CHAPTER 11

617 25 0
                                    

Aoife's POV

Naglalaba na ko ngayon. Medyo makapal itong comforter kaya nahihirapan ako. Si sir Sauvey nanonood doon. Kanina pa kami natapos sa pagkain ng agahan. Kaya ginawa ko na itong trabaho ko. Sabi niya, sa mall na daw kami kumain mamaya. Doon pala ang punta namin mamaya. Kakaunti pa naman ang mga damit kong pang-alis. Feeling ko nga, hindi ako bagay doon. Nakakapasok lang siguro ako dahil nakakasama ko sina Mei. Kaya nga hindi ako makapagayos sa sarili ko dahil mga simpleng damit lang naman yung meron ako. Nang minsan nga kong ayusan nina Mei, sinabihan ako ni kuya nung time lang daw na 'yon ako nagmukhang tao. Diba? Ang sama. Hindi rin kasi ako creative eh. Kaya hindi ko magawan ng paraan yung mga damit kong magmukhang mas bongga pa. Yung maliliit ko ngang mga damit binigay ko na kay Dallian. Ang dami kaya nun. Kaso nga lang hindi na kasya sa 'kin dahil pinagliitan ko na.

Minsan lang kasi kami bilhan ni nanay ng damit kapag may pera eh. Yung pinakamatino ko lang na damit ay yung niregalo sa 'kin ni Kim noong sixteenth birthday ko. Yung kulay pink na off shoulder na damit tapos medyo maliit siya. Hindi nga abot sa pusod ko eh. Kaya nga sa tuwing sinusuot ko 'yun, nagagalit si kuya. Pinapartneran ko 'yon ng jeans. Buti nga may jeans pa ko eh. Yung rubber shoes ko, kaya pa naman kahit ilang beses ng nginagngat ng daga. Epal eh. Sa lahat ng pwedeng kainin, papakin at sirain yung sapatos ko pa yung napagdiskirtahan. Hindi kasi maiiwasan ang daga doon sa amin. Kaya nga dinala ko dito just in case na mag-aya si sir Sauvey na isama ako kung saan kesa naman pabayaan ko na lang doon na kinakagat-kagat ng mga hampaslupang mga daga. Buti na lang at dala ko ang mga 'yon para masuot ko mamaya. Karamihan kasi sa mga damit ko malalaki at maluluwag. Doon kasi ako mas naging komportable.

Kapag natutulog kasi ako ng masikip ang damit ko, hindi ako makatulog ng maayos. Tsaka yung mga bra ko, tatlong piraso na lang kasi hindi ako mabilhan-bilhan noon ni nanay. Kaya nga pagkatapos kong maligo nilalabhan ko 'yun agad para kinabukasan, may magamit ako. Yung underwears ko naman, medyo marami pa. Sina Naizin kasi lagi yung binibilhan nina nanay tuwing may extra silang pera. Ayos naman kahit wala na ko. Masyado na kong matanda para sa mga pasalubong. Tsaka sapat na sa 'kin yung mga natatanggap ko galing kina Mei. Sila nga may binibigay na damit sa 'kin kaso hindi ko bet. Masyado maliit at gapos yung iba sleeveless pa. Hindi sa ayaw ko sa sleeveless na damit. Basta yung iba lang ang hindi ko gusto. Matapos kong paikutin sa washing machine at kusutin itong comforter ay sinampay ko na agad dahil sayang ang init. Tirik na tirik pa naman. Naglakad na ko patalikod habang pinagmamasdan ko yung sinampay ko.

Bigla naman akong napatigil nang may mabangga ako."Are you done?"rinig ko ang boses ng amo ko mula sa likuran.

Nilingon ko siya. Ngayon ko lang siya nakitang hindi naka-office uniform. Bagay din pala sa kanya."Opo sir."sagot ko naman sa kanya.

Nagulat naman ako nang bigla niya kong hawakan sa bewang habang nakatingin sa sinampay ko."Mamalengke muna tayo."aniya.

Mas lalo akong nagulat sa sinabi niyang 'yon."Hindi na sir. Ako na po ang gagawa. Ilista mo na lang po yung mga kailangan ko pong bilhin."saad ko.

"No, i want to come with you. Medyo nabo-bored kasi ako dito sa bahay."

"Pero kasi sir Sauvey hindi ka po nababagay sa ganung lugar. Tsaka baka manakawan ka lang dun."

"Don't worry. I can take care of myself."

"Pero kasi sir---"

"No more buts."

Hindi naman na ko nakapalag pa. Nagtungo muna ko sa kusina para kunin yung bag na pamalengke. Nakita ko namang handa na si sir Sauvey."Sigurado ka po ba sir Sauvey?"paniniguro ko.

My Possessive BossOnde as histórias ganham vida. Descobre agora