, kilala na ang pamilya ni sir Sauvey. Kilala ko din ang stepbrothers niya. Sina Victor at Theodore. Kaya ko lang naman sila nakilala ay dahil sa mga chismosa naming kapit-bahay. Ang bilis nga nilang makahagilap ng balita eh.

'Yun din ang hirap sa mga kapit-bahay namin. Maling kilos or galaw mo lang, ipagkakalat na nila. Isa rin 'yun sa kinakatakot ko. Dahil baka kapag nakipagtalik ako kay sir Sauvey, kumalat. Tapos makarating sa pamilya ko, sobrang kahiyaan 'yun kapag nagkataon. Tsaka madalas mag-top sa topic ng mga chismosa sa 'min si kuya. Kesyo nakaw daw siya ng nakaw kahit saan. Buti nga, 'yun nga lang yung kaya niyang gawin eh. Kesa naman gumamit siya ng drugs 'di ba? Pero alam ko namang mali 'yon parehas. Wala lang talagang choice si kuya kundi ang gawin 'yon. Lalo na ngayong hindi makapagtrabaho sina tatay. Hindi rin kasi pwedeng maging taxi driver si kuya dahil wala naman siyang lisensya.

Nakalimutan ko tuloy sabihin sa kanya na matatagalan bago ko siya ilabas. Pero kung pwede akong bumali na agad sa sweldo ko, ilalabas ko na siya doon. Sa ngayon mag-tiis muna siya. Dahil kailangan ko munang magtrabaho. Pero ngayon, kailangan ko munang makausap si sir Sauvey. Hindi ko nga alam kung papayag siya na iba na lang yung maging sex partner niya. Sa tingin ko kasi, hindi ko kakayanin. Baka isang gabi lang umayaw na ko. Imagine-nin ko palang na may kahalikan ako, hindi ko na kaya. Tsaka imagine-nin ko palang na nakikipagtalik ako, para na kong babangungutin. Hindi talaga ko makatulog kagabi sa kakaisip dun. Nagsinungaling ako sa pamilya ko para lang matulungan sila. Sana naman maging worth it 'to. Hindi rin biro itong gagawin ko. Bahala na talaga. May gumabay sana sa 'kin.

Nang makarating ako sa gate nitong bahay ni sir Sauvey ay huminto muna ko para humigop ng lakas ng loob. Pagkatapos ay nilapitan ko na yung guard."Uhm kuya? Nandiyan po ba si sir Sauvey?"tanong ko sa kanya habang sumisilip ako sa loob.

"Ikaw ba si Aoife?"tanong niya naman sa 'kin na tinanguan ko na lang."Pumasok kana. Kanina ka pa hinihintay ni sir Sauvey."sabi pa nito sa 'kin.

Pinagbuksan niya ko ng gate pagkatapos ay pumasok na ko. Naglakad naman na ko patungo sa loob mismo ng bahay niya. Hanggang sa nakarating ako ng pinto. Nakita ko itong nakabukas kaya pumasok na ko."Sir Sauvey?"tawag ko sa kanya ngunit walang sumagot or nag-pakita. Ang tahimik naman dito. At mukhang walang katao-tao.

My Possessive BossWhere stories live. Discover now