📌10

19 6 0
                                    

Shyme’s POV:

Ito na ang araw. Ba’t ang bilis ng oras, dati dumating lang sila, nakasalubong ko sila, nagcheat ako sa kanya, tinarayan ko siya, naging close kami tapos ngayon iiwan na niya ako. Ang sakit. Wala na akong kaibigan. Yung araw-araw na kasama mo. Kavibes mo sa lahat, kaya kang sabayan sa kalokohan, sweet at maalalahanin. Wala na, aalis na siya. Iiwan na niya ako. Wala mang kasiguraduhan na babalikan niya ako pero maghihintay ako. Hanggang sa dumating siya. Kahit mapagod ako, iisipin ko lang ang mga alaala namin, babalik ulit ang sigla ko na maghintay. Ganon naman eh. Kung mahal mo, hihintayin mo. Bata pa ako pero kahit papaano ay nakakaintindi din naman ako, yung nararamdaman ko.

Nakaupo lang ako sa duyan sa bakuran namin. Ngayon ang alis nila, mamayang hapon pa daw. Hihintayin ko nalang siya, wala akong lakas na magpunta sa kanila. Masakit, nakakalungkot.

“Oh, tatta man pay nga hanmo kadwa ni Dale, Shyme? (oh, parang ngayon lang na ‘di mo kasama si Dale, Shyme) may problema ba?”- tanong ni anti pagkalabas niya sa store, siguro may inayos na paninda.

“Aalis po sila ngayon, eh. Mamayang hapon daw ata o ngayon.”- malungkot na sagot ko sa kanya.

“Diko alam, ah. Mamimiss ko ang batang ýon. Napakabait at sweet pa naman.”- nanghihinayang din na sagot ni anti. Lagi kasing kinikiss ni Dale ang pisngi ni anti tapos buntis din ngayon si anti at siya ata ang pinaglilihian, eh.

Napatunganga tuloy kaming pareho. Napamahal na din kasi siya samin.

“Anti, bili po ako.”- napaangat tuloy kami ni anti ng tingin sa tumawag. Siya. Si Dale.

Nginitian ako nito. Ngiting mababakas ang lungkot. Nagtungo na ito sa store at bumili habang ako ay nakatitig lang. Ang lapit-lapit niya pero bakit parang sobrang layo. Diko na ulit makakasama ang taong naging sandalan, kaibigan at super close ko na tao. Kasama ko maghapon, sa pagpasok sa skwela, paglalaro at buong maghapon. Nasanay na ako sa kanya eh, tapos biglang aalis. Ang hirap naman ata non.

“S-Shyme, usap tayo mamaya.”- pukaw nito sa atensyon ko at hinalikan ako sa pisngi. Hindi pa ako nakakasagot nang umalis na ito sa harapan ko.

Nag-iinit ang pisngi ko. Bakit kaya? Eh mahangin naman. Anyare sakin? Baka may lagnat ako.

“Anti! Paracetamol nga. May lagnat po ata ako.”- sigaw ko kay anti.

“Oh, bat hindi ka sigurado? Pano mo nasabing may lagnat ka?”- nagtatakang tanong niya.

“Kasi po, kiniss ako ni Dale sa pisngi. Tapos po uminit na yung pinsgi at mukha ko po---

“HAHAHAHAHA! M-mga bata nga naman. Haha, hindi ka nilalagnat. Kilig yan.”- natatawang sabi parin ni anti.

“Huh? Ano pong kilig?”-gulong-gulo kong tanong ulit.

“Ah, basta. Bagay kay met gayam (bagay pala kayo).”- ano bang sinasabi ni anti. Di ko maintindihan eh.

“Huwag mo nang isipin. Halla, kumain kana dahil tanghali na. Sabi mo hapon ang alis nila Dale at narinig kong mag-uusap daw kayo mamaya.”- anti.

Oo nga pala. Pumasok na ako sa loob at agad na kumain na. Tinola ang ulam. Wala na ang hita at paniguradong si Kuya Amiel na naman ang kumuha. Kinuha ko nalang ang pakpak at kumain na.

