CHAPTER 4

816 27 1
                                    

Aoife's POV

Nandito na kami sa bahay ni sir Sauvey. Kanina pa kami nakarating. Nilibot niya ko at tinuro sa 'kin kung ano yung mga gagawin. Bukas, linisin ko yung tatlong guest room sa taas. Iba talaga kapag mayaman. Tapos lalabhan ko daw yung mga damit niya at yung uniform na pang-opisina niya. Nandito ako ngayon sa pagtutulugan ko. Ayos naman. Double-deck yung kama, may electric fan at may sarili pang banyo. Taray 'di ba? Si Sir Sauvey nasa kwarto niya. Aalis daw siya mamaya dahil kailangan niya daw bumalik sa opisina niya. Sabi niya sa 'kin kanina, siya lang talaga daw ang nandito. Wala daw siyang ibang kasama bukod sa hardinero niya at sa guards na nakabantay sa labas. Wala daw pang-maid na damit dito kaya sabi ko kay sir, ayos lang. Kaso nga lang yung mga damit ko, malalaki at maluluwag. Yung iba nga, galing pa kay tatay eh. Pero doon naman ako mas komportable.

Nakaupo lang ako dito ngayon sa kama. Sa ilalim ako ng double-deck matutulog mamaya. Ayoko sa taas, baka mahulog ako. Naninibago ako at hindi ko alam kung makakatulog ba ko ngayong gabi ng maayos. Hindi kasi ako sanay ng tahimik at walang kasama eh. Alas-siete na ng gabi. Pero hindi pa ko nakakain. Hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom kaya ayos lang. Siguro mamaya, kapag alis ni sir Sauvey, libutin ko itong buong bahay niya. Syempre magpapaalam muna ko 'no. Para maging pamilyar ako sa lugar at sa mga bagay na narito. Ang laki at lawak kasi eh. Tsaka nakakatakot talaga. Hindi kasi ako sanay sa ganito. Nasanay ako doon sa lugar namin na kahit gabi na, ang dami pa rin maingay. Kaya nga kahit sanay na kami sa gan'on, may mga Gabi pa rin na hindi kami makatulog ng maayos. Minsan nga nagagalit at napapaaway pa si kuya eh. Naalala ko tuloy. Hindi ko pa pala natanong si sir Sauvey kung pwede ba kong sumahod agad kahit isang libo muna pang-gastos sa bahay.

Ayoko din naman iasa kay aling Bea ang lahat eh. May tindahan kasi sila doon. Tsaka malaki din yung utang namin sa kanila. Pero may mga pagkakataon na hindi na pinapabayad 'yun sa 'min ni aling Bea. Siya lang talaga yung kapit-bahay at taong nakilala namin na ganun kabait. Tapos wala pa siyang hinihinging kapalit. Swerte mo kapag may gan'on kang kapit-bahay. Yung iba kasi ngayon puro chismis eh. Hay. Napahiga tuloy ako dito sa kama. Ang sarap sa likod, ang lambot kasi eh. Mukhang makakatulog ako nito ng komportable kahit unang gabi ko dito. Ganitong kama din yung gusto kong bilhin para sa mga kapatid ko eh. Wag sila magaalala. Dahil kapag nakaipon ako, bibilhan ko sila ng ganito. Pinangako ko pa sa kanila 'yun eh. Pero ngayon talaga, gusto kong bilhan ng sapatos si Naizin. Kasi kung susuotin niya pa 'yon, lalong lalaki yung butas. Ilang beses ng nasira 'yon pero naayos naman namin. Kaso mukha na talagang luma. Ang hirap kasi ng buhay.

Tumayo na ko mula sa pagkakahiga at lumabas nitong kwarto. Pagkabukas ko ay bumungad sa 'kin ang napakagwapong lalaki."I gotta go."paalam ni sir Sauvey.

Napalunok ako at nagiwas ng tingin sa kanya."S-sige sir. Ingat ka po."sabi ko na lang sa kanya.

"Pwede mo pa din namang ihatid-sundo ang mga kapatid mo. But you have to finish your work first. And cook something tonight. Hindi naman ako magtatagal sa office. But if you're hungry, kumain kana. Don't wait for me. Just put the food in the table and cover it. Kung lumamig man, ako na bahala maginit."

Hindi naman agad ako nakapagsalita matapos niyang sabihin ang lahat ng 'yon."S-sigurado po ba kayo sir?"paniniguro ko.

Nagulat na lang ako nang bigla niya kong sunggaban ng halik. Pero sa pagkakataong ito ay saglit lang."Bawat utal, halik ang kapalit."aniya nang may nakapanlilisik na tingin.

Muli akong napalunok dahil sa sinabi niyang 'yon."S-sige p---"napatigil ako sa pagsasalita nang muli akong mautal kaya naman nagtakio ako ng bibig gamit ang dalawa kong kamay.

Nakita kong may nakapanlolokong ngiti sa labi niya. Ilang saglit lang ay tinanggal niya na ang kamay ko na nakatakip sa bibig ko at pagkatapos ay muli niyang dinampi ang labi niya sa 'kin."I'll give want you want. So, i'm not going to do anything with you tonight. But tonight only."sambit niya. Tumango-tango na lang ako dahil baka mautal na naman ako."Don't you have anything say to me before i go?"tanong naman nito sa 'kin na inilingan ko na lang bilang sagot."If that so, i'll go ahead."dagdag pa nito.

My Possessive BossOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz