CHAPTER 8

675 21 2
                                    

Aoife's POV

Nagising ako sa hindi ko malamang dahilan. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa hospital bed. Naalala ko tuloy yung sinabi ni kuya. Wala na sina nanay. Wala na sila. Hindi ko matatanggap ito. Hindi, hindi ito totoo. Siguro, nananaginip lang ako. Kasi masyado akong nagaalala sa kaligtasan nila. Pero totoo eh. Ang sakit. Ang buong akala ko pa naman ay nasa mabuti na silang kalagayan, hindi pala. Napaiyak na lang tuloy ako. Paano namin ito sasabihin kina Naizin? Alam kong pati sila, hindi kayang tanggapin ang nangyaring ito. Dalawang mahal namin sa buhay ang biglang nawala. Bakit pa nadamay yung mga magulang namin?! Dapat talaga dati pa kami lumapat ng bahay. Pero dahil wala kaming pera, hindi namin magawa. Sa tinagal-tagal namin sa lugar ngayon, ngayon pa kami nadamay at yung mga magulang pa namin talaga! Napakamalas naman ng buhay namin. Lahat yata ng malas at hirap, sinalo na namin.

Gusto ko pa naman sana silang makasama sa eighteenth birthday ko. Kasi kahit walang handa, basta kumpleto kami, masaya na ko. Pero paano na mangyayari yung gusto ko kung kinuha na sa 'min yung mga magulang namin sa buhay? Paano ko na matutupad yung mga gusto kong mangyari para sa 'min kung wala na sila? Balak ko pa naman sanang magpatuloy ng pagaaral para kapag natapos ako, may maipakita akong deploma sa kanila na patibay na nakapagtapos ako kahit mahirap ang buhay namin. Gusto ko pa sanang makita at makasama sila sa pag-ahon namin sa hirap. Balak ko pa sanang ipagamot si papa kasi gusto kong makasama na siya sa bawat lakad namin. Pero paano ko maipagpapatuloy ang mga 'yon kung hindi na nila kami makakasama pa? Ang daya, napakadaya. Sobrang malas, napakamalas.

Nakita kong may lumapit sa 'kin, si sir Sauvey. Nilibot ko ng tingin ang paligid. Hindi ko nakita si kuya. Kaya bumangon ako mula sa pagkakahiga."S-sir Sauvey, yung k-kuya ko po?"tanong ko sa kanya.

"He left."sagot niya."Mukhang naglabas muna siya ng sama ng loob."dagdag niya pa.

Napahilamos na lang ako ng mukha."Bwisit na buhay 'to.."sabi ko na lang.

Hindi ko naman napigilan ang maiyak. Nakita kong mas lumapit sa 'kin si sir Sauvey at niyakap ako. Naramdaman ko namang hinalikan niya ko sa ulo."Everything will be alright."aniya.

Mas lalo tuloy akong napahagulgol ng iyak dahil sa sinabi niya. At dahil na-carried away ako, napayakap na lang din ako kay sir Sauvey."Paanong magiging maayos ang lahat sir Sauvey? N-nawala sa 'min yung nanay at tatay namin! Balak k-ko pa namang iahon sila sa hirap.. pero mukhang hindi ko na magagawa.."sabi ko habang umiiyak.

Hinaplos-haplos naman niya ang likod ko."Don't say that. Maybe they will be more happy if you'll continue to pursue your dreams for your family Aoife. Claud, Naizin and Dallian are still there. They need you. So be strong for them."saad ni sir Sauvey pagkatapos ay hinarap niya ko sa kanya."Kaya nga sinakripisyo mo yung sarili mo para sa kanila 'di ba? So continue. I'm also here to help you."dagdag niya pa at pinunasan ang luha ko.

"Salamat sir Sauvey pero h-hindi mo na po kailangan pa kaming tulungan. Sapat at sobra n-na po na inalukan mo po ako ng trabaho."

Bigla na lang niya kong hinawakan sa pisngi. Gawain ba talaga ng isang boss ito?"Aoife, hindi kana iba sa 'kin okay? So, let me help you. Wala naman akong hinihiling kapalit."sambit nito.

Hindi naman ako makapaniwala sa mga sinasabi niya."Sir Sauvey, hindi pa po ako nagtatagal sa inyo tapos sinasabi mong hindi na ko iba sa sayo, tss kalokohan."napapailing pa ko.

Tinitigan naman niya ko nang may nakapanlilisik na tingin."So what? Nakabase ba sa tagal ng pagkakakilanlan ang pagtulong? Come on Aoife."pamimilit niya naman.

My Possessive BossWhere stories live. Discover now