Kahit madami akong nakain, hindi ko malasahan ang kinain ko. Basta kumain lang talaga ako. Siguro dahil wala naman talaga akong gana na kumain dahil malungkot ako. Ganto daw pag broken sabi nila. Ano yun, parang basong nabasag? Broken?

“Shyme! Us usto aya nga pumanaw da Dale’n? (totoo bang aalis na sila Dale?) iiwan kana niya? Kaasi ka pay (kawawa ka pa).”- pang-aasar ni Kuya Amiel kaya binato ko siya ng kutsara. Paepal eh. Tsk.

“Oh, tapos? Bibyang mo?! (Pake mo).”- galit kong bulyaw at iniwanan siya. Naiiyak na naiinis ako eh.

“Inan anom man jay adi mon Amiel?!(ano na namang ginawa mo sa pinsan mo Amiel).”- inis na bulyaw ni anti sa kanya ng makita niya akong naluluha.

At ayon, nag-usap na sila. Naririnig ko pang pinagsasabihan niya ito. Sutil kasi siya.

“Shyme.”- alam ko kung kaninong boses yon kaya agad ko itong nilingon.

“Ah, Mmmm---

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng yakapin niya ako agad. Naiiyak na tuloy ako.

“Mamimiss kita. Sobra. Kung pwede lang na hindi na ako sumama. Kahit dito nalang ako tumira. Mas gugustuhin ko pa dito. Malungkot don, hindi masaya. Pero wala akong magagawa eh.”- iyak niya sakin.

“Hindi na ba talaga mababago ang isip ng Mama mo? Talaga bang kailangan mong bumalik?”- tanong ko sa kanya.

“Wala nang makapagbabago ng isip niya, Shyme. Kapag sinabi niya, yon ang masusunod.” – sagot niya.

“Iiwan mo na talaga ako? A-Aalis kana talaga?”-garalgal kong tanong sa kanya.

“Kahit ayaw ko, kailangan eh. Pero babalik naman ako eh. ‘Pag grade four na tayo, dito ulit ako mag-aaral. Kasama ulit kita, promise.”- pagpapatahan niya sakin habang haplos ang buhok ko.

"Hindi mo naman ako kakalimutan diba? K-Kaibigan mo parin *hik* ako kahit aalis ka diba? Kahit hindi tayo mag-magkasama." - hagulgol ko.

"O-oo, *cries* naman. Hindi kita kakalimutan. Ikaw parin." - sabi niya habang hinigpitan ang yakap niya sakin.

"Dale, nandyan na ang sasakyan. Halina na dito sa labas." - ang Papa niya. Mas lalo ko siyang niyakap. Aalis na siya. Iiwan na niya ako. Huhu.

"A-aalis na ako. B-babalik naman ako eh. Babalikan kita." - nahihirapan niyang sagot.

"Iha. Magpapaalam na kami. Masaya ako na nakilala ka ng anak ko. Napakabait mo, masayahin, mabuti, magiliw at palakaibigan. Sana pag bumalik kami, hindi ka magbago. Lagi kang mag-iingat ha. Dale, halika na anak." - si tito. Lalo tuloy akong naiyak. Close din kasi kami ni tito. Lagi kaming nagkukwentuhan. Mabait din kasi siya.

"Tito. *hik* balik po kayo, ha. Hihintayin ko po kayo." - iyak ko.

"Oo naman, iha. Hindi man sigurado pero babalik kami. Susubukan namin." - ngiti niya.

Bago siya kumalas ay hinalikan niya ako sa magkabila kong pisngi at hinalikan din ang noo ko. Mahigpit na yakap at kumalas na ito.

Sinundan ko sila pasakay sa jeep. Kumaway ako at pinigilan ang luhang nagbabadya ng umagos.

Sana balikan mo ako. Hihintayin kita.

    

×××°°°°×××°°°°

The Broken Promise (COMPLETED)Where stories live. Discover now