📌9

17 6 0
                                    

Shyme's POV:

Wala na. Nawalan ako ng pag-asa na makasama siya sa high school, sa araw-araw. Noong araw na sinabi niya na pinapabalik na siya, ewan ko pero naging matamlay na ako. Iniisip ko palang na di ko siya makakasama, parang ang lungkot na. Nasanay na kasi ako na lagi siyang kasama. Tapos sa bawat sulok ng bahay at sa school, maaalala ko siya. Kahit sa simpleng payong, wala nang magtatali ng buhok ko, mag-aayos non 'pag buhaghag at wala nang mag-iipit non kapag tumakas at humarang sa mukha ko.

Eto, nag-eemote ako dito sa duyan. Hihintayin ko nalang siya dito. Hindi na ako lalabas. Matamlay talaga ako eh. Ni hindi ko magawang lumabas at puntahan siya sa kanila. Ganon ako nawawalan ng gana. Nakalimutan ko na ring magkape ngayong umaga. Papayat na ata ako sa ginagawa ko eh.  Ganto daw sabi ni ate Jhelly ang broken, yung ayaw mo ng kumain, matulog, magtrabaho at gumawa ng bagay. Yung ganon. Pero wala naman ako boypren eh. Bata pa 'ko. Good girl to, eh. Crush lang madami.

Hindi kita iiwan,
Hindi pababayaan,
Sa akin ay hindi ka iiyak nang kahit minsan,
Hindi kita iiwan...

Kanta ko pa. Wala eh, sapol ako sa lyrics. Iiwan niya ako. Wala naman akong karapatang pigilan siya kasi bata pa ako tapos Mama niya 'yon. Baka pag nandon na siya, kalimutan niya na ako at magkaroon ng ibang kaibigan. Siya palang kasi ang pinakaclose ko dito, eh. Siya lagi ang kasama ko. Araw-araw. Wala na din akong palusot sa pagtakas sa paglalaro sa plaza. Hindi kasi ako pinapagalitan 'pag siya ang kasama ko sa paglalaro kahit saan ako pumunta dito samin, basta kasama ko siya okay lang. Matino daw kasi siya kumpara sakin na maraming kalokohan na alam. Eh brainy ako eh. I'm smart, not tm.


Kasalukuyan akong nagmumuni-muni ng may biglang nagtali ng buhok ko sa likod. Alam ko na kung sino siya. Kilala ko na kasi ang amoy niya, alagang downy.

Pagkatapos niyang maitali ang buhok ko ay naupo ito sa tabi ko. Maluwag naman ang duyan kaya kahit lima kasya. Idinuyan ko ito ng mahina.

Katahimikan ang naghari saming dalawa. Di ako makahanap ng tumpak na salita upang simulan ang usapan. Baka kasi 'pag napag-usapan namin 'yon, yung tungkol sa pag-alis niya, baka maiyak lang ako.

"Laro tayo?" - pambabasag niya sa katahimikan. Bakas ang lungkot sa boses niya. Unti-unti ko siyang nilingon at tama nga ako, kalungkutan ang makikita sa peke niyang mga ngiti. Nanunubig na din ang mga mata niya.

Agad ko itong niyakap. Diko na napigilan eh. Napasinghot pa ako. Kasi naman, 'pag umiiyak ako, sinisipon ako tapos talagang namumula ang ilong ko kaya mahahalata mo kung umiyak ba ako o hindi.

Walang nagsasalita samin. Pinapakiramdaman ang isa't isa. Parang natatakot magsalita kasi baka hagulgol ang maririnig. Magkayakap kami habang hinahagod nito ang buhok ko. Nainggit ako kaya pinaglaruan ko naman ang kanyang buhok. Mamimiss ko 'to eh. Yung mahaba, maitim at bagsak niyang buhok. 'Yon ang unang nakaagaw ng atensyon ko noong una ko siyang makita. Napagkamalhan ko pang babae at tomboy siya. At yong makinis at maputi niyang balat, mahahabang pilikmata, at makakapal niyang kilay. Na kapag pinagtabi kami parang ako pa ang lalaki, ang ganda niya eh.

"Ah. Mmm. Kelan daw k-kayo aalis?" - mahinang tanong ko sa kanya.

"Sa Sabado na daw e-eh." - garalgal na sagot niya. Labag sa loob niya ang umalis. Bakit ang bilis? Webes na ngayon eh. Tapos ilang araw nalang.

Webes, biyernes o, dalawang araw nalang kaming magkasama. Maikling oras yon. Mabilis pa naman lumipas ang araw. Webes ngayon tapos bukas Sabado na agad.

"Masaya ka bang aalis?" - kahit kita naman na ayaw niya, tinanong ko pa. Eh sa curious ako eh.

"Hindi. Kasi wala ka don at mas gusto ko dito." - agad niyang sagot at kumalas sa yakap namin. Kita ko ang mata niyang basa na ng luha. Pumikit-pikit pa ito para pigilan na magsilaglagan ang mga ito. Dahil iyakin din ako, nakisabay nalang din.

"Pero bakit ang bilis naman? Agad-agad talaga? Excited Mama mo na makita ka?" - walang alinlangan kong tanong habang mababakas ang inis sa tinig ko.

"Yon ang desisyon ni Mama. Ayaw niya na hindi nasusunod. Kahit si Papa, takot sa kanya. Wala kaming magagawa. At siya ang tunay na Mama ko. " - malungkot na saad niya sakin.

"Huhu. Iiwan mo na t-talaga ako? Wala na akong magiging kalaro. Wala ng hihintay sakin at sasabay pagpasok sa school tapos hindi na kita makakasama at makakalaro." - pagrereklamo ko dito.

"Diko n-naman gusto eh, pero wala naman akong magagawa. Ayuko ding bumalik don, wala akong kaibigan don at malungkot tumira don." - iyak niya din.

"Bakit ka naman malulungkot don? At bakit wala kang kaibigan?" - takang tanong ko dito.


"Kasi, hindi ako pinapalabas ni Mama samin. Kinukulong niya ako kaya wala akong kaibigan don. Kaya nga isinama ako ni Papa dito para maranasan ko naman daw ang lumayo don. Magkaroon ng kaibigan, mag-aral at makapasyal. Pero babalik na naman ako samin. Kinausap ko na nga si Mama eh, pero ayaw niya. Uuwi na daw ako kahit ayaw ko man o gusto." - mahabang paliwanag niya. Nalungkot naman ako. Kaya pala siya sumama dito. Hindi ko kasi alam na ganon pala ang naranasan niya noon. Ang bata niya pa para magkaroon ng ganong karanasan liban sakin na nagagawa ko ang karapatan ng isang bata.

"Pero babalik ka naman dito diba? Babalikan mo ako diba?" - iyak kong tanong sa kanya.


"Hindi ako sigurado pero babalik ako. Kapag grade four na tayo, babalik ulit ako. Babalikan kita. Promise. Kaya hintayin mo ako, ha?" - sagot nito.


"Oo naman! Kahit hindi mo sabihin, hihintayin talaga kita. At bilisan mong bumalik para hindi kita masyadong mamiss." - agaran ko ring sagot.


"Aye aye, Ma'am!!!" - nagtawanan muna kami at naglaro ulit. Pilit kinakalimutan na aalis na siya, na iiwan na niya ako.


Babalikan niya naman ako, eh. At alam kong tutupad siya sa pangako niya. Babalik siya.

×××°°°°×××°°°°

The Broken Promise (COMPLETED)Where stories live. Discover now