CHAPTER 21

520 20 1
                                    

A weeks later...

Aoife's POV

Ilang linggo na kaming hindi masyadong nagpapansinan ni sir Sauvey. Parang nagiging ayos lang din sa kanya itong ginagawa namin. Lagi siyang busy. Kung umuwi siya, inaabot na ng hating-gabi or madaling araw. Tapos sinisilip ko pa siya sa kwarto niya. Kita kong nagtatrabaho pa din siya. Para hindi siya makatulog umiinom siya ng kape. Pero ilang beses ko siyang nakitang nakatulog na habang bukas yung laptop niya. Mukhang busy talaga siya nitong mga nakaraan. At sakto namang ngayong araw ay ang aking kaarawan. Yes, it's my day! Pero bakit parang hindi ako masaya? Hay. Sabi ko kina Naizin, hind na lang ako maghahanda. Ayos lang naman daw sa kanila. Mukha ngang mas sumaya pa sila eh. Ngayon ay pauwi na ko galing sa palengke. Ang init. Tirik na tirik yung araw. Tapos wala pa kong dalang payong. Inutusan kasi ako ni sir Sauvey na bumili ng mga wala na sa loob ng ref. Kaya ito, bumili na ko ngayon.

Oras na rin ng meryenda. Siguro pagdating ko mamaya doon, kakainin ko na lang yung pancake na bigay sa 'kin kahapon nina Mei. Hindi ko kasi naubos eh. Hindi ko pa sila nakikita ngayon. At kahit na sina Naizin at kuya. Bago ako dumeretso sa pelengke kanina, dumaan ako sa bahay. Wala doon sina Naizin. Tumingin naman ako sa karinderya, wala doon si kuya. Tinanong ko yung may-ari kung saan nagpunta ang kuya ko. Ang sabi niya umalis daw. Hindi sinabi kung saan. Saan naman 'yon nagpunta? At bakit wala sina Naizin sa bahay? Tinanong ko naman si aling Bea kung nasa'n yung maliliit kong kapatid, sabi niya hind niya daw napansin. Tinanong ko naman si Ruben kung nakita niya ba sina Dallian. Tapos ang sabi niya hindi daw niya nakita. Busy daw kasi siya sa pagaasikaso doon sa sugalan. Jusko, mag-ingat sana siya. Para naman akong nawawalan ng gana ngayon kasi si aling Bea at Ruben palang yung bumabati sa 'kin.

Imposible namang makalimutan nina kuya. Baka nga sila pa yung unang bumati eh. Si sir Sauvey naman hindi ako binati. Pero nang magkita kami ni Leo kanina, binati niya ko. Ang pangit naman ng araw na 'to. Hindi ko pa nakikita sina Naizin. Nabo-bored naman ako doon sa bahay ni sir Sauvey kasi wala na kong gagawin para ngayong araw. Nakapaglinis na kasi ako eh. Tsaka nagayos-ayos ako doon ng mga abubot niya. Pinalinis niya din sa 'kin kanina yung isang kotse niya na nasa garahe. Pero yung katawan ko, parang naghahanap pa ng magagawa. Balak ko sanang kumain ng meryenda kasama ngayon sina Naizin kaso wala sila eh. Bago kasi ako umuwi ngayon, dinaanan ko sila. Wala pa din sila sa bahay at wala pa din daw si kuya doon sa karinderyang pinapasukan niya. Nakapagtataka naman. Saan kaya nagsuot ang mga 'yon? Tsaka hindi pa ko tinatawagan nina Mei. Sabi nila babatiin daw nila ko via video call. Pero hanggang ngayon wala pa, hays

Nakarating naman na ako dito sa bahay. Pagkabukas ko ng pinto at may narinig akong pumutok."Surprise!"may mga nagsigawan."Happy birthday to you~ happy birthday to you~ happy birthday, happy birthday, happy birthday to you~"bigla naman silang nagkantahan.

Nakita ko sina Naizin, Dallian, Mei, Kim, Ion at kuya na nandito sa bahay ni sir Sauvey. At ano ito? Sinuprise ba nila ko?"Happy birthday ate!"sabay na bati sa 'kin nina Naizin at Dallian habang may hawak-hawak na cake.

Nginitian ko naman sila. Hindi ko naman napigilan pang maiyak."Happy birthday sis!"sabay na bati naman sa 'kin nina Mei at Kim.

Niyakap ko naman sila pero hindi nagtagal ay humiwalay kami sa isa't-isa."A-ano ito..?"tanong ko.

"Surprise birthday party po para sayo. Si sir Sauvey po nagayos nitong lahat ate!"si Naizin ang sumagot.

Si sir Sauvey? Pero nasaan na siya? Bakit wala siya dito ngayon?"Happy birthday Aoife."nakangiting bati naman sa 'kin ni Ion.

Nakita kong lumapit naman sa 'kin si kuya."H-happy birthday.."hiya akong binati ni kuya.

Natawa na lang tuloy ako na napapaiyak."T-teka nasa'n si sir Sauvey?"tanong ko sa kanila.

My Possessive BossWhere stories live. Discover now