CHAPTER 13

606 23 0
                                    

Aoife's POV

Kanina pa ako nandito sa bahay. Si sir Sauvey pumunta na sa opisina sa kumpanya niya. Kaya naiwan ako dito sa bahay niya na magisa. Sabi niya 'wag na daw ako magluto ng dinner dahil late na daw siya uuwi at sa labas na lang daw siya kakain. Kaya nagluto na lang ako ng pagkain para sa sarili ko. Malapit ng mag-eleven thirty ng gabi. At medyo nakakaramdam na ko ng antok. Inaayos ko na ngayon itong comforter na nilabhan ko kanina. Hindi ako makapaniwala na natuyo agad. Sobrang init din kasi kanina. Pagkauwi namin ay inayos ko ang pinamili namin. Nakalimutan ko palang magpasalamat sa kanya kanina. Inabot lang naman ng mahigit eight thousand yung sa damit ko kanina.  Nakalimutan ko palang tignan yung price shit! Nalula talaga ko nang makita ko yung kabuuan. Tsaka nakalimutan ko din 'yon sabihin kay sir Sauvey. Natuwa kasi akong pagtripan siya kanina eh. Hindi naman siguro siya magagalit.

Pero yung sa ginawa ko kanina, sigurado akong nagalit siya. Kaya good luck talaga sa 'kin mamaya. Pero sa totoo lang, nag-enjoy ako ngayong araw kahit ang daming nangyari. Simula kaninang umaga at ngayon. Gusto ko ng magpahinga dahil napagod talaga ako sa ginawa namin sa mall kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala na nilibre ako ni sir Sauvey. Pero pakiramdam ko, hindi 'yon libre eh. Feeling ko may kapalit. Kapag inutakan talaga ako ni sir Sauvey jusko. Pero nagpapasalamat talaga ko sa kanya para sa lahat. Kasi kahit hindi pa ko nagtatagal sa trabaho, ang bait niya na sa 'kin tapos nilibre niya pa ko. Ang swerte ko palang mapunta sa mabait na boss kahit medyo possessive. Tapos minsan natatakot ako kay sir Sauvey kapag magagalit. Kasi tuwing kalmado lang siya, para siyang isang cute na bear. As in para siyang malaking teddy bear lalo na tuwing niyayakap ko siya.

Sa ilang araw kong nakasama si sir Sauvey at sa pagtatalik namin, never ko pa siyang nakasama matulog. Pagkatapos kasi naming magtalik, bumabalik na ko sa kwarto ko. May times pa nga na hinahatid pa ko ni sir Sauvey. Napapaisip tuloy ako kung nasa'n na kaya yung babaeng 'yon. Yung secretary ni sir Sauvey na nag-resign kamakailan lang. Naaawa din ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Tsaka nung time na 'yon, narinig ko yung paguusap nila. Halatang may feelings yung babaeng 'yon kay sir Sauvey. At nakikipag-sex din pala siya kay sir. Ibig-sabihin may nauna pa pala sa 'kin. Siguro kaya sinabi sa 'kin ni sir Sauvey na 'wag akong ma-fall sa kanya kasi baka mangyari din sa 'kin yung nangyari sa babaeng 'yon. Pero sa kinikilos at mga ginagawa niya, hindi ko alam kung magagawa ko. Ang sabi kasi sa 'kin ni nanay dapat maging tapat daw kami sa nararamdaman namin. Nasanay na ko s sa gan'on kaya hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Pero hindi pa naman ako sigurado sa feelings ko.

Matapos kong ayusin ang comforter ni sir Sauvey ay lumabas na ko ng kwarto niya. Bumaba ako at nagtungong kusina para uminom. Matapos ko namang uminom ay sinara ko na nag ref."I will make you suffer tonight."may bigla akong narinig na boses sa likuran ko matapos kong isara ang ref.

Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si sir Sauvey."S-sir Sauvey.."utal kong tawag ko sa kanya.

Tinitigan niya ko nang may nakapanlilisik na tingin at may nakapanlolokong ngiti."But let's give this a twist."aniya. Bigla na lang niya kong hinatak. Hanggang sa makarating kami sa kwarto niya. Binitawan niya ako sa kama."You didn't eat enough sweets right?"aniya. Bigla siyang nagtanggal ng suot na damit. May kinuha naman siya at nakakita ako ng ice cream!"Eat this to me."dagdag niya pa ay kumuha siya ng isang scoop ng ice cream at pinahid sa dibdib. Hindi ko naman mapigilan na mapakagat-labi."Lick this Aoife."saad nito sa mapanuksong boses.

Unti-unti siyang lumapit sa 'kin. Kinuha niya ang isang kamay ko at pinahawak niya sa dibdib niya. Kumuha pa siya ng ice cream gamit ang dalawang daliri niya at pinasok niya ito sa bibig ko. Hindi ko naman napigilan na matakam dahil sa sarap nito. Vanilla, ang favorite ko. Hinawakan ko ang kamay ni sir Sauvey na nakapasok ang dalawang daliri sa bibig ko. Nang maubos ko ito ay hindi na ko nagdalawang isip pa na kainin din ang nasa dibdib niya. Agad itong naubos. Kumuha pa siya ng isang sandok ng ice cream gamit yung kutsara at nilagay niya ito sa bibig niya. Hinawakan niya ang ulo ko sa likod at tinulak niya ito palapit sa kanya hanggang sa nagkadikitan ang mga labi namin. Hindi kami naghahalikan, pinapakain niya sa 'kin yung ice cream na nasa bibig niya. Nakakadiri pero ang sarap sa pakiramdam. Nakagat ko pa ang labi ni sir Sauvey dahil sa sarap ng lasa ng ice cream. Humiwalay kami saglit sa isa't-isa.

My Possessive BossWhere stories live. Discover now