CHAPTER 31

511 23 1
                                    

Two weeks later...

Aoife's POV

Nakauwi na kami dito sa bahay ni sir Sauvey matapos ng dalawang linggo. Kaya si sir Sauvey, pagkabalik sa office, binungangaan ni Jaster. Hindi daw siya magkandaugaga sa office ng boss niya habang si sir Sauvey, nagpapakasarap lang. Dapat talaga ilang araw lang kami doon. Pero kasi hiniling nung mga bata na manatili muna kami doon kasi gusto pa daw nila makasama si sir Sauvey. Tuwang-tuwa kasi silang nakipaglaro sa amo ko— I mean, sa future husband ko *kinilig. Hindi ko pa rin maiwasan na tawagin siyang sir. Hindi pa rin ako sanay na tawagin siya sa pangalan niya. Pero sinusubukan ko naman. Araw ngayon ng sabado. Balak naming puntahan sina kuya sa bahay ngayon para aminin na engaged na ko kay sir Sauvey. Kinakabahan ako. Kasi baka hindi siya pumayag na ikasal ako sa amo ko. Baka isipin niya na kaya ko pinakasalan si sir Sauvey dahil mayaman siya. Wag naman niya sanang isipin 'yon. Tsaka imposible eh. Kilala ako ni kuya.

Hindi niya ko pagiisipan ng kahit anong masama. Tsaka maiintindihan niya naman siguro ako. Kinakabahan talaga ko. Hindi pa talaga ako handa eh. Pero ngayon kasi namin naisipan ni sir Sauvey na umamin na sa pamilya namin. Ayaw na kasi namin itong ilihim sa kanila. Tapos kapag pumayag na sila, pagiisipan or mamimili naman kami ni sir Sauvey ng date kung kelan yung wedding. Gusto ko na rin itong sabihin kina Mei pero uunahain namin sina kuya. For sure, magugulat 'yon. Nagulat din ako kasi hindi ko inaasahan na makakabingwit pala ko ng morenong mabait na mayaman tapos may pagka-wild— Hindi kaya napapaisip si sir Sauvey? I mean, simple lang akong babae. Dapat kasi yung magiging asawa niya, katulad din niya. Oo hindi ako mayaman pero kaya kong alagaan si sir Sauvey. Kaya ko din magluto at maglinis. Diba, housewife material na. Asawa na lang kulang. Malapit naman ng mangyari 'yon kaya konting tiis na lang. Magiging Mrs. Monfero na ko.

Hindi ko tuloy naiwasan na mapangiti sa naisip kong 'yon."Why are you laughing?"tanong ni sir Sauvey.

Nandito siya sa likod ko, nahawak sa bewang ko habang naghuhugas ako ng mga pinagkainan naming ngayong umaga."Ah w-wala-wala. May naisip lang ako."sagot ko naman.

Inamoy-amoy naman niya ko sa leeg."Are you excited because you are going to be Mrs. Monfero?"rinig ko pa siyang nagsalita.

Mas lalo tuloy akong natuwa."Hmm syempre. Bakit naman hindi?"sabi ko.

Matapos kong maglinis ng pinagkainan namin ay hinarap ko siya."Pero mukha ka na agad asawa ko."aniya at hinawakan ako sa pisngi."Stop being scared. I'll take care of you. I'm sure, papayag naman si Claud. Basta, akong bahala."dagdag niya pa. Tinanguan ko na lang siya.

Hahalikan niya na sana ako pero may biglang dumorbell."Tignan ko lang kung sino 'yun."paalam ko at nagtungo na ko sa main door nitong bahay. Pagkabukas ko ay bumungad sa 'kin ang matangkad at magandang babae."Uhm sino po ang hanay niyo?"tanong ko sa kanya.

"Nandito ba si Sauvey?"tanong niya.

Saglit kong sinilip si sir Sauvey na nakatayo sa kusina."O-opo."utal ko siyang sinagot.

"Can i come in?"humingi naman siya ng permiso.

Tinanguan ko na lang bilang pagpayag."S-sige po."sabi ko pa.

Matapos kong sabihin 'yon ay agad siyang pumasok. Nang makita niya si sir Sauvey sa kusina ay agad siyang natungo."Oh my god babe i missed you so much."rinig kong sabi ng babae at niyakap si sir Sauvey sa mismong harapan ko.

Anong sinabi niya? Babe? I miss yo? Sino naman kayang bruha 'to? Lumapit ako sa kanila para maki-chismis."Lily?"nagsalita na si sir Sauvey.

Humarap naman sa kanya yung babaeng sa tingin ko ay nagngangalang Lily."I'm so sorry if ngayon lang ako nakapunta. I'm not available kasi last week and i am so busy with my works."saad ng babae. Bigla naman niya kong binalingan ng tingin."And who is this woman?"tanong niya sa 'kin.

My Possessive BossTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang