CHAPTER 1

1.5K 48 1
                                    

Aoife's POV

Nandito ako ngayon sa bahay, binabantayan ang mga kapatid ko na si Naizin Hans Savino at Dallian Ylle Savino. Ang buong pangalan ko ay Aoife Savino. Ang pagkaka-pronounce ng pangalan ko ay 'eefa'. Hindi ko alam kung bakit 'yon ang ipinangalan sa akin ni mama. May isa pa akong kapatid, ang pinakamatanda sa amin, si kuya Claud Selester Savino. Ang gaganda ng pangalan namin diba? Pangalang mayaman pero mahirap talaga kami.

Ipinanganak na kaming mahirap. Si tatay hindi na nakapagtrabaho dahil na stroke. Si nanay naman ay hinatid kahapon sa ospital dahil inatake sa puso. At si kuya naman, ang pagnanakaw ang side-line kapag wala siyang mapasukan na trabaho. Paano eh hindi siya nakapagtapos ng kahit highschool man lang habang ako naman ay naka-graduate lang ng Highschool. Ang hirap ng buhay lalo na kapag walang trabaho. Kung kakain man kami ay sa masamang paraan naman. I mean kasi yung perang pinagkukuhanan kasi namin ay galing sa masamang paraan.

Tapos pagkatapos magnakaw ni kuya, binibili niya ng ulam at bigas. Yung iba, pang bili ng gamot nina mama at papa. Madalas nga hindi na ako kumakain para mabawasan yung gastusin namin dito. Kahit ako ay hirap sa paghahanap ng trabaho. Dito sa bahay, wala man lang TV. Yung dalawang kapatid ko, nagd-drawing lang. Buti nga at may kuryente pa kami eh. Nakabayad kasi si kuya kahapon kaya hindi kami naputulan.

Napansin kong napatigil si Naizin sa paguguhit."Oh bakit Zin?"tanong ko sa kanya.

"Ate nagugutom na ako..."biglang sabi ni Naizin habang nakahawak pa siya sa tiyan niya.

Kahit ako gutom na dahil wala pa rin si kuya. Ala-una na ng hapon pero hindi pa rin kami kumakain."Ako din po ate nagugutom na..."napatigil din si Dallian sa pagguguhit at napahawak din siya sa tiyan niya katulad ni Naizin.

"Konting tiis pa, parating na rin siguro si kuya niyo."sabi ko naman sa kanila.

"Pero ate gutom na po talaga ako."daing pa ni Naizin.

"Mangungutang na lang ako kay aling Marikit."pagkatapos kong sabihin 'yon ay tumayo na ako.

Naglakad na ako palabas ng bahay pero napatigil ako ng humarang si kuya."Saan ka pupunta?"tanong sa akin ni kuya.

"M-mangungutang kay aling Marikit. Nagugutom na kasi sina Naizin at Dallian, ang tagal mo kasi."napakamot pa ako ng ulo habang sinasabi ko 'yon kay kuya.

"May dala na ako. Kumain na tayo. Ako na ang magpapakain kay papa."sabi pa ni kuya.

"Oh Zin at Yan iligpit niyo muna 'yan kakain na. Nandiyan na si kuya Claud."sabi ko naman sa dalawa kong kapatid.

"Yehey!"hiyawan nina Naizin at Dallian.

Nagtungo na ako sa maliit naming kusina. Kumuha ako ng mga plato. Kumuha din ako ng mga kubyertos. Pinaibabaw ko 'yon sa mga plano at binitbit ko na yung kaldero."Kakain na!"masayang sabi ko.

Inilapag ko na yung kaldero at mga plato sa lamesa naming kahoy na parang kawayan."Ito na yung ulam oh."bigla namang sumulpot si kuya.

Kumuha na ng mga plato yung dalawang bata at nagsandok na ng kanin. Ganoon din ang ginawa ni kuya."Kuya kailan nga pala pwedeng lumabas si mama sa ospital?"tanong ko kay kuya.

"Matatagalan pa daw sabi ng doctor pero kailangan na natin magipon-ipon para sa babayaran sa ospital."sabi naman niya habang nagsasandok ng kanin."Ubusin niyo na 'yan. Hindi na ako kakain."dadag pa ni kuya sa sinabi niya.

My Possessive BossDonde viven las historias. Descúbrelo ahora