📌13

40 6 0
                                    


Shyme’s POV:

College life. One of the biggest journey in our life. Why? Kasi finally we’re about to achieve our goals. The certificates and our profession’s degree. Kung saan sasabihin natin “Ma! Pa! nakapagtapos na po ako. Ako naman ang magtatrabaho para sa inyo!” is it the best feeling? Yes, it is. Masaya ako kasi halos abot-kamay ko na ang tagumpay. Kunting kembot nalang, graduation na naman.

Heto na, makakamit ko na ang pangarap ko. Siya kaya, babalik pa? Naaalala niya pa kaya ako? Ni minsan kaya hinanap niya din ako sa social media tulad ng paghahanap ko sa kanya?

“Oh, anak. Anong course ang kukunin mo?”- natawag ngayon si Mama. Actually, diko pa alam ang course na kukunin ko. Parang gusto kong maging soldier pero height ang problema. And I also want to be a lawyer but financial again. Masyadong magastos.

“Diko alam, Ma. Suggest ka nga po. Baka magustuhan ko.”- gulo kong tanong kay Mama.

“Ang pinakademand dito ay Psychology. Gaya ng amo ko, naghahanap sila ng psychology na empleyado. Psychology can be helpful if you want to become a doctor or lawyer too.”- wag na kayong magtaka, minsan talaga ay nag-uusap kami ni Mama with English language. Para mas matuto ako.

Pagkasabi ni Mama ng course na ‘yon ay agad akong nagresearch about psychology. Nakita ko na wala siyang math kasi more on studying of human behaviour. Tsaka weird pero I want to learn how to hypnotize someone and to read someone’s mind through eye contact and by their penmanship. Ang cool kasi. Parang genius ka non.

Pero sabi nga nila, minsan may mga bagay na hindi nakatadhana para satin. I was about to enrol in UC (University of Cordillera) in Baguio pero doon nagsimula ang COVID-19 kaya my parents was worried about me. I have to consider my health too. Kahit super nanghihinayang ay wala akong magagawa. So I chose another course na medyo magaan sa loob ko which also makes me enjoy and comfortable to do, cooking.

I enrolled and kahit papaano, I enjoyed it. Hindi ako nahihirapan instead mas nasisiyahan ako and very easy sakin. Ngayon ko din nalaman na marami palang apps na nagagamit to learn and for school too. We do online class by zoom and google meet. And pinaka karumaldumal na naman ay ako ulit ang president kahit ayaw ko. I feel awkward too kasi they used call me pres and pressy. Whether in public or chats. Hinahayaan ko nalang kasi di naman sila nakikinig. I already told them na Shyme nalang or Adrialine pero wa epek.

I’m having my class now. Online class rather at may google meet kami, so I open my phone. Nasa mini table ako dito sa bahay na madalas kong pagpwestuhan kapag may klase ako, kaharap ang sandamakmak na modules. Actually, yung mga modules ko ay kami ang kumukuha sa school tapos babayaran mo pa tapos ipapasa ulit. Pahirapan kasi locdown and a lot of things na ginagawa noon ay bawal na ngayon to secure our safety din.

“Okay class. Open your cam and let’s take a photo for your attendance.”- inopen ko naman at agad na nag screenshot si ma’am. Inoff ko ulit at pinatay na ang google meet. Ganon lang naman ang routine ko ngayong college. Minsan nakakalimutan kong kumain kasi may time akong hinahabol sa klase ko. And minsan nalang ako nalabas ng bahay.

Habang nagbra-browse ako sa internet ay may nagpop sa messenger ko.

*KLING*

I opened it and it was elementary classmate, si Lie. Ang pagkakaalam ko ay nasa Manila siya kasi naghiwalay ang parents niya. Nagtaka ako kung bakit siya nagchat ngayon kasi I saw her posts in facebook pero di ko pinapansin. Nakakapagtaka na chinat niya ako.

Until she sent me a picture…

She’s with him…

MY DALE…

They are so happy. Gone the long hair…

His aura change. I can’t see the Dale that I used to know.

“Shyme, kasama ko si Dale.”

Her messaged. She even posted it in her myday. With the caption, “At last we’re united after 10 years.”

 Masakit. Kasi naghintay ako. Sobrang sakit na umasa ako sa wala. Na until now umaasa parin ako.

Kahit pahulog na ang luha ko ay pinilit ko paring magreply.

“Oh, hi. Hehe. Kamusta na?”

Sending…

Sent.

“Long time no talk.”

Sending…

Sent.

“Nasa Bulacan ako, kami. Kasama namin siya kasi dito na rin sila nakatira ng Mama niya. Kamusta ka raw tanong niya.” – she replied.

“Ah. I’m okay naman. A little stress to my studies.” – yan nalang ang nasagot ko. Andami kong gustong itanong pero parang wala naman na akong karapatan. Kinalimutan na niya ako. Hindi na siya yung Dale na nakilala ko.

Sana hindi nalang siya nangako kung ganon lang din naman. Kasi umasa ako, nasaktan ako. Minahal ko siya. I thought mahalaga lang siya sakin pero mahal ko na pala.

My mind is filled with questions na siya lang ang makakasagot.

Nasan na ang pangako mo?

Naalala mo pa ba ako?

Kilala mo pa ba ako?

Mahalaga parin ba ako sayo?

Bakit nagbago kana?

Hinanap mo din ba ako tulad ng araw-araw na pasesearch ko sayo sa social media?

Naglaan ka ba ng oras para mahanap ako?

Mga katanungang kahit kailan hindi na masasagot. I composed myself and visit our elementary batch gc. I saw his name there, I immediately click it and visit his account. And there, just a simple post but it answered all my questions.

THOMAS DALE ASCARRAGA

Xxx***ALEX PROPERTY***xxx

Yeah, maybe hanggang don nalang. He’s now happy. At sino ba naman ako para pigilan ‘yon? And I don’t want to be the reason for them to fight. Ayukong manira ng relasyon. Yung sa amin? Alaala nalang. That should be treasure, I guess. Masakit pero at least nagising ako sa pagiging tanga ko. Yung feeling kasi ay yung naghihintay ka ng Bangka sa terminal ng jeep, ganon ang feeling. T A N G A. Naging tanga ako. Naghintay ako sa wala, naghintay ako sa taong masaya na pala, naghintay ako sa taong may nagmamay-ari na pala. Ang saklap mo selp.

Okay lang, madami pa naman diyan. Hindi lang naman siya yung lalaki sa mundo. Masakit pero wala eh, yon yung katotohanan. Maybe I should thank Lie kasi ginising niya ako sa pagiging tanga ko. I committed myself to him. Siguro masaya na din sana ako sa ibang tao if I didn’t lock myself to him. Nagmahal lang ako eh, nagtiwala at naniwala.

Ayos lang, malilimutan din kita. Maybe not now, but soon…

 

×××°°°°×××°°°°

The Broken Promise (COMPLETED)Where stories live. Discover now