CHAPTER 19

522 25 0
                                    

Aoife's POV

Papunta na ko ngayon kina Naizin. Dumaan muna kong sementeryo para bisitahin at tirikan ng kandila sina nanay. Dumaan din ako sa school nina Naizin. Buti naman at hindi pa sila naguuwian dahil gusto kong makarating ng bahay ng wala pa sila. Ito nga't nakabili na ko ng ulam eh. Naglalakad lang ako kasi gusto kong ma-exercise yung katawan ko. Nagpaalam muna ko kay sir Sauvey bago ako umalis. Buti na lang at pinayagan niya ko. Tinapos ko naman na muna yung mga gawain ko doon bago ako umalis. Medyo nawala naman na yung hang-over ko. Tsaka sinigurado ko munang hindi amoy alak ang hininga ko dahil sure akong mapapatay ako ni kuya lalo na't sa mga lalaki ako nakipag-inuman. Baka nga madamay at sisihin niya pa sir Sauvey kung bakit ako napainom eh. Minsan lang naman ako maglihim sa kanila. Kung maglilihim kasi ako sa kanila, 'yun yung mga bagay na importante at ayokong malaman nino man.

Tsaka hindi ko talaga binabanggit yung mga bagay na nililihim ko kahit sa mga kaibigan ko. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila. Pero kasi mabilis madulas ang mga 'yun eh. Kaya sinasarili ko na lang talaga. Pagkarating ko dito sa bungad dito sa looban ay agad akong pinagtitinginan ng mga tao, lalo na ang mga lalaki. Bakit parang kung makatitig sila ay parang hindi nila ko kilala. Hello, dati na kaya akong nakatira dito. Pero baka nanibago sila? Yung suot ko kasi ngayon hindi na tulad ng dati. Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanila at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa bahay namin. Hindi nakasara ang pinto kaya naman pumasok na ko. Hindi naman masyadong magulo. Nilapag ko muna yung dala-dala ko sa lamesa kung saan kami kumakain. Sinilip ko kung maayos lang ba ang kwarto. Mukhang inaayos talaga nito. Sana naman hindi nagpapabigat sina Naizin at Dallian kay kuya.

Lumabas ako para tignan kung nandiyan si aling Bea."Oh Aoife nandiyan ka pala. Anong ginagawa ko dito?"bigla siyang sumulpot sa likuran ko.

Kaya napalingon ako."Ah gusto ko lang po kasi bisitahin ang mga kapatid ko."sabi ko sa kanya nang napapakamot pa ko sa batok ko.

"Nga pala, nabalitaan mo na ba?"

"Ano po 'yun? Hindi po kasi ako nanonood ng TV eh."

"Natagpuang patay daw yung mga taong aksidenteng nabaril yung magulang mo."

Nagulat ako nang sabihin 'yon ni aling Bea. Para naman akong tinanggalan ng tinik sa loob ng katawan ko."Gan'on po ba.."yan na lang ang tangi kong nasabi.

Natutuwa akong mabalitaan 'yon."Ate!!"bigla namang may tumawag sa 'kin.

Nakita ko sina Naizin at Dallian kasama si kuya."Aoife? Anong ginagawa mo dito?"tanong sa 'kin ni kuya.

Sinalubong ko muna ng yakap ang mga nakababata kong kapatid."Gusto ko lang kayo makita kuya."sagot ko naman sa kanya."May dala ako diyan. Kain tayo?"sabi ko sa kanila. Agad namang pumasok sina Dallian sa loob."Excuse me lang po aling Bea."paalam ko sa kanya.

Tinanguan niya na lang ako kaya naman pumasok na kami nina kuya sa loob ng bahay."Buti naman at dumalaw ka po ate!"masayang saad ni Naizin.

Nagulo ko na lang ang buhok niya habang papunta ako sa munti naming kusina para kumuha ng plato't-kubyertos."Syempre naman. Bakit naman hindi? Tsaka miss na miss ko na kaya kayo."sambit ko.

Nilapag ko na yung mga kinuha ko sa lamesa at pinagbubuksan ang kanin na binili ko kasabay nitong fried chicken."Nagpaalam ka ba sa amo mo na pumunta ka dito?"tanong pa sa 'kin ni kuya.

Tinanguan ko na lang siya bilang sagot."Tsaka natapos ko na rin naman yung mga gawain ko doon kaya pwede pa kong magtagal dito. Gusto niyo ba 'yon?"ani ko. Masaya nanan akong tinanguan nina Naizin at Dallian."Kain na tayo dali. Habang mainit pa yung kanin. Tsaka masarap yung ulam mo."namamanghang sabi ko.

My Possessive BossWhere stories live. Discover now