CHAPTER 9

642 23 0
                                    

Mei's POV

Hi, i'm Mei Lee Guevas. Aoife's friends. Ako at si Kim ay nag-decide na puntahan si Aoife ngayon. Nabalitaan kasi namin yung nangyari sa parents nila. I pity them. Sobrang hirap na nga ng buhay nila, tapos mangyayari pa ang ganitong bagay. Aoife needs us. Maybe right now, hindi siya matigil sa pag-iyak. Kung kelan naman siya nagkaroon ng magandang trabaho, ngayon pa nawala yung parents nila. Mr and Mrs Savino are good peoples. They even treat us as their children. Siguro nga totoo yung kasabihan na kung sino pa yung mababait, sila pa yung unang kinukuha. Pero mabuti na rin ito para kay Mr. Savino. Kasi ilang taon na siyang nahihirapan kasi na-stroke siya. Nahihirapan din kasi sina Aoife na makitang nahihirapan at nasasaktan yung papa nila. Ilang taon niyang pinagdusahan 'yon at ngayong kinuha na siya, siguro mas bubuti na yung lagay niya. But without his family.

Mas masaya pa rin kasi sila kung magkakasama sila. Alam niyo yung kahit ang hirap na ng buhay niyo at kung minsan wala na kayong makain pero nadadaan niyo na lang sa tawa? Gan'on sila Aoife. Weird 'di ba? But i salute them. Lalo na si Aoife kasi hindi siya nawawalan ng pagasa na makahanap ng trabahong mapapasukan niya. And now na may nag-alok na sa kanya, malaking opportunity ito para tulungan ang family niya. And we're here, her friends to support her in everything she wants to and in every decision she'll made. Matatag na babae si Aoife. She's ready to sacrifice anything for her family. Pero lagi namin siyang pinagaalalahanan na 'wag niyang isuko ang katawan niya or gamitin 'yon kahit na desperads siyang tulungan ang family niya. Because i'm sure na hindi lang kami yung magagalit sa kanya. Pati na rin si Claud at ang mga kapatid niya.

After minutes, nakarating na kami dito sa bungad kung saan nakatira sina Aoife. Bumaba naman na kami ni Kim. Sakto namang nakita namin si Ruben."Ruben!"tawag ko sa kanya.

He immediately went to us."May maiitutulong ba ko?"tanong ko sa kanya.

"Pwede mo ba kaming dalhin kay Aoife?"paghingi ko ng tulong niya.

"Sure, tara."pagpayag niya.

Nang maglakad siya ay sumunod na lang kami sa kanya. Nakakatakot dito dahil yung mga lalaki, karamihan sa kanila, mga basagulero. Pero buti na lang ay ligtas kaming nakarating kina Aoife."Sis!"sabay kami ni Kim na tinawag siya.

Agad siyang lumapit sa 'min at sinalubong naman namin siya ng yakap."H-hindi na dapat pa kayo nagabala pang pumunta dito.."umiiyak na sabi niya.

Naghiwalay muna kami. Nakita naming namumula na ang mata't-ilong ni Aoife."How can we do that if we already know your situation?"parang gusto ng maiyak ni Kim habang sinasabi 'yon sa kaibigan namin.

Sinubukan naman kaming ngitian na lang ni Aoife. Parang lalong nadudurog ang puso ko sa pinapakita niya."Aoife be strong okay? We're here. Dadamayan ka namin sa lahat. Alam mo namang hindi ka namin iiwan eh."tumulo na ang luha ko matapos ko namang sabihin sa kanya 'yon.

Muli niya kaming niyakap. Nakita ko naman sa likuran niya sina Naizin at Dallian na umiiyak."A-ate... Babalik pa po sina nanay 'di ba?.."singit ni Dallian.

Humiwalay sa 'min si Aoife at nilapitan ang kapatid na umiiyak. Lumuhod siya sa harap nito para maabot siya ni Daliian."Y-yanyan, hindi na sila babalik okay? P-pero lagi mong tatandaan na sa lahat ng bituin sa langit, isa sila doon. A-at isipin mo na lang na sa umaga, tanghalin at hapon, n-nasa paligid lang natin sila para bantayan tayo."sinubukan konsultahin ni Aoife ang kanyang nakababatang kapatid.

Para gusto kong manlumo sa nakikita kong nangyayari."Hindi pa patay sina nanay eh! Sinungaling ka ate! Sinungaling ka!"galit na sabi ni Naizin kay Aoife habang umiiyak.

My Possessive BossNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