📌1

221 12 2
                                    


Shyme’s POV:

“Shyme, ‘wag ka na namang aalis na bata ka, ha! Lagi ka nalang nasa kapitbahay. Kung hindi naman sa plaza. Lakwatsera ka talaga. ‘Pag tumakas ka pa, talagang ihahanda ko na ang mga damit mo para ‘don kana tumira sa kaibigan mo!” – paalalang bulyaw ni Anti. Tsk. Kainis, bata nga eh kaya natural na maglaro ako. Tsaka ang lapit lang naman ng plaza dito sa bahay eh. OA lang talaga sila. Siguro nagtataka kayo kung bakit anti ko ang nagsasabi ng mga ýon imbes na Mama ko. Kasi nasa abroad ang Mama ko. Kailangan eh, poor kid lang kasi ako. Kailangan niyang lumayo para magtrabaho para makapag-aral ako at mabili ang kailangan namin. May nakababatang kapatid ako at farmer lang ang Papa ko. Samantalang ang Anti ko naman ay wala pang asawa. Ewan, tatanda atang dalaga. Siya na kasi ang nag-alaga samin, kaming magpipinsan.


Matabil din kasi minsan ang dila niya kaya nababastos namin siya ng mga pinsan ko. Nagiging mabait kasi kapag nagpapadala ang Mama namin ng pera. Bata palang ako pero alam kong ayaw na nila sakin. Hindi kasi nila gusto ang Mama ko para sa Papa ko kaya sobrang galit siya ng pinakasalan ng Papa ko ang Mama ko.

So back to my escape plan. Kilala ako samin na maligalig at funny daw at englisherist kaya kinatutuwaan ako. Meron pa nga no’ng time na umalis daw ako no’ng bata ako kasi talagang mahilig akong pumunta sa kani-kaninong bahay. Sabi pa nila na madali lang raw akong nakawin kasi sasama daw ako kaagad kahit di ko raw kilala. So ang ginawa ni Uncle Marlo, isa sa kapitbahay namin na kinagigiliwan ako kasi wala silang anak ng asawa niya, si Anti Rica. May sakit kasi si Anti Rica, kung hindi ako nagkakamali ay leukemia kaya mahirap talaga siyang magbuntis. Tatlong beses na ata siyang nakunan. So dahil madalas ako sa bahay nila, ang ginawa nila noon ay itinago ako sa loob ng bahay nila, ang Mama at Papa ko naman ay talagang aligaga daw sa paghahanap sakin. Kasi sa bahay namin, bandang north ang kila uncle Marlo kaya pabalik-balik daw ang magulang ko sa paghahanap habang sila anti Rica naman ay mamatay-matay sa tawa. At dahil naawa sila, pinalabas na ako. Tawanan sila pero sermon naman ang inabot ko. Iisang anak palang ako non kaya ingat na ingat sakin ang magulang ko.

So eto na talaga, tatakas na ako. Grade two na pala ako kaya talagang hilig ko ang paglalaro, yung Chinese garter na guma ang gamit namin, tapos piko, bahay-bahayan, soccer base, at iba pa. Kaya para hindi masyadong halata ay paunti-unti akong humahakbang. Nakatingkayad pa ako niyan para talagang hindi mahuli. Kasi kung minsan kukutan ako o di kaya ay papatulugin. Hindi kasi uso ang tulog sa akin kaya alam niyo na, hindi ako katangkaran. Sa totoo nga ako ang pinakamaliit sa class namin pero for girls lang. Nang makalagpas ako sa bahay namin ay tumakbo na agad ako. Haha, success. Pero problema ko na naman kung paano umuwi, ‘di bale ang mahalaga ay nakatakas na ako.

Mga batang tulad ko na naghahabulan ang naabutan ko sa plaza, iba’t ibang laro. At dahil may mga kaibigan naman ako ay agad akong lumapit sa kanila.

“Engel! Pasali.”- agad kong sigaw ng makalapit na ako sa kanila. Habulan ang laro nila kaya keri lang.

“Sige! Ikaw na ang taya tutal kadarating mo palang.” – yon kasi minsan ang rules sa laro namin. Kapag kasasali mo palang ikaw na agad ang taya, ang umangal ‘wag nalang sumali. Dahil nga taya ako ay hinabol ko na sila. Takbo dito takbo doon. Marami pa kaming nilaro hanggang sa hindi ko namalayan na madilim na pala. Kaya nagpaalam na kami sa isa’t isa. At dahil expert na ako sa pagtakas at pag-uwi sa bahay ay ginawa ko na ang itinuro nilang technique. Kumuha ako ng dahon ng makahiya, at inipit sa bandang tagiliran ng short ko. Effective to promise. Maraming beses ko ng ginawa ‘to at hindi naman ako napapagalitan. Nang matanaw ko na ang bahay namin ay napahum pa ako. Wala, masaya lang na nakapaglaro ulit.

The Broken Promise (COMPLETED)Where stories live. Discover now