📌8

15 6 0
                                    

Shyme’s POV:

Linggo ngayon at niyaya ako ni ate Jhelly na magsimba. Tulad ng sinabi ko noon na doon sila nag-aaral sa Catholic school at choir din siya. Pinagsuot niya ako ng pink na bestida at white flat shoes. Masaya ako kasi hilig ko talaga ang pagdarasal at ang pagkanta din. Sinasama kasi ako ng mga tita at lola ko kapag nagkakaroon sila ng dasal sa mga libingan. Parang forty days ganon.

“Intan Shyme? (tara na Shyme?) – ate Jhelly. Sila ang sponsor ngayon kumbaga sila ang naatasang kumanta ngayong misa. Tumango ako sa kanya habang nakangiti at hinawakan naman nito ang kamay ko at sumakay na kami sa service nila na tricycle. Alas-otso ang simula ng pangalawang misa at alas-syete palang ngayon. Inaliw ko muna ang sarili sa pagsulyap sa bawat dadaanan namin. Makahoy kasi ang daanan kaya mahangin at maaliwalas ang paligid. Namalayan ko nalang na nasa bayan na kami.

Pumasok kami sa loob ng simbahan at inakay ako ni ate sa choir lobe, kung saan ang pwesto ng mga choir o sponsor kada misa. May hagdan ito kaya inalalayan niya akong umakyat. At nasa amin ang tingin ng mga kaeskwela niya. May mga kumaway, ngumiti sakin at sinalubong ako.

“Hi! Inya nagan mo ading? (Anong pangalan mo bunso?).” – tanong ng babaeng mahaba ang buhok at maputi.

“Nagcute kan (ang cute mo naman).”- babaeng maikli ang buhok na hanggang balikat.

“Umayka idtoy, agkattugaw ta (halika ditto, tabi tayo ng upuan). “- sari-saring bungad nila sakin. Nginitian ko sila at animoý bulate silang nabudbudran ng asin. Umirit kasi sila.

“Halla! May dimples ka, ang cute.” – babaeng nasa kanan ko.

“Iuwi nalang kaya kita.” – katabi ni ate Jhelly, isa sa close friend niya ata.

“Okay, assemble third year, adatta ni fatheren (nandyan na si Father) halika dito iha, tayo ang magtabi.” – guro ata nila. Nahihiya man ay tumabi na din ako. Nagsimula na ang misa at dahil may iba naman akong alam na kanta ng misa ay nakikisabay ako. Di ko alam kung malakas ba ang boses ko o hindi dahil nalingon naman sila sakin paminsan-minsan.

Natapos ang misa na marami akong naging close sa classmate ni ate. Sabi nga nila na sumama ulit ako kasi natutuwa daw sila sakin at bibo daw kasi ako. Bago kami umalis ay kumain muna kami ng panciteria at umuwi na lulan ng service nila ate.

Agad akong nagbihis ng damit pambahay at lumabas, natanaw ko na agad si Dale sa bakuran nila at agad na tumakbo palabas ng makita ako.

“Nagsimba ka? Sinong kasama mo?” – agad na tanong niya at kinuha ang panali ng buhok ko sa aking kanang braso at siya na ang nagtali ng buhok ko.

“Oo, kasama ko si ate Jhelly. Ikaw? Anong ginawa mo kanina?”- balik na tanong ko ng humarap na ito sakin.

“Wala. Kumain lang ng agahan tapos pinuntahan kita kanina dito kaso nagsimba ka daw eh, kaya hinintay nalang kitang dumating at tumambay sa bakuran namin.”- paliwanag niya.

The Broken Promise (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant