📌11

20 6 0
                                    

Shyme’s POV:

Araw na ang lumipas ng umalis si Dale, malayo pa ang pasukan pero wala na akong gana na pumasok. Wala na siya eh, wala na akong kasama sa lahat. Walang maghihintay sakin bago pumasok, magtatali ng buhok ko, mga brasong nakalingkis sakin, at laging natabi.

Nasanay na ako sa presensya niya. Dati-dati nandyan na ako sa labas, kausap siya pero ngayon nakatunganga nalang. Nagtataka nga si anti na bakit daw hindi na ako natakas para makipaglaro sa plaza. Hindi naman daw niya ako papagalitan basta umuwi ako bago magdilim pero ngayon nasa bahay daw ako maghapon.

“Shyme at Amiel, mag-ayos kayo dahil bibili tayo sa bayan ng school supplies niyo. Huwag babagal-bagal dahil matatakbuhan tayo ng jeep.”- utos ni anti samin ni Kuya Amiel. Nasa bakuran kasi kami, nag dodoodle dito sa lupa. Walang magawa eh, umuwi din kasi ang mga kalaro niya na kapitbahay namin sa lugar nila. Hindi kasi sila taga dito, inampon lang at pinaaral ng mayaman naming kapitbahay. Mabait kasi talaga sila, karamihan sa tinutulungan nilang paaralin ay yung malalayo at nasa kabihasnan. Kumbaga ay sa liblib na lugar talaga.

Makalipas ang ilang oras ay nakaayos na ako. Nakabestida at flat shoes. Ewan, lahat ng damit ko kasi ay bestida kaya ‘wag na kayong magtaka kung bakit laging bestida ang damit ko.

“Umaykay idtoy abay ko ta urayen tay jay jeep (halikayo dito sa tabi ko at hintayin natin ang jeep).”- anyaya ni anti samin.

Nag-unahan pa kami ni kuya Amiel at tumabi sa magkabilaan ni anti.

*PEEEPPPPP*PEEEEPPPPPP*PEEEEEPPPPP*

(jeep po yan)

Natanaw na namin ang jeep na nagbabyahe dito sa barangay namin. Pinara namin ito ni kuya Amiel at sumakay na kami. Sa jeep, mas gusto ko sa parteng may bintana, yung matataw ko yung labas. Kasi madali akong mahilo kapag walang hangin na nalanghap.

“Shyme, usog ka naman. Ang sikip dito sa upuan ko eh.”- reklamo ni kuya Amiel. Magkatabi kasi kami.

“Bakit, sinabi ko bang tumabi ka sakin? Ang luwag sa kabila eh. Don kana.”- irap ko sa kanya. Pero naalala ko na hindi kasi siya palaimik sa hindi niya kakilala yung as in na sobrang tahimik na kahit gutom ay hindi siya magsasabi, sa public lang naman pero kapag sa bahay ay parang manok, putak ng putak, naawa naman ako kaya umusog nalang ako.

Kapag nagjeep po kayo at papunta sa pinakabayan po namin ay isang oras at kalahati po ang byahe kaya minsan tiis-tiis muna ang pwet na nakaupo ng mahabang oras.

“Oh, dito lang kayo sa tabi ko at baka mawala kayo.”- paalala ni anti. Sa katunayan, si Papa talaga ang kasama namin ni kuya Amiel sa pagpunta dito. Tinuturing kasi ni Papa na anak niya si kuya Amiel tutal dalawang babae kami na anak ni Papa, si Desi ang bunso kong babaeng kapatid. May time din na nawala ako. Dito din, kasi non ganto yon…

Nakablue dress ako non at sandal na blue, taray maka Cinderella ang Lola niyo. So, sinama kami ni Papa, dalawa kami ni kuya Amiel. Bumili kami ng gamit pang-ekswela. Notebooks, lapis, papel, bag at mga damit pati na din tsinelas. Eh dahil bata ako, day care kasi ako non. Nakakita ako ng mga pamilihan ng mga prutas, eh nakatitig lang ako don at diko namalayan na umalis na sila Papa sa tabi ko. Hindi naman ako natakot non, hinanap ko sila and luckily ay nakita ko. Pinagsabihan pa ako non kaya kapag napunta kami dito, lagi nilang hawak ang kamay ko.

So bili kami dito, diyan. Kumain pa kami sa parteng karinderya. Pagkatapos ay bumalik na kami sa sakayan ng jeep. Hanggang hapon lang kasi ang byahe ng jeep. Hanggang 7:30 to 12:00 lang.

Xxxx****xxxx****

First day of school, masaya na hindi. Wala siya eh. Tapos si kuya Amiel high school na. First year kumbaga kaya wala na talaga kong kasama. Sila Engel nalang. Close ko naman na si Lie pero hindi gaano. Pabida kasi. Pero nalungkot din silang lahat ng umalis si Dale kasi napalapit na din sila sa kaniya.

Unang tapak ko palang sa school ay bumalik yung mga alaala.

“Pffttt. Kasi naman, ang liit ng biyas mo.” – abot-langit na ngiti niya. Tsk, ngiting nang-aasar. Sinimangutan ko ito at nilampasan. Hanggang sa makapasok kasi sa eskwela ay hindi ko siya pinapansin.

 

“Shyme. Sorry na. ‘Di na mauulit promise.” – kanina niya pa ‘yan sinasabi eh. Naaawa naman ako kasi pinagtitinginan na kami tapos si ma’am, yung stepmom niya nakangiti samin. May ibig sabihin eh.

 

“Oo na. Kasi, ang lakas mo mang-asar.” – simangot ko paring sabi.

 

“Ikaw din kanina ah. Lakas mong tumawa eh.” – gatong niya.

 

“Edi sorry din. Nakakatawa naman kasi.” – sagot ko.

 

Aishhh. Miss na kita Dale.

Pinilig ko nalang ang ulo ko para kalimutan siya sandali.

Naging maayos naman ang lahat. Nagulat sila dahil gumaling daw ako sa pag-aaral.

Bawat araw ay sinisikap kong mag-aral, magkaroon ng kaibigan at hindi siya mamiss.

Lumipas na ang taon, naging matunog ang pangalan ko sa skwela dahil sap ag-iiba ng ihip ng hangin. Naging first honor ako, ako ang naging pambato sa mga quizzes at sa larong chess. Hindi lang sa school kundi sa karatig na skwela. Unang sabak ko sa chess ay naging third agad ako sa mga eight na school na kinalaban ko.

Mga papuri at paghanga ang natanggap ko sa iba at hindi maiiwasan ang masabihan ng “tyamba, favouritism at iba pa lalo na ang teacher ko nung grade one. Dahil hindi siya kumbinsido na first honor ako ay sinundan niya ako. Siya ang naging grade four teacher ko, nagtaka ang ibang magulang kahit teachers kung bakit lumipat siya ng grade na tuturuan. Iyon ang araw na pinakahinhintay ko.

BABALIK NA SIYA.

Pero akala ko lang pala. Ni anino niya, wala. Naghintay ako sa tapat ng bahay sakaling dumating na sila pero walang dumamba ng yakap sakin. Walang nagtali ng buhok ko at humalik sa pisngi ko. At nalaman ko nalang na hindi sila matutuloy. Na natawag sila ng Papa niya kay ma’am, yung kapitbahay namin. Lagi niya daw akong bukambibig. Laging tinatanong kung kamusta na ako.

Nalalaman ko dahil laging nabili dito si ma’am kaya alam ko. Sinasabi niya sakin. Yung mga pinag-uusapan nila sa tawag.

Miss na miss ko na siya. Nawalan ako ng pag-asang maghintay. Para saan pa? Hindi din naman babalik. Pero kahit ganon, hihintayin ko siya hanggang sa tuluyan na siyang bumalik.

Kaya’t isinantabi ko muna ito at pinagtuunan ko ng pansin ang pag-aaral ko.

Xxx****xxxxx****

Grade six. Apat na taon na naghintay ako. Isa na akong kilalang pitcher ng softball samin. Kagaya ng sabi ko noon, sikat ang school namin pagdating sa sports lalo na sa chess, softball at baseball. We are ultimate champion. Naranasan kong maging isang tunay na athlete. I represented my school, municipality and province. Maraming nagpapapansin na mga lalaki sakin pero ewan, parang wala lang sakin. May mga soccer player, track and field, high jump, baseball at basketball player pero ngiti lang ang sagot ko. Siguro dahil simula palang mag nagmamay-ari na.

Sana bumalik na siya, mahirap kasing maghintay. Nakakapagod, nakakasawa.

TUPARIN MO ANG PANGAKO MO, TULAD NG SINABI MO. Dahil nangako ka, at ‘yon ang panghahawakan ko…

 
×××°°°°×××°°°°

The Broken Promise (COMPLETED)Where stories live. Discover now